Tahimik lang na nakaupo si Cy sa mga balkonahe niya ng mga oras na iyon. Hawak ang tasa ng kape na bagong timpla niya. Maaga siyang lumabas sa trabaho lalo na at wala namang gaanong gawa. Pa dalawang tasa na niya iyon mula ng dumating siya kanina. Napatingin siya sa parteng kanluran. Papalubog na ang araw sa mga oras na iyon. Pinagmasdan lang niya ito hanggang sa lamunin ng dilim ang liwanag. Ilang buwan na ring wala siyang balita kay Aize. Hindi na rin naman siya nag-abala pang magtanonv ng tungkol sa dalaga. Kung magbabalita man si Zizi ng tungkol kay Aize, ay siya na ang umiiwas. Mula ng sinabi ni Izzy na nagtungo itong ibang bansa ay hindi na rin siya nag-abala na maghanap pa. Oo nga at mahal niya ang dalaga. Totoo iyon at walang halong biro. Pero wala siyang balak maghanap ng taong

