"Daddy! Wag mo naman pong biglain si Cy. Syempre lahat naman po dumadaan sa proseso ika nga. Masaya naman po ako na magkasintahan lang po muna kami." Saway ni Aize sa ama ng muling buksan nito ang usaping kasal. Nasa bahay na sila ng mga oras na iyon. Ayos na rin naman si Aize kahit papano. Ang stress at pagod na nararamdaman niya gawa ng byahe at pagkabigla ay agad ding nanglaho ng masiguradong maayos lang si Cy. "Hindi naman sa ganoon. Pero kung uuwi si Cypher sa San Lazaro magpapaiwan ka ba dito anak?" Tanong ni Aris at mabilis na umiling si Aize. "See matapos ninyong magkalayo ng ilang buwan. Ngayon naman ayaw ninyong magkalayo. Mga anak ang relasyon ang pinapatagal at hindi ang pagiging magkasintahan. Isipin ninyo pagmagkasintahan kayo. Konteng problema, tinatakasan. Kung mag-asawa

