Nagtatype si Aize ng files sa computer ng mga dapat niyang isubmit sa kanyang boss. Madami iyon at kung titingnan ay talagang nakakapagod. Katatapos lang niyang itype ang isang folder ng makatanggap siya ng tawag mula kay Izzy. Mapait lang siyang napangiti ng maalala na naman ang kaibigan. "Zizi." Mahina niyang bulong at sinubukang i-silent ang cellphone para hindi na iyon makapag-ingay pa. Ipinasok pa niya iyon sa loob ng drawer para hindi niya makita ang pangalan ng dalaga. Hindi naman talaga siya galit. Para lang talaga siyang ampalaya. Bitter ba. Nang oras ng meryernda, ay nagtungo na lang muna siya ng pantry at hindi na sumama sa mga katrabaho na nagtungo ng canteen. Inaaya pa din siya ni Rihan pero hindi na siya sumama. Kumuha siya ng tasa at nagtimpla ng kape. Ang mga bagay na n

