"Anong maiipaglingkod ko Cypher?" Tanong ng daddy ni Aize na hindi niya kaagad nasagot. Natigilan talaga siyang bigla at walang maapuhap na sasabihin. Napatitig lang siya sa mag-asawa na parang nalunok niya ang sariling dila. Nang makarating ang mag-asawa sa harapan nila ay pinaupo naman silang muli ng daddy ni Aize. Kinumusta naman siya nito at ipinakilala naman niya si Jose, sa mag-asawa. Si Manang Sena naman ay nagtungo ng kusina para kumuha ng meryernda. Sakto din namang dating ni Izzy galing sa pagtuturo at nagagalak na makita sila ni Jose. Nagpasalamat pa ang dalaga, na pumunta ito doon. Nais din kasi nitong makausap si Cy. Tulad ni Cy, wala ding alam si Izzy kung bakit naging malamig ang pakikitungo ng senyorita niya sa kanya. Bagay na ipinagdamdam niya, lalo na at miss na miss na

