"Terminal! Terminal!" Sigaw ng konduktor ng bus na sinasakyan ni Aize. Kaya naman ang nakakatulog niyang diwa ay mabilis na nagising. Inayos ang sarili at hinintay na tumigil ang sinasakyang bus. Naghintay din siya ng ilang minuto para makababa ang nagsisiksilang pasahero. Bago sila bumaba. Inilinga niya ang sarili at naghanap ng taxi. May pera pa naman siyang natitira at iyon ang ginagamit niyang pamasahe. Ilang sadali pa at may tumigil na taxi sa kanyang harapan. Sumakay na rin siya at nagpahatid sa bahay nila. Madaling araw na ng mga oras na iyon, kaya naman alam niyang mga tulog na ang tao doon. Bago siya umalis noon ay may susi naman siya ng gate at bahay nila kaya naman malaya siyang nakakapasok noong nakakapagbar pa siya. Dahan-dahan lang ang paghakbang niya ng biglang bumukas

