Chapter (3) (RECITATION)

1070 Words
CHAPTER 3 JHONA POV Pagkauwi namin mula sa palengke, agad akong tumulong kay Mama sa pag-aayos ng mga paninda sa maliit naming tindahan. Tinulungan ko siyang maghiwa ng mga gulay at mag-ayos ng mga isda sa yelo. "Salamat, anak," sabi ni Mama habang pinupunasan ang pawis sa noo. "Pumasok ka na, baka mahuli ka pa sa klase." "Opo, Ma. Alis na po kami," sagot ko habang kinukuha ang backpack ko. Kasama ko sina Aiza at Enna, mga kababata kong naging kasama ko na rin sa lahat ng hirap at saya sa buhay. “Ready ka na bang mapahiya ulit sa recitation?” tukso ni Aiza sabay tawa. “Excuse me, ikaw nga ‘yung natulala last week, di ba?” sabay balik ni Enna. “Hoy, tigilan niyo ako ha,” sabat ko. “Ayokong ma-late, lalo na't History na naman ang subject natin ngayon. Baka mapatawag na naman tayo isa-isa ni Prof. Santos.” Maya-maya, narating na namin ang university. Nursing students kami sa isang public college sa Bicol ang Bicol Southern Islands College of Allied Health o BSICAH. Mahirap pero masaya, lalo na kung kasama mo ang mga tunay mong kaibigan. Pagkapasok sa classroom, naroon na ang halos lahat ng kaklase namin. Tahimik. Parang may tensyon sa hangin. Hindi nagtagal, dumating si Professor Santos matikas, matalino, at kilala bilang isa sa pinakamatapang na guro sa buong department. Tumayo siya sa harap at diretsong nagtanong, walang pasakalye: “Paano nakaapekto ang Crimean War ng 1855 sa pandaigdigang balanse ng kapangyarihan sa Europa, at ano ang mga implikasyon nito sa mga kolonya gaya ng Pilipinas?” Tahimik ang klase. Nagkatinginan ang lahat. Isa-isang nagtaas ng kamay ang ilan. Si Aiza ang unang sumagot. “Sir, um... ang Crimean War po ay nagdulot ng pagbabago sa mga alliances ng mga European countries. Nagkaroon po ng power struggle between Russia and the Western powers tulad ng France at Britain.” “Tama, pero kulang,” sagot ni Prof. Santos. Sumunod si Enna. “Sir, nadamay po ang Ottoman Empire at nagkaroon ng redirection ng military power. Sa tingin ko po, dahil dito, naging mas agresibo ang mga bansang kolonyal tulad ng Spain sa pagpapanatili ng kanilang mga teritoryo.” “Closer. Sino pa?” tanong ulit ni Prof habang tumingin sa akin. Napabuntong-hininga ako. Wala akong choice. Tumayo ako at sinimulan ang sagot ko. “Sir, ang 1855 ay panahon ng malalaking pagbabago sa geopolitics ng Europa. Sa gitna ng Crimean War, naipakita kung gaano kahalaga ang alliances at kung paano ang isang digmaan ay may indirect effect hindi lamang sa mga bansang kasali kundi pati na rin sa mga kolonya. Tulad ng Pilipinas. Bagamat wala tayong direktang parte sa war, naapektuhan tayo dahil humina ang pondo ng Spain para sa kanilang mga kolonya. Bunga nito, mas piniga nila ang mga kolonya para sa resources.” Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. “Pero hindi lang iyon, Sir. Ang war ay nagsilbing wake-up call sa mga bansang Europe kung gaano kahalaga ang modernization. Kaya noong pagbabalik nila sa kani-kanilang mga teritoryo, lalo silang naging mapang-abuso, mapanupil, at determinadong pigain ang anumang yaman mula sa mga bansang tulad ng Pilipinas. Sa kabuuan, ang digmaan ay nagbunga ng mas matinding kolonyal na kontrol.” Tumahimik ang klase. Tinitigan ako ni Prof. Napangiti siya. “Ngayon, ‘yan ang sagot na hinahanap ko. Matuto kayong lahat kay Jhona. Hindi sapat ang historical facts kailangan niyo ng analysis. Connection. Insight.” Nagpalakpakan ang mga kaklase. Si Aiza at Enna ay humanga rin. “Yun oh,” bulong ni Enna. “Panalo ka talaga sa recit.” Tinapos ni Prof. Santos ang discussion sa ilang historical readings, pero kitang-kita ang pride sa mukha niya habang lumalabas siya ng classroom. Pagkalabas niya, biglang bumukas ang pinto. Sumilip ang isa pang professor, si Prof. Millare, ang instructor namin sa Human Anatomy and Physiology. “Class, are you ready?” tanong niya habang may bitbit na skeletal model. “Oh no,” bulong ni Aiza. “Here we go again.” “Let’s go, future nurses!” masiglang bati ni Prof Millare. “Today, we discuss the cardiovascular system and how critical it is in the field of medicine. Nursing is not just about assisting it's about understanding the entire body system.” Nagbukas siya ng slide sa projector. “Now, who can tell me the pathway of blood flow in the heart?” Nagtaas ng kamay si Enna. “From the body, deoxygenated blood enters the right atrium through the superior and inferior vena cava. Then to the right ventricle, then to the lungs via pulmonary artery for oxygenation...” “Very good,” sagot ni Prof. “What happens next?” Ako naman ang sumagot. “Oxygenated blood returns to the left atrium via the pulmonary veins, then down to the left ventricle, and out through the aorta to the rest of the body.” “Excellent!” masiglang sambit ni Prof. Millare. “Now, let me ask a harder question. Bakit mahalaga ang understanding ng blood pressure at circulation sa isang nurse?” Tahimik saglit. Maya-maya, si Aiza ang sumagot. “Sir, dahil dito natin malalaman kung may problema sa heart function o kaya may risk ang pasyente sa stroke, cardiac arrest, o organ failure. Monitoring BP is like monitoring life itself.” “Perfect, lahat ng sinabi niyo ay core knowledge ng pagiging nurse. Pero tandaan: ang tunay na nurse, hindi lang marunong maalaga, mabilis mag-isip, at may puso.” Tumango kaming lahat. May biglang tumayo sa likod si Leo, kilalang jokester sa klase. “Sir, paano po ‘pag broken hearted ang patient? May gamot po ba sa love life?” sabay tawa. Natawa rin si Prof. “Yes, Leo. Ang gamot diyan: food, tulog, at focus sa pag-aaral. Tapos mag-aral kang maging top nurse para mahanap mo ‘yung taong ‘di ka iiwan.” Nagkagulo ang klase sa tawanan. Pero sa gitna ng tawanan, tahimik akong nakatitig sa skeletal model sa harapan. Hindi ko man alam, pero parang may bumubuo sa loob ko. Ang kaalaman pala kapag ginamit ng may layunin ay pwedeng maging tulay sa mga pangarap. At baka, sa dulo ng lahat ng ito, hindi lang diploma ang matatanggap namin. Baka pati ang tunay na direksyon sa buhay. Dahil hindi lang ito tungkol sa pagsusulit, o recitation, o grades kundi tungkol sa kung paano kami magiging tunay na tagapag-alaga ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD