Chapter (2) Mga plano

1116 Words
CHAPTER 2 RYKER POV “Damn it!” sigaw ko habang binabagsak ang pintuan ng kotse at mabilis na pinaandar ang makina. Hindi ko alam kung galit ako o nababaliw na. Three months? A Filipina wife? Are they out of their minds? Tinapakan ko ang gas at dumiretso sa downtown Lucerne, kung saan naroon ang bar na pagmamay-ari ni Xai Feng ang half-Filipino, half-Chinese na tinuring ko nang kapatid. Si Xai, na kilala sa buong Geneva at Luzon bilang Mr. Condom King, may ari ng malawak na chain ng contraceptive products across Asia. Pagkapasok ko sa bar, agad kong hinanap ang pamilyar na mukha niya. Nasa VIP booth siya, naka-relax, may dalawang babae sa tabi, at isang glass ng whisky sa kamay. Napatingin siya sa akin at biglang ngumiti ng parang demonyo. “WOAH! Look who’s here! Mr. OB-GYN na hindi marunong magpakasal!” sigaw ni Xai sabay tawa. “Shut up.” sabay upo ko sa tapat niya at hinablot ang baso ng alak sa mesa. “Bad trip ka ah. What happened this time, bro? Family pressure na naman?” “Worse,” sagot ko. “They want me to get married.” Napaatras si Xai sa kakatawa. “HA! As in kasal? Holy crap, Ryker! The Ryker Crowley? Magpapakasal? This is headline material!” “Not funny.” inis kong sagot habang tinungga ang laman ng baso. “Bakit daw?” tanong niya habang pinapaalis ang dalawang babae. “Sorry girls, this convo is rated R. Come back later.” “Nagpapanic na ang pamilya ko. They think Xavier’s more ‘fit’ dahil willing siyang magpakasal. Kaya ultimatum: magdala daw ako ng tunay na girlfriend sa gala sa Manila.” “Tunay? As in hindi escort? Hindi actress?” sabay ngisi ni Xai. “Yup. Gusto nila ‘yung may class daw. Real. And get this Filipina pa.” “Ang daming layers niyan, bro. Parang lasagna.” sabay tawa ni Xai. “So anong plano mo?” “Wala pa. I need someone convincing. Someone who can survive my family. Someone who can act. And most of all” “Hindi mahuhulog sa’yo?” putol ni Xai. “Exactly,” sabay tango ko. “Damn, bro. Mukha kang desperate.” Tumayo siya at kinuha ang isa pang bote ng alak. “Pero wait lang ha, irony check lang OB-GYN ka, surrounded ka ng babae araw-araw, tapos ngayon ka pa nagkakaproblema maghanap ng isa?” “Profession doesn’t mean I collect patients,” seryoso kong sagot. “Right, pero come on. Ikaw na nga ‘yung top OB sa Asia tapos may reputation kang ‘no-attachment, all-work.’ Saan ka maghahanap ng willing pumatol sa planong kasal mo? Sa Tinder?” “Hindi pwedeng masyadong mainstream. Kilala na ako sa medical world. Kahit assistant nurse, alam ang pangalan ko.” “Alam din ng buong Luzon ang brand ko pero wala pa ring nakakakilala sa tunay kong pagkatao,” mayabang na sagot ni Xai. “Trust me, bro. You need someone outside your circle.” “Gano’n din iniisip ko. Someone simple. Walang koneksyon sa high society. Walang alam sa gulo ng mundo ko.” “Alam mo kung saan ka makakahanap ng gano’n?” tanong ni Xai habang nagbubukas ng bagong bote ng beer. “Saan?” “Pinas.” Napatingin ako sa kanya. “Excuse me?” “Yup. I know this place. May kaibigan ako sa Bicol. May medical mission tayo last year doon, ‘di ba? Doon ako nagstay. May mga babae doon, sobrang hardworking, simple, at higit sa lahat, hindi gold digger.” “Hindi ako naghahanap ng love story, Xai. This is a business arrangement.” “Then make it look like love.” sabay sip niya sa beer. “You need someone na convincing. Alam mong hindi basta-basta susuko sa pressure. Someone you can train.” “Parang apprentice?” “Parang ‘Project Wife.’ I-train mo. Turuan mo kung paano kumilos sa harap ng elite. Bigyan mo ng designer clothes, makeover, basic etiquette. Then boom! Present her sa gala.” “Hindi ito reality show, Xai.” “Totoo. Pero ito ang reality mo ngayon. You have no time. Two months lang. Either you do this... or let Xavier ruin your empire.” Napaisip ako. May punto siya. “Pero paano kung mahulog siya?” “Then make sure you don’t fall.” Napailing ako. “You make it sound easy.” “Because it is. Kung ako sa’yo, lilipad na ako bukas papuntang Manila. Go far from your comfort zone. Go local.” “Gusto mo ako maghanap ng asawa sa kalsada?” sarkastikong tanong ko. “Not on the street,” sabay ngisi niya. “Sa palengke.” “Sa palengke? Are you serious?” “Yup. Doon ko nakilala ‘yung pinaka-authentic na tao sa buong buhay ko. Tindera ng gulay. Sobrang smart, marunong sa buhay, at hindi ako trinato na ATM. Yun nga lang, hindi ako ang gusto niya.” “Now you’re making this personal.” “Hindi bro. Real talk lang. Kung gusto mo ng ‘real,’ ‘yun ang definition ng real. Hindi ‘yung anak ng senador. Hindi ‘yung model na may 2M followers. Hanapin mo ‘yung babaeng mas inuuna ang pamilya kaysa likes.” “Palengke. Right.” Napahigop na lang ako ng alak habang iniisip kung sineseryoso ko pa ba ‘tong lahat. “Gusto mo ng tulong?” “Tulong o gulo?” “Tulong na may kasamang gulo,” sabay tawa niya. “Bibigyan kita ng contact ng isang kaibigan ko sa Manila. May mga kaibigan siya sa palengke. She can set you up, discreetly.” “Huwag ‘yung mukhang set-up. Ayokong feeling ng babae ay binili siya.” “Relax, bro. I’m a playboy, not a criminal.” sabay abot niya ng phone at tinype ang number sa notepad. “Ito, si Lani. May kilala siyang mababait na babae. May tindahan ng isda’t gulay. Swak sa requirement mo.” Tinanggap ko ang number at tumingin sa kanya. “What if this backfires?” “Then at least you tried. Better than letting Xavier take over everything you built.” Napabuntong-hininga ako. “Fine. I’ll fly to Manila next week.” “That’s the spirit!” sabay taas ni Xai ng baso. “To fake love, real power, and condoms!” “Tangina mo talaga,” natatawa kong sagot. Pero sa loob-loob ko, alam kong nagsisimula na ang misyon ko isang misyon na hindi lang para manatili sa trono, kundi para hanapin ang babaeng magpapanggap bilang asawa ko... kahit hindi ko alam kung matatapos ito sa peke lang, o... sa totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD