Chapter 7

1425 Words
Leslie Alegria Pov. Gaya ng nais akhiro na linisin ko ang magulo niyang silid, ginawa ko nga iyon at nagawa ko namang tapusin sa loob ng ilang minuto. Matapos 'non, lumabas na ako kasama ni aling rosa. May ilang kasambahay pa nga ang nakatingin sa akin nang makita nila akong lumabas sa silid ni akhiro. Iyong iba ay nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Hindi ko mahulaan ang kanilang pinag-uusapan ngunit ang tingin nila sa akin ay may halong panghuhusga. Binalewala ko na lamang iyon dahil hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako narito. Bumalik kami sa sala kung saan nasabi ni aling rosa na ipagdadala niya ako ng maiinom. Nais ko sanang tumanggi ngunit naka-alis na siya at madaling nagtungo ng kusina. Naiwan muli ako sa sala habang tinatapik ang dalawang palad sa aking hita. Makaraan lamang ng ilang minuto, dumating na muli si aling rosa na may dalang tubig at miryenda. "Kumain ka muna, hija. Ang sabi ni senyora flora ay pauwi na sila dito." nakangiting tumango ako bago magpasalamat. "Salamat po." "Maraming trabaho ngayon sa hacienda, sa katotohanan nga ay nais magdagdag ni senyora ng trabahador upang mapadali ang trabaho. Marami din naman kasi ang nais makapag-trabaho sa hacienda del vega." Tumango ako sa sinabi niyang iyon. "Noon po ay nais ni ina na makapasok sa hacienda. Ngunit hindi po siya pinapalad dahil mahina po ang kanyang katawan. Hindi rin siya palaging nabibigyan ng opurtunidad na maka-usap ang senyora." Tumango-tango si aling rosa habang nakatingin sa akin, nakangiti siya na para bang nagugustuhan ang pagbabahagi ko. Totoo naman iyon, nais noon ni ina na makapasok dito dahil sa trabaho. Hindi lang iyon, nais niyang makita ang malaking hacienda ng mga del Vega dahil na rin sa pagkamangha nito sa senyora. "Hindi man pinalad ang iyong ina na makapasok dito. Tinupad mo naman na ang pangarap niya, sigurado lang na natutuwa iyon sayo at todo kung suportahan ka niya ngayon." mapait na ngumiti ako na tila'y nahalata niya na naging malungkot ako. "Kung narito po siguro si ina, magiging masaya nga iyon. Ngunit hindi ko pa siya kapiling sa ngayon, nasa abroad po ito at doon naghahanap buhay." hindi nakasagot si aling rosa sa sinabi ko. Hindi ko rin naman nais maawa siya sa aking sitwasyon dahil maski ako, pilit ko lang tinatatagan ang sarili upang hindi ako sumuko sa buhay. Ang pinang-hahawakan ko lang sa ngayon ay makapag-tatapos din ako ng pag-aaral balang araw. Hindi ako nawawalan ng pag-asa kahit minsan ay malabong mangyari iyon. Ngunit ngayon, nasisiguro ko ng matutupad ko iyon. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito dahil ang araw na ito ay ang siyang pinaka-hihintay ko. Mga kalahating oras pa ang lumipas nang dumating si senyora kasama ng mga bodyguard niya. Nalaman ko rin kay aling rosa na hindi lahat ng mga del Vega ay nakatira dito, may sari-sarili din silang tirahan ngunit minsan ay nagsasalo-salo sila dito sa mansyon, kaya pala hindi ko nakikita ang ilang pinsan ni akhiro na humahawig lamang sa kanya. "Pasensya na sa paghihintay, hija. May inasikaso lang kami sa prisinto." tumango ar ngumiti ako sa senyora. "Ayos lang po, wala pong problema." "Nadala mo na ba ang mga hinihinging requirements sayo ng sekretarya ko?" Tumango akong muli sa tanong nito. "Opo, idinala ko na lahat." inabot ko ang dalang envelop kung saan agaran niya iyong kinuha. Hindi na niya iyon binasa dahil ipinasa lamang niya iyon sa kanyang sekretarya na nasa likuran niya. "Asikasuhin mo na ang mga papel niya, nais kong makapag-aral na siya sa susunod na lunes." para ba'ng kay gandang balita ng narinig kong iyon. Hindi pa ako halos makapaniwala na makapag-aaral ako ng libre at bukod tanging mga kagamitan lamang ang bibilhin ko sa pag-aaral sa ngayon. "May mga itatanong sayo mamaya ang sekretarya ko, ano ba ang nais mong kursong kuhanin?" Ngumiti ako. "Architect po." "Hm, bakit iyon ang nais mo?" "Matagal ko na pong nais makapag-aral bilang architect. Nais ko po kasing maipatayo ang pangarap naming tirahan ni ina. Iyon din po ang pangarap ko'ng trabaho." Tumango-tango ang senyoras sa sinabi ko. Tila ba hindi niya nais ang kursong iyon dahil hindi siya nakangiti ng sabihin ko ang kurso ko. "Akhiro is studying engineering in san nicolas state. Our university, i want to study him in agriculture but he refuse my suggestion." hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ng senyora. Kaya pala marami akong nakitang sketch sa lamesa ni akhiro kanina. Kung ganon, hindi sang-ayon ang senyora sa kursong tinatahak ng kanyang anak? "He's my only son, syempre siya lang ang magmamana sa hacienda ngunit hindi siya interesado sa pamamalakad nito. Kaya't nais kong pag-aralan niya ang kursong agri." Hindi ko alam kung anong isasagot ko, nais ko sanang sabihin na darating din ang araw na mahahawakan iyon ni akhiro. Ngunit wala ako sa pusisyon upang magsalita, hindi ko rin naman alam ang takbong ng utak ni akhiro dahil para lang siyang isang masungit na tigre. Kulang na lang ay lapain niya ako sa tuwing hindi ako sasagot, hindi ko alam kung anong problema niya gayong ang yaman naman niya, tsk. "Nais mo ba'ng mag-umpisang magtrabaho ngayon sa hacienda. Bibigyan kita ng paunang sahod para makapag-handa ka sa pag-aaral mo." "Maaari na po akong makapag-trabaho?" ngumiti ang senyora bago tumango. "Makapag-sisimula ka na, may allowance ka sa akin kada buwan. Aparte ang sahod na kikitain mo sa hacienda, iyon ang kundisyon ko." napamaang ako sa inusal ng senyora, hindi pa agad ako nakatanggi dahil nabaling na ang atensyon nito sa hagdan kung saan naroon na si akhiro na pababa suot ang kahel na pantalon at pormadong boots na kulay itim. Naka-longsleeve din ito na kulay white, may sumbrero siya na nakasabit sa leeg nito na kung titingnan mo ngayon ay para bang cow boy hat. Kakaiba ang datingan ngayon ni akhiro, para bang saglit ay nabaling ang buong atensyon ko sa kanya dahil bawat kilos nito ang pino. "Saan ka na naman pupunta, akhiro?" nilingon niya ang ina bago niya ito lapitan upang patakan ng halik sa pisngi. "Mangangabayo lang sa kanluran." nangunot ang noo ng senyora sa isinagot ng anak. "Naiinip ako dito." "Baka kung sino na naman ang makapag-trip sayo, akhiro. Baka hindi na kita makilala niya sa oras na mapuruhan ka na naman." Umiling ang anak. "I can handle myself, mommy." "No!" mariin ang isinambit ng ginang dahil nga sa nangyari kay akhiro noong nakaraan. Alam ko rin naman na nag-aalala lang si senyora kaya't mahigpit niyang pinagbabawalan ang anak. "Isama mo si leslie, magtungo kayo ng hacienda at huwag ka ng magtungo pa ng burol." hindi nagustuhan ni akhiro ang narinig dahil kitang-kita ko iyon sa mukha niya. Para ba'ng naiinsulto pa ako dahil hindi niya ba ako nais sumama sa kanya patungong hacienda? "Your not allowed to leave without guard, akhiro." "So, your telling me that woman is my guard?" Kumibot ang nguso ko sa tanong niyang iyon. "Leslie is a brave woman, huwag mo siyang minamaliit dahil nakita namin sa cctv na babae ang tumulong sayo noong napag-tripan ka." nag-iwas ng tingin si akhiro at hindi nagbato ng tanong tungkol sa babaeng iyon. Para ba'ng alam naman niya na babae nga ang tumulong sa kanya ngunit nagtataka ako kung bakit hindi niya ako maalala. Hindi nga niya ba ako matandaan o sadyang binalewala lamang nito ang pagtulong ko sa kanya noon? Bumuntong hininga ako habang nananatiling tahimik. Sumuko rin si akhiro at pumayag na sumama ako sa kanya patungong hacienda. "Bantayan mo ang anak ko, leslie. Turuan mo rin ito sa mga ilang nalalaman mo sa hacienda." tumango na lamang ako, napipilitang ngumiti habang tinatanaw ko si akhiro na nauna ng lumabas sa akin. "Sige na, sundan mo na ang anak ko." iyon na nga ang ginawa ko ngayon, hinabol ko si akhiro na ngayo'y naglalakad patungo sa likuran nilang bahay. Doon din ay may sumalubong na lalake sa kanya na hawak-hawak ang isang maitim na kabayo. Hindi naman na bago sa akin ang makakita ng kabayo ngunit ni minsan ay hindi ko pa nagawang sumakay dito. Ibig bang sabihin na iyan ang gagamitin namin patungo doon? "Come here, woman." nangunot ang noo ko sa pagtawag niya sakin. "Ride on, oh baka gusto mo na lang maglakad papunta ng hacienda." Kung pwede lang sanang irapan ang lalakeng ito, ginawa ko na. Ngunit dahil siya ang anak ng senyora ay sumunod na lamang ako sa sinabi nito. "Hold tight, once i told you." iyon ang huling sinabi niya bago nito akong swabeng i-angat pasakay sa ibabaw ng kabayo. ******** to be continued......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD