Leslie Alegria Pov.
Mariin akong napahawak sa taling nakapitan ko matapos akong isakay ni akhiro sa kabayo niya. Mukhang maamo naman ito dahil hindi siya masyadong gumalaw ng makasakay ako.
Hinahaplos ni akhiro ang leeg ng kabayo na tila ba pinapaamo sa paraang iyon. Matapos niyang gawin iyon, siya naman ngayon ang sumakay na para ba'ng walang kay hirap na nagawa niya iyon.
Hinawakan niya ang stalyon at bahagyang itinaas ito upang tuluyang maglakad ang kabayo. Nakatagilid na nakaupo ako kung kaya't halos nakakulong lamang ako sa bisig niya. Hindi ko rin alam kung bakit ito pa ang kailangan naming gamitin para lamang makatungo doon, wala ba siyang ibang masasakyan?
"Hold tight." dahil nga narinig ko na iyon mula sa kanya, sinunod ko na ang nais nito kung saan hinampas na nito ang hawak na stalyon upang magbigay hudyat sa kabayo na lilisan na kami.
Naging maayos nga ang pagtakbo nito ngunit hindi ko maiwasang matakot dahil baka mahulog ako. Ngunit pilit ko'ng nilalabanan iyon dahil ayoko naman maging maarte sa paningin ng akhiro. Hindi naman sa mabilis ang pagpapatakbo niya, para ba'ng tinatansya rin nito na may kasama siya kaya't hindi ito gaanong mabilis.
"Anong totoong pakay mo sa mansyon?" hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya ng magsalita siya.
"Ako?"
"No, im asking my horse." sarkasmo ang pagkakasabi niyang iyon dahilan upang kumibot muli ang nguso ko. "Just answer my question, woman."
"T-tinulungan ko lang si senyora, wala akong ibang pakay. Inalok lang niya ako ng libreng edukasyon kapalit ng pagtulong ko sa kanya."
Hindi siya nagbigay imik sa sagot ko'ng iyon. Hindi ko rin naman alam kung bakit bigla ay naitanong niya iyon habang tinatahak namin ang mabatong daan. Iniisip ba niyang may iba akong motibo kaya nasa mansyon nila ako? Ganoon ba siya mag-isip? Kung sabagay, hinuhusgahan pala niya ang mga tao sa san nicolas dahil sa nangyari noon sa kanya.
"Pamilyar ka sakin." muli ay nagsalita siya na naging dahilan upang matigilan ako. Hindi ko magawang magbigay ng isasagot dahil nagulat ako. "Hindi lang ako sigurado kung ikaw iyon."
Hindi ako nagkumento habang natatanaw ko na ang maaalwalas na pananim sa gilid na dinadaanan namin. Ayoko naman sabihin sa kanya na ako ang tumulong noon sa kanya, ayokong maging pabida dahil kung naaalala niya nga ako. Hindi na kailangan pang sabihin iyon.
Ilang minuto pa ng tuluyan na naming marating ang hacienda. May malaking silong kaming naabutan kung saan naroon ang ilang trabahador. Marami din basket at ilang kagamitan sa pag-aani, natigilan nga sila ng makita nila kaming huminto malapit sa silong.
"Si señiorito." iyon ang narinig ko mula sa kanila bago maunang bumaba si akhiro. Gaya kanina, hinawakan nito ang bewang ko upang makababa ng kabayo. Para lamang akong papel sa kanya dahil walang kahirap-hirap niya akong naibaba sa patag na lupa.
"May kasama siyang babae."
"Pamilyar ang babaeng iyan sakin."
"Anak iyan ni rigor, ang madrasta niya at si helen."
"Bakit magkasama sila ni señorito?"
Samut-sari na ang bulungan ng mga trabahador na nakatingin sa akin. Si Akhiro kasi ay nagtungo sa isang puno upang doon itali ang alaga niyang kabayo, habang ako ay naiwan malapit sa silong ng malaking kubo kung saan naroon ang mga lalake at babaeng nagtatrabaho dito.
Dahil mukhang matatagalan pa si akhiro doon, nauna na akong sumilong sa kubo upang makihalubilo sa mga trabahador ng hacienda. Ang ilan ay ngumiti sa akin bago ako bumati ng magandang umaga.
"Napa-bisita kayo rito, hija." ngumiti ako sa ginang na nagtanong sa akin.
"Tinulungan ko lamang po si akhiro na magtungo dito, balak niya pong mag-ikot." nagtaka ang karamihan sa sinabi kong iyon.
"Mag-iikot kamo si señirito dito?"
Tumango ako. "Opo, iyon ang bilin ni senyora."
"Himala yata na mangyayari ito, madalang lang magpunta dito si señirito akhiro at ni minsan ay hindi niya nagagawang libutin ang buong hacienda.." halatang kilala na nga nila ang lalakeng iyon, pero hindi ako nag-bigay tugon mula sa utos ni senyora.
"Sanay kasi iyan sa syudad, hindi niya nais ang pamamalakad dito at hindi rin siya interesado sa hacienda." tumango lamang ako sa sinabi nilang iyon, nalaman ko na nga iyon kay senyora kanina lang. Ngunit nalulungkot din ako kay akhiro dahil mukhang hindi siya sinusuportahan ng mga magulang niya sa kanyang nais.
Pero ano pa ba ang kulang dito sa hacienda? Kung ako sa kanya, hindi na ako maghahanap pa ng iba. Dahil sa hacienda na ito, sigurado na ang future niya.
Ilang minuto pa nga ng lumapit na dito sa akhiro, tila ba wala nga siyang interest kahit panay ang bati sa kanya ng ilang trabahador. Napaka-galang sa kanya ng mga tao dito at kulang na lang ay sambahi siya ng mga ito.
"Ano po ang mga inaani ngayong umaga?" ngumiti ang ginang sa tanong ko dahil natutunugan niyang interesado ako sa kanilang trabaho.
"Marami kaming aanihin ngayong araw, nakikita mo ang mga sandamakmak na basket na iyon. Kailangan naming punuin iyon ng iba't-ibang harvest."
Nakikita ko nga sa gilid na maraming lagayan ng basket, ang ilang lalake ay isinasakay iyon sa isang minin truck na halatang dadalhin sa dakong paroroonan nila.
"Mag aani kami ng kalamansi, kamatis at talong. Marami din ubas na handang anihin doon, nais niyo bang sumama?" mabilis na ngumiti ako sabay tango ng walang pag-aalinlangan. Nilingon ko din si akhiro at doon sa sulok ng kubo ay nakaupo na siya habang salubong ang kilay na nagmamasid lang sa paligid.
"Ano po ang sasakyan natin?"
"Doon tayo sa truck." napipilitan akong ngumiti dahil hindi ko alam kung papayag ba itong kasama ko. Ngunit hindi ko naman siya maiwan dito dahil baka tumakas siya, baka gawin nga niya iyon at sa huli ay ako ang malalagot kay senyora.
"Gusto mo bang sumama sa dakong pupuntahan nila?" nangunot lalo ang noo niya ng lingunin ako nito. Para bang naririnig ko na ang pagtanggi nito dahil sa kanyang pinapakitang reaksyon.
"Ano ang gagawin nila?"
Hindi ko inaasahan na iyon ang itatanong niya imbes na umayaw ito sa paanyaya ko. Napapangiti din ako bago ko sabihing mag-aani sila ng gulay at prutas.
"This is your first time here right?" ngumuso ako, bakit kailangan pa niyang ipamukha sa akin na unang beses kong makatapak sa hacienda nila. Nag-iinusulto talaga ang lalakeng ito. "Maglakad tayo patungo doon." tumayo na siya sabay talikod sakin, nauna na siyang lumakad kung saan pinagtitinginan siya ng mga trabahador.
Dahil nga likas na masungit siya, wala siyang pinansin ni isa sa mga nasasalubong niya kaya't mas minabuti ko ng magpa-alam sa mga ginang na naghihintay sa akin at sinabi ko nga na nais maglakad ni akhiro patungo doon.
Medyo hindi pa sila kumbinsido ngunit kailangan ko ng habulin ang lalakeng iyon. Medyo malayo na siya dahil malalaki ang bawat hakbang nito, ang tangkad niya kasi. Mahahaba ang kanyang biyas kaya't natural lamang na mabilis siyang lumakad.
"I don't want to ride that truck." iyon ang narinig kong sinabi niya habang naglalakad kami. Medyo mainit na ang sinag ng araw ngunit ayos lang iyon sa kanya dahil may sumbrero siya at naka-longsleeve ito. Samantalang ako ay naka-blouse lang habang pawisan ang gilid ng mukha. Hindi ko pa naitali ang buhok ko kaya't sumasabay iyon sa bawat paghampas ng hangin sa aking katawan.
"Are you a first year college?" tumango ako, ngunit hindi siya nakatingin sa akin kaya't napipilitan akong magsalita.
"Oo."
"What is your course then?"
"Gusto kong mag-aral bilang architect, pangarap ko iyon. Swerte nga ako dahil nakilala ko kayong mga del Vega."
"Tsk." imbes na magbigay ng magandang komento, iyon lang ang sinabi niya na tila hindi na biglang interesado sa pagbabahagi ko.
Aba't suplado talaga.
********
to be continued.....