Third Person Pov.
Mainit ang sikat ng araw sa dakong timog kung saan naroon sila leslie at akhiro. Nasa taniman sila ng maalwalas na puno ng mga kalamansi kasama ang ilang trabahador na namimitas ng bunga.
May kanya kanya hawak na basket ang karamihan na inilalagay sa isang sakong net upang doon maipon ang napipitas na kalamansin.
Hindi lang naman iyon ang pananim na makikita mo sa hacienda. Iba't-ibang gulay ang narito at prutas at bawat dako ay may nakalaan na tao upang magtrabaho doon.
Tumutulong si leslie sa mga ginang na namimitas habang si akhiro naman ay nakahiga sa isang duyan na ngayo'y nakasilong sa puno ng isang narra. Natatanaw ni leslei na nakapikit ito senyales na natutulog ang binata, habang siya ay pinagpapawisan na dahil sa sobrang init ng panahon.
"Suotin mo muna ito." may lumapit na binata sa kanya na ngayon inilahad ang sumbrero na tulad ng kanilang kasuotan. "Reserba ko iyon, gamitin mo muna." tumango si leslie bago kunin ang inaalok na sumbrero ng binata.
"Salamat.."
Ngumiti ang binata matapos isuot iyon ng dalaga. Nakatitig siya ngayon kay leslie dahil ito ang unang beses na makita niya ang dalaga sa hacienda.
"Bago ka lamang ba dito?" tumango si leslie sa tanong nito. Sa pwesto na ni leslie siya huminto habang doon na rin namimitas ng malalaking kalamansi na makikita nila.
"Bago lang ako, tinutulungan ko rin si akhiro na mamasyal dito."
"Si señorito akhiro ba kamo?" tumango si leslie bago nito i-nguso ang binata na ngayo'y nakaupo na bigla sa duyan niya. Nagtaka si leslie dahil kanina lang ay natutulog ito, ngunit bakit ngayon ay nakaupo na siya doon?
"Balita ko suplado iyang anak ni senyora, mag-ingat ka diyan. Baka saktan ka." natawa si leslie bago umiling.
"Hindi naman siguro, mukhang mabait naman siya kahit daig pa may dalaw." natawa rin ang binata sa sinabing iyon ni leslie. Kalaunan ay tumigil rin sila bago ipakilala ng binata ang kanyang sarili.
"Ako nga pala si Diego." tumango si leslie sa pagpapakilala ng binata. "Diego Bollivar, taga rito lang sa san nicolas."
"Leslie Alegria." ngumiti ang binata ngunit hindi na nasundan pa ang pag-uusap nila dahil sumulpot na si akhiro sa kanilang gilid.
"Let's go home." iritable ang tinig niya na may halong pag-uutos. Tumalikod na rin ito ng hindi man lang hinihintay ang dalaga. Dahil nga trabaho ni leslie ang bantayan si akhiro, nagpa-alam na ito kay diego upang sundan na nga ang umalis na binata. Nagawa namang habulin iyon ni leslie sa paraang pagtakbo ng mabilis.
"Ang sabi ng isang ginang ay dito na lamang tayo mananghalia, nagluto sila at naghanda dahil nga narito ka."
"I don't care." napanguso si leslie sa sinagot ni akhiro. Tila ba nais niyang batukan ito upang sabihin na kay sama ng sinagot niyang iyon.
"You told me that were going to roam the entire hacienda, but whar are you doing there?"
Nangungunang naglalakad si akhiro ngunit maski hindi nakikita ni leslie ang ekspresyon ng mukhs nito. Nahuhulaan na niyang nakabusangot ang binata.
"Namimitas lang ako ng kalamansi, atsaka pa. Natulog ka lang naman kanina sa ilalim ng puno, paano natin lilibutin ang buong hacienda?"
"Tsk, your not working leslie. I saw you with that guy." tumaas ang kilay ng dalaga sa sinabing iyon ni akhiro. Ano bang problema niya? Iyon ang naitanong ni leslie sa sarili ngunit hindi na ito nagbigay imik pa.
"Kung ganon, babalik na ba tayo ng mansyon?"
"No, were not going home."
"Saan naman tayo pupunta? Baka pagalitan ka ni senyora sa oras na malaman niyang wala ka dito sa hacienda."
"Malalaman niya bang wala ako dito? Can you just shut your mouth?"
Naitikom ni leslie ang bibig dahil sa sinabing iyon ni akhiro. Malapit na talaga niyang upakan ito kung hindi lamang siya nagpipigil. Todo na ang kasungitan niya ngayong araw, para bang galit siya sa buong paligid bawat oras.
"Your going to work with us, right? Pwede naman kitang maging alalay siguro." nangunot ang noo ni leslie sa sinabi niyang iyon. Nais sana niyang magsalita at umangal, ngunit naalala niya ang sinabi ni akhiro na shut your mouth.
"Don't you want that idea? Hindi ka pa ba pabor sa sinabi ko?" humarap si akhiro sa dalaga na ngayo'y nahinto rin dahil sa pagtigil niya sa paglalakad.
"Sasagot na ba ako?"
"Im asking you, ofcourse you need to answer me!"
"Ang sabi mo kasi shut your mouth, wala ka namang sinabing magsalita na ako." umismid ang dalaga dahil hindi na niya iyon napigilan pa. Iniisip nito kung bakit nais niyang maging alalay siya nito gayong babae siya.
"I know you, kilala kita. Nahihimigan ko ang boses mo at alam kong ikaw iyon." napamaang si leslie sa sinabing iyon ng binata.
"T-talaga? N-natatandaan mo ako?"
"Tsk, im not that old to forget you.." umirap din ang binata at muli ng nagpatuloy sa paglalakad. Samantalang si leslie ay sumunod ng muli sa likuran niya habang bumubulong.
"Hindi man lang ako nakatanggap ng pasasalamat mula sa kanya. Ang attitude talaga ng lalakeng ito." maski naririnig siya ni akhiro, hindi na ito nag-aksaya pa ng oras para makipag-talo sa dalaga. Ngunit totoo ang sinabi ng binata na natatandaan nito si leslie. Ang boses niya ang nagpatunay na siya ang babaeng tumulong noon sa kanya.
"Why did you choose to work here? Wala ka bang planong mag-aral?"
Nagtaka si leslie sa biglaang pagtatanong niyang iyon. Hindi agad siya nakasagot dahil natulala ito.
"Mukhang bata ka pa, hindi ba't dapat nag-aaral ka?"
"Hindi ko kayang makapasok ng kolehiyo."
Nangunot ang noo ni akhiro sa sinagot niyang iyon. "Pero dahil tinulungan ako ni senyora, maaari akong makapag-aral at magkaroon ng pagkakataon para makapag-trabaho sa hacienda."
"Your going to study and work? Paano mo magagawa iyon?"
"Sa sabado at linggo, basta may libre akong oras. Maninilbihan ako sa hacienda."
"Tsk." napailing si akhiro bago tuluyang kalasin ang tali ng kabayo sa puno. Mainit-init na rin kaya sobrang init ng daan na tatahakin nila kaya't naisipan nitong hubarin ang suot niyang longsleeve. May tshirt pa naman siyang suot ngunit nakakaramdam siya ng hiya dahil nakabalot ang katawan niya samantalang ang kasama niyang babae ay naka-blouse lamang.
"Suotin mo ito." hinigas ng binata ang nahubad niyang longsleeve kay leslie dahil upang matabunan ang buong niyang mukha. Dumapo kasi iyon sa ulo niya na naging dahilan din upang malanghap ni leslie ang panlalaki niyang pabango.
"Paano ka?"
"Just follow what i'd said, stop asking me. Come on, hurry up."
Kumibot ang labi ng dalaga sa nauubusang pasensyang binata. Iniisip niya kung bakit sobrang init ng ulo nito kahit maayos naman siya kung magtanong.
"Tutungo tayo ng burol, gusto ko lang makita ang view doon."
"Masyadong malayo iyon sa hacienda, atsaka. Hindi pa tayo kumakain."
"Nagugutom ka na ba?"
Hindi nakasagot agad si leslie sa tanong niyang iyon. Ngunit inismiran lang din siya ni akhiro bago siya hilain at buhatin paupo sa itaas ng kabayo.
"If im asking you, just answer me. Para bang ang hirap ng tanong ko."
"Kahit naman sabihin kong nagugutom ako, wala din naman akong mapapala."
"Tsk, nonsense."
Inangat ni akhiro ang stalyon matapos sabihin iyon. Mabilis ngayon ang pagpapatakbo niya kumpara kaninang umaga, sa ibang destinasyon sila nagtungo kung saan dumaan muna sila ng pamilihan habang sakay ng kabayo.
Dahil doon, halos pinagtitinginan sila ng mga taong nakakakita sa kanila ngunit wala lang naman iyon kay akhiro.
Samantalang si leslie ay halos mahiya na dahil alam niyang kilala siya ng mga ibang taong nakakakita sa kanya.
"Ibaba mo muna ako, akhiro.." Hinila ni akhiro ang stalyon dahilan upang huminto ang suot niyang kabayo. Doon rin siya bumaba kung saan agaran niyang binaba si leslie sa kinauupuan niya.
"Ikaw na ang bumili ng pagkain natin, ayoko ng lulutuin. I want a ready to eat meal." salubong ang kilay ni akhiro habang kinukuha ang wallet niya sa bulsa. Nag-abot ito kay leslie ng tatlong libo kaya halos mamilog ang mata niya.
"T-teka, sobra ito.."
"Sayo na ang sobra."
Tumalikod si akhiro bago hawakan ang kabayo upang itabi sa gilid. Sa sobrang tangkad niya, hindi man lang siya magawang itago ng maraming tao at mas naiiba siya kumpara sa mga namimiling costumer sa pamilihan.
Sa kaisipang iyon, umiling na lamang si leslie dahil nag-uumpisa na naman siyang purihin ang binata. Ngunit sa pagharap nito, nakita na niya ang kanyang tiyahin na ngayo'y masama ang tingin sa kanya.
**********
to be continued.....