Chapter 19

1342 Words
Leslie Alegria Pov. Dumating nga si manang rosa na kasunod si akhiro. Naka-uniform na siya ngunit magulo ang buhok nito at halatang hindi man lang nagsuklay. Basang basa pa iyon ngunit wala siyang pakialam dahil halata iyon sa kanyang mukha. "What are you doing here?" naituro ko ang sarili matapos niya akong tanungin. Para bang saglit ay nawalan ako sa sarili ngunit nakabawi naman na agad. "Sinadya ko lang ang senyora, ngunit nasabi ni manang rosa na abala siya ngayong araw." tumango si akhiro sa sinabi ko'ng iyon. "You can go back here after your class, let's go. Your already late." alam ko'ng hindi pa naman ako huli sa klase dahil alas siete 'y medya ang pasok namin ngayong martes. Ngunit ang bilis lang niyang nawala sa paningin ko kaya't nagmadali na akong nagpa-alam kay manang rosa. "Babalik na lang ho ako mamaya." Tumango ito. "Sige na, sundan mo na si señorito. Baka mahuli ka pa sa klase mo.." gaya ng sabi ni manang rosa. Sumunod na nga ako kay akhiro dahil baka mag-bago pa ang isip nito at iwanan niya ako. Sayang din naman ang pamasahe at pwede ko na iyong gamitin mamaya papunta dito. "Why don't you text me if your going to asked my mother. Edi sana, hindi ka na pumunta dito." Napanguso ako sa sinabi niyang iyon, daig niya pa si amang kung sermonan ako. Ngunit ng lumingon siya sakin, naitikom ko na lang ang labi sabay iwas ng tingin. "W-wala naman kasi akong cellphone eh, atsaka. Ayos lang naman sakin kung pumunta ako dito." Nangunot ang noo niya habang nakatayo malapit sa pintuan ng kanyang kotse. "What kind of people are you?" umarko ang nguso ko sa tanong niyang iyon, ini-insulto niya ba ako? "Katulad mo lang din, akhiro. Pareho tayong humihinga at kumakain ng kanin. Umiinom din ako ng tubig at natutulog tuwing gabi." "Tsk." umismid siya, halatang hindi nagustuhan ang sagot ko kung kaya't tinalikuran na niya ako upang sumakay na sa loob. Napapangiwi na lamang ako dahil hindi pa niya ako pinagbuksan ng pinto. Ang gentleman talaga ng lalakeng 'to, nato-touch ako. "Why don't you have phone?" iyon ang bungad niyang tanong pagkapasok ko sa kanyang kotse. Sinuot ko ang seatbelt bago ito lingunin kung saan binubuhay na nito ang makina. "Dahil mahirap lang ako, pang-mayaman lang naman iyang cellphone na iyan eh. Atsaka, wala din naman akong tatawagan dahil araw-araw ko'ng nakakasama ang pamilya ko." "Cellphone is important too, specially your studying now. You can use that in your group chat, paano mo malalaman ang update ng professor mo?" napa-isip din ako sa sinabi niyang iyon. Ngunit hindi ko na nagawang sumagot pa dahil umaandar na ang kotse. Naiisip ko rin naman iyon, nais ko rin naman magkaroon ng cellphone ngunit hindi iyon kaya ng bulsa ko. Siguro kapag sobra-sobra na ang pera ko ay doon lamang ako makakabili. MABILIS lang namin narating ang unibersidad dahil nga naka-sakay kami ng kotse. Wala na din namang gaanong studyante kung kaya't ayos lang kung bumaba ako sa kotse ni akhiro. "Where are you going?" nagtaka siya dahil lumihis ako ng daraanan. Kailangan ko pa kasing ipa-xerox iyong ibinigay sa akin ni kassandra dahil baka naghihintay na siya sakin. "Ipapa-xerox copy ko lang ito sa labas, salamat sa pagsabay, mauuna na ako." tatakbo pa sana ako ngunit hinawakan na niya ang aking bag. Hindi tuloy ako maka-alis sa kinaroroonan ko dahil sa pagpigil nito sakin. "Give it to me." nilingon ko siya, binitawan na rin nito ang bag ko kung saan nilalahad niya ang palad sakin. "I will request it to the officers." nahihiya man ako at nais tumanggi, ngunit hindi ko na ginawa. Kinuha ko na iyon sa aking bag at agarang binigay sa kanya. Tinalikuran na rin niya ako kaya't nagmamadali ko siyang sinundan. Nagtungo siya sa faculty room at doon pina-copy ang hawak niyang longpad. Siguro dahil isa siyang del Vega, kaya niyang gawin ang lahat sa isang utos lang. "Go to your class, alegria." hindi na niya ako hinayaang magpasalamat pa matapos nitong i-abot sa akin ang xerox copy. Hindi na rin naman ako nag-aksaya pa ng oras dahil tinahak ko na ang mga gusali ng nursing. Medyo nagtagal pa ako dahil hinanap ko pa ang silid ni kassandra. Naabutan ko itong nasa labas kung saan madaling nagsalubong ang kilay niya ng makita ako. "Bakit ngayon ka lang!" hinihingal pa ako matapos kong mahinto sa harapan niya. Hindi ko na rin nagawang sumagot pa dahil hinablot na niya iyon sa mga kamay ko sabay talikod sa akin ng wala man lang pasasalamat. Natawa ako bago mailing, ano pa ba ang aasahan mo leslie? Umalis ka na lang at magtungo na sa silid mo. _________ Dahil na rin nahuli ako, hindi na ako hinayaan pang makapasok ng professor namin sa klase. Mahigit bente minutos akong nakatayo sa labas ng silid dahil hininhintay ko lamang silang matapos. Gayun man, nakikinig pa rin naman ako dahil ayokong mahuli sa klase. "Sa susunod, ms alegria. Ayokong nahuhuli ka sa klase ko, hindi talaga ako nagpapasok ng mga lates!" Tumango ako sa babaeng professor namin sa isang subject. Hindi ko naman inaasahang mahuhuli ako dahil lamang sa ini-utos sa akin ni kassandra. Ngunit ano pa ba ang magagawa ko? Nahuli na ako. "Mahirap ba ang sakayan sa lugar ninyo?" iyon ang tinanong sa akin ni diego. Ang katabi ko sa upuan na halatang concern sa akin. "Hindi naman, may dinaanan lang kasi ako kaya na-late ako." tumango-tango siya sa sinabi kong iyon. "Saang lugar ka ba ng san-nicolas? Baka pwede kitang isabay tuwing umaga." nahihiya akong ngumiti bago umiling. "Huwag na, diego. Ayokong maka-abala." Natawa siya. "Ayos lang naman iyon, kesa sa nahuhuli ka sa klase." hindi na ako sumagot pa sa sinabi kong iyon. Hindi naman ako mahuhuli kung aagahan kong pumasok. May ginawa lang talaga kasi ako kaya nangyari 'yon. BREAKTIME na ng magkaroon ako ng libreng oras para lumabas. Kinuha ko ang paperbag na dala ko upang ibigay na iyon kay alyana. Nagtungo ako sa canteen dahil alam kong makikita ko siya doon, hindi nga ako nagkamali dahil kasama siya ng mga grupo ng Del Vega. Lima silang mag-pipinsan ngunit ang kilala ko lamang ay si akhiro at alyana. Iyong tatlo ay pamilyar lang ang mukha ngunit hindi ko batid ang pangalan. "Ibabalik ko lang sana itong damit, maraming salamat." nangiti siya sakin bago umiling at i-usog ang paperbag sa akin. "No, leslie. That's uniform is already yours. Sayo na 'yan." Nahihiya akong ngumiti bago kagatin ang labi. "Nakakahiya naman kung ibibigay mo lang 'to sakin. Baka gagamitin mo pa." "Hindi na, leslie. Ibinigay ko na talaga 'yan sayo. You can have it, huwag mo ng ibalik pa." Hindi na ako nakapag-salita pa dahil sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga kasama niya. Lalong lalo na kay akhiro na ngayo'y nakatingin sakin. "Leslie." nagawi ang tingin ko kay diego na ngayo'y palapit na sakin. May dala siyang tray na naglalaman ng pagkain. "Akala ko bang hindi ka mag-mimiryenda? Pinag-take out pa naman kita." Nahihiya ako lalo kay diego dahil sa ginawa niyang iyon. Niyaya niya kasi akong lumabas kanina ngunit nasabi kong hindi ako kakain. "May ibinalik lang ako kay alyana. Aakyat na rin ako." "Talaga? Kung ganon doon na lang natin kainin 'to.." dahil nais ko na rin naman lumisan na sa harapan nila, nagpa-alam na ako kay alyana at muling nagpa-salamat. Ngunit hindi ko halos makalimutan ang masamang tingin sa akin ni akhiro ng mapabaling ako sa kanya. "Tara na?" tumango ako kay diego bago rin siya magpa-alam sa mga del Vega. Alam kong naninilbihan si diego sa mga del vega kung kaya't nagbibigay galang pa rin ito sa kanila. Ngunit hindi ko malaman kung bakit parang may matalim na titig ang nakatingin ngayon sa akin habang papalabas na ng cafeteria. At nang muli kong lingunin si akhiro, halos matisod na lamang ako sa sobrang sama ng tingin niya sa akin. Anong problema niya? ********** To be continued. Ikaw leslie ang problema niya dahil sumama ka kay diego HAHAHAHA. Selos ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD