Chapter 20

1497 Words
Third Person Pov. Abala ang mga studyante ngayon sa silid ng mga architect dahil na rin sa pag-didiscuss ng professor nila ngayong hapon. Katatapos lamang ng tanghalian kung saan nakasabay ni leslie si glenda at diego. Napag-alaman rin ni leslie na magka-kilala pala si deigo at ang matalik niyang kaibigan na si glenda. Natutuwa si leslie dahil kahit papaano ay may kakilala siya sa unibersidad na pinapasukan niya. Hindi na niya iisipin pang magkaroon ng ibang kaibigan dahil sapat na sa kanya kung sino lang ang mga nakakasama niya. May kailangan lamang silang asikasuhin ngayong linggo na tiyak ng mag-uumpisa na talaga ang pag-aaral niya. "Nakapag-design ka na ba kahit isang beses lang?" palabas na sila diego at leslie ng itanong iyon ng binata. Iyon kasi ang ipapasa nila sa professor na humihingi ng tatlong architectute design. "Meron naman, sa isip ko." natawa si deigo sa sinabing iyon ng dalaga. Mahilig din naman kasing mag-drawing si leslie noon ng iba't-ibang design ng bahay o ano mang klase ng design paukol sa kurso niya. "Pero ibang design ang nais ng professor. Baka kung sakaling mahirapan ka lang, pwede kang magsabi. Matutulungan kita." nangiti ng pilit si leslie sa sinabing iyon ni diego. Alam niyang wala naman siyang laptop kaya sinasabi niya iyon sa kanya. Ngunit magtutungo na lamang si leslie para gawin ang ilang introduction design nito sa computer shop. "Salamat." iyon lamang ang sinagot ni leslie sa binata. Sabay silang naglalakad sa hallway kung saan tinatahak na nila ang daan palabas. Uwian na rin naman, medyo pagod na rin si leslie kaya nais na rin nitong umuwi. Hindi na rin niya nakita pa si glenda kaya naisip nito na baka nauna ng umuwi ang kaibigan. "Idadaan na kita sa bahay niyo. Pwede ka'ng sumakay sa motor ko." nais na sana ni leslie na pumayag. Ngunit bigla na lamang may kumuha sa kanyang atensyon, si akhiro iyon na ngayo'y nasa gilid na niya. "Sumabay ka na sa kotse ko." hindi nakasagot agad si leslie sa sinabing iyon ni akhiro. Panandalian pa siyang napatitig sa binata hangga sa umismid si akhiro. "Mommy is waiting for you. Sasakay ka na lang ba sa ibang sasakyan o sasabay ka na?" mabilis na naalala ni leslie ang senyora. Muntik na niyang kalimutan na pinababalik pala siya ni manang rosa doon kung hindi lang pina-alala sa kanya ni akhiro. "Mauuna na ako, deigo. Pinapatawag pala ako ni senyora. Baka kasi mag-uumpisa na ako sa trabaho." iyon man ang sinabi ng dalaga. Naging maayos lang iyon kay deigo dahil sa kaisipang makakasama pa rin nito ang dalaga sa trabaho. Working student din kasi ito at nagtatrabaho siya tuwing gabi sa hacienda. "Sige, ayos lang. Mag-iingat kayo ni sir." hindi pinansin ni akhiro ang binata kahit na nginitian siya nito. Alam naman ni deigo na dakilang masungit ang anak ng boss niya kaya't hindi na niya iyon masyadong pinansin pa. Pinanood na lamang niyang sumakay si leslie sa kotse ni akhiro. Nangangamba din si diego sa stado ng pag-aaral ni leslie ngayong maraming nakaka-kita na pumasok ito sa kotse ng isang Del Vega. Alam ni diego na kakaiba mag-isip ang mga studyante sa unibersidad na pinapasukan nila. Palibhasay mayayaman sila ay masyado na silang ma-isyu sa mga mahihirap na tulad nila. ____________ Lulan ng kotse ni akhiro, tinatahak nila ang daan patungong mansyon ng walang nagsasalita. Medyo pagod din kasi ang isip ni leslie dahil nag-iisip ito ng tatlong design na ipapasa ngayong biyernes. Iyon kasi ang deadline ng pasahan kaya medyo stress na siya kahit nag-uumpisa pa lang ang klase. Alam niyang mahirap ang kursong pinasok niya. Bachelor Sci. Architecture ito na mga iba't-ibang subject. Hindi lang apat na taon ang gugugulin nito sa pag-aaral kaya medyo may katagalan pa para maabot nito ang pangarap.. Ngunit dahil iyon ang nais ni leslie, walang salitang mahirap sa kanya dahil alam niyang makakaya niya iyon. Hilig niya ang kanyang ginagawa kaya madali lang at kailangan lamang intindihin bawat leksyon. "Who's that guy with you earlier?" nalingon si leslie sa binata ng itanong niya iyon. Wala sana siyang planong magsalita buong biyahe ngunit nagtanong na itong si akhiro. "Si Diego 'yon. Hindi mo ba siya kilala? Empleyado niyo iyon." "I don't know, i didn't need to ask you if i know that guy." medyo sarkasmo pa ang pagkakasabi ni akhiro sa dalaga. Napapanguso na lamang si leslie dahil sa kasungitan nito. "Classmate ko siya, nais niya sanang isabay ako kanina sa motor niya." "Ano?" natawa si akhiro sa sinabing iyon ni leslie. "And if i didn't came that time, your going to ride that dangerous motorcycle?" Napanguso lalo si leslie. "Hindi naman mapanganib 'yon ah. Atsaka, hindi naman siguro mabilis magmaneho si diego." "Tsk, it's still not safe, leslie. And your woman, hindi magandang tingnan na umaangkas ka sa motor ng iba." Alam ni leslie ang pinupuntong iyon ni akhiro. Ngunit wala naman iyon malisya para sa kanya, hindi rin malaman ni leslie kung bakit nagkaka-ganito ang kasama niya. Para ba'ng bigla ay nagkaroon ito ng concern sa kanya. Dahil sa sinabing iyon ni akhiro, hindi na nagbigay imik ang dalaga dahil nahihiya na itong sumagot. Hinayaan na lamang niya ang binata na nakasimangot dahil kung sasagot pa siya, hahaba lang ang kanilang pag-uusap. "Buti na lang leslie at bumalik ka. Nasa itaas na ang senyora, halika na. Dumiretso na tayo 'don." iyon na ang bungad sa kanya ng mayordoma pagkatapos nilang marating ang mansyon. Iniwan na rin naman siya ni akhiro kung saan nauna na itong umakyat ng hagdan. Samantalang si leslie ay iginagaya na siya ng ginang patungo sa opisina ng senyora. Kumatok na ang mayordoma sa silid bago nito buksan ang pinto. Nadatnan nila ang senyora na nakaupo sa kanyang swivel chair habang may binabasang isang papel. Nang makita nito ang dalaga, madali niyang binaba ang kanyang binabasa dahil kahapon pa nito hinihintay si leslie. "Bakit hindi ka dumating kahapon?" iyon din ang tanong ng senyora sa kanya. Nawalan na rin kasi siya ng oras bumalik dito dahil marami nga siyang ginawa, abala rin siya sa paglilinis ng bahay kahapon kaya wala na talaga siyang oras. "Pasensya na po, senyora. Masyado lang kasi akong naging abala kahapon." tumango ng dalawang beses ang senyora bago ngitian ang dalaga. "Ayos lang 'yon. Nasabi ni rosa sakin na sinadya mo ako kaninang puntahan. May kailangan ka ba?" tipid na ngumiti si leslie na medyo nahihiya sa senyora. "Itatanong ko lamang po sana kung kailan ako magta-trabaho sa hacienda. Kailangan ko na po kasing mag-trabaho para sa pag-aaral ko." nangiti ang ginang sa sinabing iyon ni leslie. "Walang trabaho ng gabi sa hacienda, hija. Mga lalake lamang ang maaaring pumasok tuwing gabi para mang-hakot.." naisara ni leslie ang labi ngunit natigilan din sa sinabi ng senyora. "Hindi ba't may allowance ka sa akin kada buwan. Maaari mong gamitin iyon sa pag-aaral mo." "P-pero senyora, nakakahiya po. Gusto ko pa rin pagtrabahuhan ang perang ibibigay ninyo.." napabuntong hininga ang senyora bago siya tumango. "Kung iyon ang gusto mo, maaari ka'ng manilbihan dito sa mansyon pagkalabas mo ng paaralan. Ngunit kung hindi na kaya ng oras mo, pwede rin naman na hindi ka na pumunta. Sa sabado at linggo naman, pwede kang magtrabaho sa hacienda." napangiti si leslie sa sinabing iyon ng ginang. Hindi na nito iniisip ang pahinga niya kaya halos napapahanga nito ang senyora. "Maraming salamat po talaga, senyora flora. Malaking tulong po iyon sakin, lalo na at nag-aaral na ako." "Alam ko, hija. Dahil masipag ka at matulungin, may i-aabot akong tulong sa'yo. Alam ko'ng hindi mo ito kukunin kung pera ang ibibigay ko sayo, kaya mga kagamitan na lamang ang binili ko." tumayo ang senyora para magtungo sa isang mesa na nasa gilid ng opisina niya. May mahabang sofa doon at salaming mesa kung saan naroon ang mga school supplies at libro paukol sa kurso ni leslie. "Alam ko'ng magagamit mo ang mga librong ito. Binilhan na rin kita ng laptop, mga sketch pad at paint color. Kumpleto na iyan, para sa pag-aaral mo." halos nalulula si leslie sa nakikita niya, hindi lang basta iyon mga school supplies kundi iyon rin ang mga kailangan niya sa pag-aaral. Maging iyong librong hinahanap ng isa niyang professor tungkol sa history of architecture ay mayroon na siya. "M-maraming salamat po, senyora. H-hindi ko po talaga sasayangin itong ibinigay niyong opurtunidad sakin, tatanawin ko po itong malaking utang na loob sa inyo." Nangiti ang senyora bago tumango. "Walang problema iyon, hija. Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka pa. Nais sana kitang bigyan ng pera nguni alam kong hindi mo kukunin, nakakahiya man dahil alam kong hindi sapat ang mga bagay na iyan sa ginawa mong pagtulong sakin, lalo na sa anak kong si akhiro." natigilan si leslie sa huling sinabi ng senyora. Ngumiti ang senyora dahil nakita nito ang bakas na gulat sa reaksyon ni leslie. "Alam ko na, hija. Kilala ko na ang tumulong sa anak ko at nagdala sa ospital. Ikaw iyon." ************ to be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD