Leslie Alegria Pov.
Dahil nga sa narinig ko mula sa senyora. Hindi ko malaman kung ngingiti ba ako o anong ipapakita kong reaksyon. Nagulat kasi ako na nalaman pala nila na ako iyon, wala na sana akong balak ipaalam na ako ang tumulong sa anak nila dahil alam kong mas lalo lang nilang ipipilit ang pera sakin.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, hija? Ikaw pala ang nagdala sa ospital kay akhiro. Kung hindi pa namin pina-check ng husto ang Cctv ay hindi namin malalaman na ikaw 'yon."
Muli ay napipilitang ngiti ang iginawad ko sa senyora. "Ayos lang naman po kasi, ang importante po natulungan ko ang anak ninyo."
"Ikaw talagang bata ka, alam mo ba. Pinabibilib mo ako, natutuwa ako sayo lalo."
"Salamat po, senyora. Natutuwa din po ako dahil nakilala ko kayo. Hulog kayo ng langit para sakin."
Ngumiti ang senyora bago tumango. "Lahat ng kailangan mo sabihin mo, huwag kang mahiyang lumapit sakin dahil tutulungan kita. Kahit ano man iyan." ngumiti na lamang ako sa sinabing iyon ng senyora. Natutuwa ako dahil alam kong may malalapitan ako sa oras ng kagipitan. Ngunit gayun man, hindi pa rin talaga ako makabawi dahil sa maraming ibinigay ng senyora sa akin.
"Ipahahatid na kita sa anak ko habang maaga pa. Sa lunes ka na lang mag-umpisang magtrabaho dito." tumango si ako sa sinabing iyon ng senyora. Tuluyan na rin pinaloob ni manang rosa ang mga gamit sa paperbag kung saan tumutulong na ako sa pag-aayos.
Matapos iyon ay tinulungan niya din akong ibaba ang mga iyon sa sala dahil na rin masyadong marami iyon.
Naabutan na namin sa sala si akhiro habang nakaupo sa sofa. Naiwan din ang senyora sa silid dahil may kinakausap ito sa telepono.
"Ihahatid na kita." nagprisinta na si akhiro nakikita niya yatang pagod na ako. Tumayo na ito at naunang lumabas, kahit hindi niya kami tinulungan. Hindi pa rin mawawala ang saya sa sistema ko ang saya.
"How much your uniform cost?" iyon ang bungad na tanong ni akhiro pagkapasok ko sa kotse. Nasa likurang upuan ang mga gamit ko habang akk naman ay nasa passenger seat.
"Mahigit isang libo ang uniform ng architect. May school uniform din na bibilhin at P.E uniform."
Tumango-tango si akhiro habang minama-obra nito ang manubela. "Ako na ang bahala sa uniform mo, i will call the head admin." napamaang ako bago tuluyang umiling ng ilang beses.
"Huwag na, akhiro. Magkakaroon na rin naman ako ng trabaho eh. Atsaka, may isang buwan pa para makabili ako." napa-tsk ito sa sinabi ko. Para bang nainis bigla sa pagtangi.
"Then you can paid me after your salary. Huwag mo na lang kino-kontra ang tulong ko." napanguso ako. Nakakahiya naman kasi kung siya pa ang gagastos sa uniform ko. Ayoko naman lubusin ang binibigay nilang tulong dahil nahihiya ako. Alam kong mabait sila, ngunit hindi naman ako humihingi ng kapalit mula sa naitulong ko sa kanila.
Ang importante ang nakatulong ako.
"Diyan na lang." muli ay huminto ang kotse ni akhiro sa hindi kalayuan sa amin. Sigurado akong nasa alas sais na ng gabi at hindi ko alam kung naka-uwi na ba sila inang. Ngunit ang inaalala ko sa ngayon ay ang pagbaba ni akhiro sa kanyang kotse.
"Ito ba ang bahay ninyo?" napipilitan lamang akong ngumiti habang nakatingin siya sakin. Parang hindi pa siya sigurado dahil sinisiguro nito ang reaskyon ko. "Hindi ito ang bahay ninyo, hindi ba?" nag-iwas ako ng tingin. Nahalata niya bang nagsisinungaling lamang ako? Ayoko kasing magpahatid doon sa mismong tapat ng bahay. Alam kong maraming masasabi si inang at kassandra sa oras na mangyari 'yon.
"You don't need to lie to me, leslie. Naiintindihan ko naman. Just tell me the truth next time." tumango na lamang ako, nahihiya na ako ng tuluyan dahil sa ginawa kong ito.
"P-pasensya na, b-baka kasi magalit sa akin si inang kung doon ako magpapa-hatid." dinig ko ang pagbubuntong hininga niya ngunit hindi na nagbigay tugon pa. Binuksan na nito ang pinto ng backseat kung saan siya na mismo ang kumuha sa mga gamit ko para i-abot iyon sa akin.
"Bakit naman pala magagalit ang mama mo? Aren't you allowed to have a boyfriend?" natigilan ako sa tanong na iyon ni akhiro. Maging siya ay napansin nito ang pagka-gulat ko kaya siya napa-iwas ng tingin.
"I-it's not that what i mean, syempre iyon ang iisipin niya. Im just asking." natawa ako ngunit mahina lang, ayoko ng ipakita sa kanya dahil na rin baka lalo lang siyang mahiya.
"Bawal pa, atsaka. Wala pa akong plano, mag-aaral muna ako." tumango lang siya sa sinabi ko. Iwas pa rin ang tingin nito bago pumihit paatras.
"By the way, i have something here in my car." may kinuha nga ito sa loob ng dash board na agaran niyang hinagis sakin, buti na lang at nasalo ko iyon kahit na marami akong dala. Hindi ko rin alam kung bakit panay hagis siya kung may ibibigay sakin.
"Im leaving...." tuluyan na nga itong pumasok sa kotse niya habang tinitingnan ko ang kahon na ibinigay nito sa akin.
At nang makita ko kung ano iyon, halos mamilog na lang ang aking mata.
Cellphone?
_____________
NANG gabing iyon ay hindi ko pa naabutan sila inang kung kaya't nakapag-luto na ako. Alas siete yata ng gabi nang dumating sila kung saan katatapos ko lamang din magluto.
Nasa kwarto na ang mga gamit na ibinigay sa akin ng senyora ngunit iyong bag na ibinigay niya ay ibibigay ko na lamang kay kassandra.
"Ano 'yan?" nakataas ang kilay niya habang nilalahad ko ang paperbag.
"Ibinigay iyan ng senyora sakin, sayo na." nakita kong nagkaroon siya ng interest habang papalapit sa amin si inang. Sinilip nito ang laman ng paperbag at doon nakita niya nga ang marangyang shoulder bag.
Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganoong bag. Atsaka, mas gusto ko iyong back bag na ibinigay sa akin ni akhiro.
"Wow, para din ba ito sa pagtulong mo sa senyora?" tumango na lamang ako, nakangiti pa rin si kassandra dahil sa ganda ng bag na iyon.
"Totoo bang ibinigay sayo ng senyora 'yan?" iyon ang tanong ni inang sa akin na may halo pang pagdududa.
"Opo, marami po siyang gamit na ibinigay sakin para sa pag-aaral ko. Nasabi niya kasi na hindi ako tumatanggap ng pera kaya mga kagamitan na lamang sa skwela ang ibinigay niya." natawa ng sarkasmo si inang habang naiiling.
"Talagang mas pinili mo pa iyong mga gamit mo? Bakit hindi mo kinuha ang pera? Kung ayaw mo pala 'non, edi ibinigay mo na lang sana sakin!"
Napaiwas ako kay inang dahil sa sigaw nito sakin. "Hindi mo rin minsan ginagamit ang utak mo, leslie! Alam mo naman na kailagan natin ng pagbayad ng ilaw! Tsk, ang inutil mo talaga!"
Lumisan na si inang sa harapan ko matapos sabihin iyon. Alam ko nga na magbabayad kami ng ilaw ngayong buwan. Ngunit kaya ko namang habulin iyon sa sahod ko kaya ako na ang bahala doon. Nag-iipon rin kasi si amang para sa pagpapatayo ng bahay. Iyon rin kasi ang gusto niya ngunit baka hindi na nito ako mahihintay.
NANG ARAW na iyon, nagawa ko ang design na pinagagawa sa amin ng professor namin sa isang subject. Nasa computer shop lamang ako at doon ko na rin pina-print ang ginawa kong plates. Wala din naman kasi akong wifi para magamit iyong laptop. Kailangan ko pa ng sim card at pocket wifi para lamang magamit iyon.
"Leslie." napatingala ako sa babaeng tumawag sakin habang may isinusulat ako sa aking notebook. Nakita kong nakatayo sa harapan ko si hazel habang nasa loob na kami ng classroom.
"Bakit?"
"Isang araw mo lang bang ginawa iyong plates mo? Paano mo nagawa 'yon?"
Tumango ako bago isara ang aking notebook. "May mga designs na kasi akong naisip. Madali lang iyon kung may ideya ka na."
"Hindi nga madali, nahihirapan akong mag-edit baka pwedeng igawa mo ako para may maipasa na ako bukas."
Nakiki-usap naman ang tinig ni hazel ngunit hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi.
"Bibigyan naman kita ng bayad, hindi ako magpapagawa ng libre. Nahihirapan lang talaga ako, baka this time makakuha ako ng idea pag ginawan mo na ako."
Napabuntong hininga ako bago pumayag sa nais niya. Sa totoo lang, halos gugulin ko ang limang oras para lamang magawa ang akin. Ang hirap din 'non, mag-eedit ka pa at kailangan ng 3D image sa plates na 'yon. Ang nais kasi ng professor ay isang specialized software ang magagawa namin.
Mabuti na lamang ay natapos ko rin ang akin ng isang araw lang.
"Bakit ka pumayag?" iyon ang tanong ni deigo matapos lumisan ni hazel. Kung hindi rin naman ako papayag, tiyak na magugulo lamang kami kaya mas pinili ko na lamang tanguan si hazel kanina.
"May idea pa naman ako sa introduction design. Ayos lang." nailing si deigo sa sinabi kong iyon.
"Ang hirap gumawa ng design, leslie. Huwag mo sanang pagurin ang sarili mo. Nag-uumpisa pa lang tayo.."
Napabuntong hininga ako bago mag-iwas ng tingin, nag-uumpisa pa nga lang kami ngunit todo na ang mga gawain na sana'y makayanan ng katawan at isip ko.
********
to be continued.....