Chapter 22

1359 Words
Leslie Alegria Pov. Magdamag muli akong gumugol ng oras para sa introduction design ni hazel. Tinapos ko talaga iyon para wala siyang masabi sa akin. Kahit na may activity pa akong gagawin sa bahay, mas inuna ko itong tapusin. Kailangan ko pang tapusin ang isang creative designs for fundamentals dahil isa rin iyon sa bilin ng professor. Mas hinahasa nila kami ngayon sa pag-gawa ng sketch at mga plates about designs. Siguro nga ay maswerte ako dahil kahit papaano ay may talento ako sa drawing. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit ito ang kursong nais kong tahakin. "Narito na ang tatlong plates, paki-check na lang." naabutan ko si hazel sa isang bench matapos kong marating ang unibersidad. Kasama nito ang kanyang grupo habang nagtatatawanan sila. "Mamaya ko na 'yan titingnan. Eto ang pera mo." may nilalahad siyang pera sakin na hindi ko matukoy kung magkano ang halaga. Ngunit hindi ko tinangkang kunin iyon dahil ayokong may masabi siya. "Salamat na lang, pero hindi ako tumatanggap ng bayad." tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. "Ngayon ko lang napagtanto na tumatanggi din pala ang mga mahihirap sa pera." natawa ang mga kasama niya dahil sa sinabi nito. Ngunit hindi ko iyon pinansin, nag-iwas na lang ako ng tingin bago bumuntong hininga. "Baka mas kailangan mo iyan, hazel. Mauuna na ako." hindi ko alam kung nainsulto ba ito sa sinabi ko. Nawala kasi ang ngisi niya sa mukha ngunit tinalikuran ko na sila. Hindi man lang ako nakatanggap ng pasasalamat. Grabe talaga, kung sabagay. Hindi ko na rin naman na uulitin ito. Naawa lang kasi ako sa kanya kahapon dahil baka first semester pa lang ay bumagsak na siya. Nakakahiya naman sa tatay niyang konsehal na tumatakbong kapitan ngayong buwan. "Leslie!" nilingon ko ang lalakeng tumawag sa akin kung saan madali nitong napantayan ang paglalakad ko. "Ang aga mo, ah? Namasahe ka lang ba?" tumango ako kay diego. Napapansin ko pang mabasa ang buhok niya na halatang bagong gupit. Gwapo siya kahit moreno, matangos ang ilong niya at kung ngingisi ito ay may dimples na uusbong sa magkabilaang pisngi niya. "Tapos ka na ba sa ikalawang plates mo?" umiling ako. Iyong unang plate pa lang kasi ang natapos ko dahil deadline iyon sa biyernes. Iyong mga apat na designs ay gagawin sa mga susunod na weekend. "Baka mamaya ko ito gagawin, mas inuna ko kasi ang activity sa space planning." tumango si diego. "Natapos mo iyong dalawa?" tumango ako nakangiti. Dahil sa sinabi kong iyon, halatang namangha siya base sa ipinakita nitong reaksyon. "Ang galing mo, gumawa ka pa ng introduction niyan ah." tipid lang akong ngumiti. Nais ko sanang sabihin na simple lang iyon dahil 3D sketch siya. Ngunit baka mayabangan siya sa akin kaya ngumiti na lamang ako. Sa lalagpasan naming gusali, naroon ang mga engineering student. Nakaupo sila sa isang grand stand at masayang nag-uusap. Ngunit mas nangingibabaw ang imahe ni akhiro. Hindi niya kasama ang kanyang mga pinsan marahil ibang kurso ang kanilang tinahak. Nakita ko'ng ngumiti siya ng may sinabi ang katabi nitong lalake. Nailing pa siya na para bang hindi pa makapaniwala. Ngunit bago kami lumiko sa isang hallway kung saan patungo ang gusali namin, nagawi ang paningin niya sakin. Unti-unting nawala ang ngisi nito dahilan upang mag-iwas ako ng tingin. "Leslie?" napabaling muli ako kay diego pagka-liko naman sa pasilyo. "May sinasabi ka ba?" tumango siya, natatawa. "Tinatanong kita kung nagbaon ka ba ng tanghalian mo?" Tumango ako. "Oo." kadalasan kasi ay nagdadala ako ng kanin. Kung may matitirang almusal ay iyon rin ang dadalhin ko. Binibigyan naman ako ng pamasahe ni amang. Hindi na rin naman siya nagtanong ukol sa librong pinabibili sa amin. Siguro ay nakita rin niya ang mga binigay ng senyora. Dahil sa naisip ko, kailangan ko palang pumunta mamaya sa mansyon. Wala naman na din gaanong gagawin mamaya kaya papasok na ako doon para magtrabaho. "Pupunta ka ba ng hacienda sa darating na sabado?" tumango ako sa tanong ni diego. "Sabado linggo lang ako makakapag-trabaho. Pero kung may libreng oras ako pwede akong manilbihan sa mansyon pagka-uwi." "Kung sabagay, hindi ka naman gaanong papagurin ni senyora flora eh. Mabait kasi iyon, lalo na si don hener." Tumango ako. Sang-ayon ako sa sinabi ni deigo. Ngunit dahil nabanggit nito si don hener, ang ama ni akhiro. Naalala ko tuloy ang sinabi niya na may babae si don hener at isa iyong alegria. Hindi lang ako sigurado kung sino iyon dahil bukod sa amin ay may iba pang alegria dito sa bayan ng san nicolas. Hindi naman siguro si inay iyon. Malayong mangyari na gagawin niyang maki-apid sa may asawa na. PAGKAPASOK namin sa silid. Wala pa ang aming professor. Ngunit ang ilang classmate namin ay nasa loob na. Tinukso pa nila si diego dahil madalas daw kaming nagsasama. "Kaibigan ko si leslie." aniyang turan sa mga lalakeng nakakasama niya minsan. Pinukol pa ito ng pang-aasar ng mga kaibigan niya, samantalang ako ay kinuha ko na ang aking notes upang basahin ang ilang diniscuss ng professor kahapon. Nasabi kasi nito na may short quiz kami. At kailangan kong mai-perfect iyon. "Lahat na ba ay tapos na sa introduction?" bente minutos na ang lumipas ng dumating ang aming professor. Huling nakapag-pasa si hazel kung saan binubuksan na ng professor ang brown envelop kung saan naroon ang ginawa kong designs para sa kanya. "Hazel Fajardo?" kunot ang noo ni sir franco matapos nitong mailabas ang tatlong designs ni hazel. "Are you making fun with me, fajardo!" nagtataka kaming lahat dahil sa reaksyon ni sir franco. Siya ang advicer namin, mabait naman siya ngunit madali siyang magalit kung hindi mo nasasagot ang mga katanungan niya. "B-bakit po, sir?" tumayo si hazel na medyo nahihiya. "What kind of designs is this? Pinagloloko mo ba ako! This is not introduction designs!" napalunok ako sa sinabi ng professor. Habang si hazel ay namimilog ang matang nakatingin sa akin. Hindi rin naman niya masabi na ako ang gumawa 'non dahil mapapagalitan siya. Pero imposible. Halos ilang oras kong ginawa ang mga iyon kaya hindi pwedeng magkamali ako. Hindi kaya may pumalit sa mga designs na gawa ko. "I will give you two days to finish this, fajardo. Hindi basta-basta ang kursong pinapasukan mo!" Yumuko na lamang si hazel sa kahihiyan. Muli siyang tinawag ni sir franco upang ibalik sa kanya ang pinasa niya. At bago maupong muli si hazel, sinamaan pa muna niya ako ng tingin at natitiyak kong hindi nito ako palalampasin mamaya. "Paano nangyari 'yon?" lunch break na namin sa mga oras na ito. Iyon ang tanong sa akin ni diego habang pababa kami ng hagdan. Nauna na sila hazel sa ibaba, pinaghahandaan ko na rin ang paglapit niya sa akin dahi alam kong galit na galit iyon ngayon. "Hindi ko alam. Pero ginawan ko siya ng designs, baka may sumabotahe lang sa ipapasa niya." tumaas ang kilay nito dahil sa sinabi ko. "Si hazel ba talaga ang ipapahiya nila o nais lang nilang magalit si hazel sayo?" matinding palaisipan ang sinabing iyon ni diego. At bago pa kami makaliko patungong cafeteria. May marahas ng kamay ang humila sa buhok ko. "Balak mo talaga akong pahiyain hindi ba!" galit na tinig ang bumugad sa akin, si hazel iyon. Ngunit hindi na nito nagawang hilain ang buhok ko dahil tinulak na siya ni diego. "Ano bang problema mo!" si diego iyon. Pilit inaayos ang buhok ko dahil sa ginawang pagsabunot sa akin ni hazel. "Intensyon niyang pahiyain ako sa buong klase! Tingnan mo ang mga ginawa niyang designs!" hinagis ni hazel ang tatlong ginawa ko kagabi. Ngunit ng tingnan ko iyon, doon ko na nakumpirmang mali ako. Hindi sa akin ang mga drawing na ito. Naiiba ang designs ko sa kanya at hindi ganito. "May ibang gumawa niyan, hazel. Pinalitan nila iyong mga nauna." natawa siya habang naiiling sa sinabi ko. "Wala namang ibang humawak nito, leslie! Huwag mo ng linisin pa ang kalat mo! Gusto mo ng maduming laro? Edi sige! Goodluck." ngumisi siya sa akin bago kami tuluyang talikuran. At bago ako kumalmang muli. Namataan ko na ang grupo ni akhiro dahilan upang yayain ko ng lumisan si diego. ********** to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD