Leslie Pov. Naging maayos naman ang grades ko sa unang semester ng pasukan. Masasabi ko na maayos iyon dahil ako ang nangunguna sa klase. Gayun man, kabaligtaran naman ang karanasan ko sa unibersidad na pinapasukan ko. Simula ng gawan ko nang design si hazel. Hindi na naging maayos pa ang pakikitungo niya sa akin. Kung magkikita man kami sa hallway, hindi niya ako palalagpasin dahil tiyak na pahihiyain ako nito sa ilang studyanteng nakikining. Kung sa cafeteria naman ay madalas niya rin akong tapunan ng basura. Naiinis na lamang si glenda at diego sa pinag-gagawa nito sa akin ngunit si sinabi ko naman sa kanila na huwag nila itong papatulan. "Basura na naman iyan ah," bumuntong hininga na lamang ako habang tinatanggal ang basura sa loob ng aking locker. Hindi ko alam kung paano nila it

