Leslie Pov. Natapos ko ang lahat ng aking gawain matapos pumatak ang alas siete. Dumating na rin ang senyora kung saan naabutan ako nitong naghahanda na para sa pag-uwi ko. Inalok muna ako nitong maupo sa sala dahil may sasabihin daw siya sa akin. Si akhiro naman ay hindi na lumabas sa kanyang silid, hindi pa nga ito kumakain ng hapunan dahil abala yata siya sa kanyang mga ginagawa. "Kumain ka muna hija bago ka umuwi," umiling ako sa sinabi ng senyora. Nabusog naman ako kanina sa kinain ko, atsaka kailangan ko na rin umuwi dahil gabi na rin at tiyak ng nasa bahay na ngayon si amang. "Kumain na po ako kanina, senyora. Kailangan ko na rin po kasing umuwi dahil baka hinahanap na ako ng tatay ko," tumango si senyora sa sinabi ko. Hindi naman na siya nagpumilit pang manatili ako dahil mukha

