Leslie Alegria Pov. Nagpapasalamat ako kay amang dahil kahit papaano ay naalala pa nito ang pangako niya sakin. Matagal ng panahon iyon noong sinabi niya sakin na bibilhan niya ako ng bike para magamit ko'ng service. Hindi rin naman hassle sa akin ang magbike kung sakali. Kaya ko namang gawin iyon upang mabawasan kahit papaano ang pamamasahe ko patungong unibersidad. Siguro ay gagamitin ko na lamang ang pera ko'ng pamasahe sa tuwing magtutungo ako ng mansyon. Hindi ko na kasi kayang i-bike iyon dahil nga medyo may kalayuan din ang lugar. NANG GABING 'yon marami pa akong inasikaso para sa ilang plates na hahabulin ko'ng ipasa. Nakapasa rin naman ako sa exam namin ngunit marami pa akong requirements na kailangang habulin. Midterms na ng mga lumipas pa na buwan. Medyo mahirap pa ito sa i

