Third Person Pov. Hindi naman nalalayo ang kainan na tinahak ni leslie. Nauna siyang bumaba sa bisekleta habang pinapanood ang paghinto ng kotse ni akhiro sa gilid. Dahil marami din ang kumakain sa labas. Agaran naagaw ni akhiro ang kanilang atensyon, ngunit isa man sa kanila ay wala siyang pinansin. Naglakad siya palapit kay leslie na ngayo'y nakatingala sa tarpulin ng menu. Maraming maka-kain doon tulad ng lugar, lomi at iilang street foods na pinilahan ng karamihan. Ngunit mas mabili ang lomi sa kanila na may sangkap na baka. Nais niyang ipatikim iyon kay akhiro na ngayo'y wala namang imik na binabasa ang menu sa itaas. "Tara pasok tayo sa loob. Masarap ang luto nila dito," kunot ang noo ni akhiro ng manguna sa paglalakad si leslie. Maraming bulong-bulungan na naririnig ang binata

