Chapter 2: She did it again

1883 Words
"Lagot ako sa mga ‘yon late na naman ako.” Nagmamadaling nag-ayos at umalis ng bahay si Louise. As usual late na naman s'yang nagising dahil sa napuyat s'ya sa pag-gimik. "Kapag minamalas ka nga naman." Puro punuan ang mga jeep na dumadaan kaya 30 minuto na s'yang nag-aabang ng masasakyan. Tinadtad na s'ya ng text at tawag ng mga kaibigan. Hindi n'ya na lang sinagot ang mga tawag dahil for sure mabubulyawan lang s'ya sa phone. "Hay...no choice. Gagastos na naman ako." No choice na s'ya kaya nag-abang na s'ya ng taxi. Pero...pasakay na s'ya sa pinara n'yang taxi nang biglang out of nowhere ay may lalaking mala-flash na sumulpot sa harapan n’ya. "Miss, pasensya na, ha,” hinging paumanhin ng lalaki. “I'm on a rush, eh. Thank you!” Saka ito sumakay ng taxi at naiwan s’yang tulala. Bigla namang may tumawag sa phone n'ya at sinagot n'ya ito, "Hello? Ha? Saan? Sige, Bye!" ibinulsa n'ya ulit ang cellphone n’ya. "Grabeng kamalasan naman ito. Naagawan pa ako ng taxi. Late naman na ako kaya hindi na lang ako tutuloy ‘dun. Bahala na. Haharapin ko na lang ang galit ‘nung apat." At napagdesisyunan n'ya na lang na pumunta sa mga tropa n'ya. Kaya naman ang apat... "’Yung babaeng ‘yun talaga!" nanggigigil sa inis na sambit ni Zoe. "Mukhang wala ‘yon balak na sumama sa’tin mga, ‘Te,” sabi ni Mimi. "Tama si Mimi. Umalis na tayo,” aya ni Anna sa mga kasama. "Hindi man lang s'ya nagtext o sagutin man lang ang tawag natin,” dagdag pa ni Maricar na kalmado lang. "Tara na nga! Humanda s'ya sa atin sa Lunes." Nauna ng lumakad si Zoe. "Tama ka, sa Lunes. Dahil panigurado hindi rin ‘yon magsisimba bukas,” sabi ni Maricar. "Huwag na kayong ma-bad vibes sumakay na tayo ng jeep,” aya ulit sa kanila ni Anna. "’Yung totoo twin, excited?" tanong dito ni Mimi. Tawa lang ang sinagot nito saka sumakay na ng jeep. Sumunod na rin ‘yung tatlo at pumunta na sila sa pupuntahan nila. Napawi ang bad vibes nila nang makilala na nila ang mga batang tutulungan nila. At pati ang mga bagong member ng org nila. At tama sila dahil mga gwapo at magaganda nga ang mga ito. At siyempre mababait pa. Dahil willing sila na tumulong at mag-laan ng oras sa mga less fortunate na mga bata. At ang pangalan ng org nila ay "Angel's Club." And guess what kung sino ang founder ng org, si Zoe! Hindi kapani-paniwala ‘di ba? Angel's Club pero ang founder mala-tigresa. Pero mabait s'ya talaga. Hindi lang halata. Kahit sino pwedeng sumali sa org nila. Make sure lang na willing kang maglaan ng oras para sa mga nangangailangan. Kumpleto ang mga member nila. May member from News Club para may access sila sa University news paper at website. Meron ‘din silang Varsity at Pep squad member para panghatak ng tao kapag may fundraising event sila. May photographer din sila at chef from HRM para may tagaluto sila. Kahit ano’ng coarse mo at kahit kasali ka pa sa ibang org pwede. Basta make sure na bukal sa loob mo ang pagtulong. Kahit ano’ng religion mo welcome ka sa org na ito. Accredited ng University ang org na ito dahil sa mga good deeds nila. At ang project nila this school year ay ang pagtulong sa mga less fortunate children. Sa mga bibisitahin nilang orphanage, pipili sila ng may potential para pag-aralin. And it seems na marami ang may puso sa University dahil dumadami na ang member nila. "Okay, job well done, guys! Mukhang nag-enjoy sila sa mga surprises natin,” ani ni Zoe. "At pati tayo nag-enjoy rin," nakangiting dagdag ni Mimi. "Mukha nga nag-enjoy ka sa mga pagkain,” biro rito ni Maricar. "Naman, eh! Walang laglagan, ‘Te!" reklamo ni Mimi. "Actually, lahat tayo nag-enjoy sa foods,” sabi ni Anna. "I love you, twin!" Niyakap ni Mimi si Anna. "Siyempre magaling ang chef natin eh,” sabi naman ng member na si Ian. "Hindi naman. Salamat nagustuhan n’yo ang luto ko.” Meet James Cruz! HRM student. Gwapo, matangkad, mayaman at mabait. New member ng org. "Well, masarap talaga ang mga niluto mo. By the way, welcome nga pala sa mga bagong member. Salamat sa pagsama at pagtulong n'yo ngayong araw," bilang founder ay pinasalamatan at ini-welcome ni Zoe ang mga new member. "You're welcome! Willing kami na tumulong. Just give us a ring whenever you need our help," sabi ng nakangiting si Jamilla. Isa sa new member. Maganda at galing sa mayamang pamilya. "Ang saya naman! Ang dami na natin!” masayang sabi ni Maricar. "Tama ka, sis. Magtulungan tayong lahat. And I hope walang magsawa sa pagtulong," dagdag pa ni Zoe. "Siyempre naman founder!" sang-ayon ng makulit na chinitong si Jared. "I guess, we have to celebrate? And welcome party na rin para sa mga new members,” suggestion ni Shaira, member din. "Sagot ko! Sa restaurant namin,” alok ni Terence na anak ng kilalang restaurateur. "Eh, sagot naman pala ni Terence, eh. Gora na tayo!” kumbinsi sa kanila ni Mimi na siyempre game basta kainan ang usapan. "Ano sasama ba ang lahat?" tanong ni Zoe sa mga member. "Siyempre naman!" all answered in chorus. "Ayan! Masaya ‘to para makilala rin natin ang mga new members,” cheerful na sabi ni Anna. "’Yung totoo twin may prospect ka na naman, ‘no?" bulong dito ni Mimi. "Shhh...Baka marinig ka nila twin. Ang Gwapo ‘nung James, ‘no?" bulong din nito. "Oo nga, Pero mas type ko ‘yung Dale, ang yummy,” kinikilig pa na bulong ulit ni Mimi. "Uy! Ano’ng pinagbubulungan n'yong dalawa ‘dyan, ha? Tara na!” untag ni Maricar sa dalawa. "Secret, ‘Te,” sagot ni Mimi. "Tara na, Bhest!" Sabay hawak ni Anna sa braso ni Maricar. "Naku, parang alam ko na ‘yan,” sabi ng nasa likuran nila na si Zoe. Then, pumunta na sila sa restaurant nila Terence. At kung sila enjoy, mukhang enjoy rin sa pag-gimik si Louise. Kaya naman as expected ay inabutan sila ng umaga na naman sa pag-uwi. Pero kailangan n'yang harapin ang galit ng mga kaibigan n’ya pagpasok n'ya sa University pagsapit ng Monday. Maaga s'yang pumasok pagdating ng Monday kaya hindi s'ya late this time. "Nasaan kaya ‘yung mga ‘yun? Hindi ko pa ramdam ang aura nila, ha." Naupo s'ya sa isang bench malapit sa quadrangle. Sinalpak n'ya sa tenga n'ya ang headset n'ya at nakinig ng music from her Ipod. Maaga s'ya masyado sa first subject n'ya kaya doon muna s'ya tumambay. Nakapikit s'ya at relax na relax nang mag-iba ang pakiramdam n'ya. Bigla s’yang napadilat dahil may naramdaman s’yang negative energy sa paligid. At bumungad sa harapan n'ya ang mga kaibigan. Na expected n'ya ng galit sa kanya. "Ops! You got me guys. Pero magpapaliwanag ako." Dapat yata s’yang kabahan sa talim pa lang ng tingin ng mga ito sa kanya. "Ano naman ang palusot mo this time, Louise Reyes?" tanong ni Maricar na chill lang. "Ano pa nga ba? Eh, ‘di nahatak na naman s'ya ng mga tropa n'ya at hindi s'ya nakatanggi,” ani ni Mimi. "Shut up, Mimi! May valid reason ako, ‘no,” pangangatwiran ni Louise. "’Weh? Ano naman ‘yun? May inutos sa’yo ang Ate mo o ang Mama mo?" nakapamewang na tanong ni Mimi. "Siguraduhin mo lang na katanggap-tanggap ‘yang alibi mo, ha,” banta naman sa kanya ni Zoe. "Dahil kung hindi, you’re dead! Ha!Ha!" Sabay tawa ni Anna. "Grabe naman ‘yun! Dead agad? ‘Di ba pwedeng comatose muna?" biro ni Louise. "Comatose you’re face! Ang tagal namin na naghintay sa’yo, ‘no!" bulyaw sa kanya ni Mimi. "At ‘di mo man lang sinagot ang tawag at text namin," dagdag pa ni Maricar. "Ngayon, ano’ng alibi mo, ha!" singhal sa kanya ni Zoe. "Katakot ka naman, ‘Te!” Napahawak sa dibdib na sabi ni Louise. "Magsalita ka na kasi," ani ni Anna. "Tama si twin bago kami mag-transform, Bwahaha!" Sabay halakhak ni Mimi. "Oo na! Ganito kasi ‘yun wala akong masakyang jeep, ang tagal ko’ng naghintay. Tapos, I decided na mag-taxi na lang,” sinimulan na ni Louise ang paliwanag n'ya. "Wow! Sosyal, ha," kantiyaw ni Mimi kay Louise. “Huwag ka nga’ng mag-interrupt, Mimi,” saway dito ni Maricar. "Sorry naman." Kaya nanahimik na siya. "Tapos ‘nung pasakay na ako ng taxi biglang may lalaking dumating, at inagaw ang taxi ko. Kaya tinamad na akong pumunta sa inyo. Ang gwapo pa naman sana ‘nung guy kaso ang sama ng ugali. Agawan ba naman ako ng taxi? Hindi tuloy ako nakahabol sa inyo." Sabay ngiti n’ya sa mga ito. "Acceptable naman ‘yung reason ko ‘di ba?" tanong ni Louise pagkatapos ng mahabang paliwanag. "Ano’ng acceptable ‘dun, ha? Pinaghintay mo kami ng matagal! Hindi mo ni-reply-an ang text namin! Hindi mo rin sinagot ang tawag namin!" pasigaw na nagsalita si Zoe. "Shocks! Katakot ka naman. Chillax lang, ‘Te." Mukhang ginalit ko na naman ang Zoe. Halos mapatalon s’ya sa lakas ng boses nito. "At nagpa-umaga ka lang sa gimikan instead na pumunta sa org project natin? Walang acceptable sa alibi mo, ‘no," mahinahon pa rin na sabi ni Maricar. "Ang saya kaya namin ‘nung Saturday. Nakakatuwa ‘yung mga bata,” kwento ni Mimi. "Correction, twin, mas nakakatuwa ‘yung mga new member ng org ‘di ba?" kinikilig na sabi ni Anna. "Ay, gano’n? May kilig factor?" Napataas ang kilay ni Louise sa dalawa. "Naman! Ang daming gwapong new member. At take note mababait pa sila," pagbibida ni Mimi. "After namin sa orphanage, inilibre kami ni Terence sa resto nila. Ang saya nga nilang kasama eh," dagdag pa ni Anna. "Gano’n? Sayang naman ‘yun. Dapat tinext n'yo ko.” Nanghinayang s'ya bigla. "Eh, hindi mo nga kami nire-reply-an eh!" sigaw ulit ni Zoe sa kanya. "’Wag ka namang manigaw! Bingi na ko sa kakasigaw mo, eh!" sambit ni Louise na napasigaw na rin. "Ah, so sinisigawan mo rin ako?" nakapamewang na tanong ni Zoe sa kanya. "He...He....Sorry naman, ‘Te. Ikaw kasi, eh. Masyado kang high-blood. Relax lang okay?" paglalambing n'ya rito. "Hindi ka na ba magtitino, Louise Reyes? I guess, kailangan mo na ng disciplinary action, eh," mahinahon nang sabi ni Zoe. "What do you mean, sis?" tanong ni Maricar. "Naku, mukhang may parusa na sa’yo si ate Zoe,” pananakot pa ni Anna kay Louise. "Ayan ginalit mo kasi, eh,” dagdag pa ni Mimi. "Uy! ‘Te, sorry naman na, oh. Hindi na ako uulit. Promise! Magtitino na ako. Forgive me na, ha?" She's trying to change Zoe's mood. Pero hindi nga ito madaling matinag ‘di ba? Kaya sorry na lang si Louise. "Temporary terminated ka muna sa org,” seryosong sabi ni Zoe. At pareho-pareho ang naging reaksyon ng apat. "Ha?!" "Temporary terminated?" ulit ni Louise sa sinabi ni Zoe. "Seryoso ka, ‘Te?" tanong dito ni Mimi. "Mukha ba akong nagbibiro?" balik tanong dito ni Zoe. "Hindi s'ya nagbibiro. Kaya face the consequences na lang, Louise,” sabi ni Maricar. "Magbago ka na kasi," sabay tap ni Anna sa balikat n’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD