Chapter 3: Her Punishment

1639 Words
"Waaah!!! Bakit ba ang lupit n'ya!!!" sigaw ni Louise na parang End of the world na. "Temporary terminated ka, ‘Te?” panunukso ni Mimi. "Ang ibig sabihin n'yan hindi ka allowed pumunta sa headquarters. At hindi mo makikita ang mga gwapong bagong member. Hahaha!" humahalakhak pa na sabi ni Anna. "Naman, eh! Bakit ang lupit n'ya sa’kin? Tulungan n'yo naman ako, oh. I-convince n'yo si Zoe na bawiin na ‘yung desisyon n'ya na 'yon,” pagmamakaawa n'ya sa mga ito. "Ano?! Gusto mo’ng madamay kami sa temporary termination mo? No way, ‘no,” palag agad ni Mimi. "Tama si twin, No way! Kapag nadamay kami sa galit sa’yo ni ate Zoe baka hindi na namin makita ang mga prince charming namin,” sabi ni Anna. "Ang landi n'yo!” singhal ni Louise sa dalawa. “Maricar..." baling n'ya rito. "Sorry, Louise, Pero it's about time na siguro para magbago ka,” apologetic na sabi ni Maricar. “Kaya hindi ka namin kukunsintihin. Magdusa ka! ‘Di mo makikilala ‘yung mga gwapong new members ng org." "Pati ba naman ikaw, Maricar?!" Nawawala na s'ya ng pag-asa. "Madalas natin silang makakasama dahil sa new project ng org ‘di ba?" tanong ni Anna sa dalawa. "Yeah. Kaya mas magiging close na natin sila,” nakangising sabi ni Mimi. "Ang saya pa naman nilang kasama. Mababait pa! Kaya mukhang magkaka-love life na kayong dalawa," sabi naman ni Maricar. "Kami lang? Eh, bakit ikaw, ‘Te?" tanong dito ni Mimi. "Don't tell me wala kang type sa kanila, bhest?" tanong din ni Anna. "Eh, kayong dalawa lang naman ang lalakero, ‘no. Damay n'yo pa si Maricar!" singit ni Louise sa usapan nila. "Eh, ‘di ba lalakero ka rin? Pero dahil temporary terminated ka, hindi ka makakapaglandi sa org,” asar pa ni Mimi kay Louise. "Ang sama n’yo!" maktol ni Louise. "Hay naku, Louise. Huwag mo na lang pansinin ‘yang dalawa na ‘yan. Gawin mo na lang ang dapat para makabalik ka na sa org,” payo ni Maricar sa kanya. "Hay...ano’ng gagawin ko? Bakit ba kasi napakatigresa ng isang ‘yun eh,” Louise said referring to Zoe. "Ginalit mo kasi, eh,” sermon ni Anna sa kanya. "Tara na nga! Tapos na ang break ko, kayo?" aya ni Mimi sa kanila. "May klase na rin ako." Tumayo na rin si Maricar. "Ako rin.” Nanlulumong pumunta na rin s’ya sa building nila. Poor Louise dahil mukhang seryoso si Zoe na turuan s'ya ng leksyon. "Seryoso ka talaga ‘dun, sis?" tanong ni Maricar kay Zoe. Nauna silang nagkita sa cafeteria dahil may klase pa ‘yung tatlo. "Oo. Akala n'ya, ha. Lagi n'ya tayong pinaghihintay tapos, minsan ‘di n'ya tayo sinisipot," sagot ni Zoe. "Kawawa naman kasi s'ya, eh,” katwiran ni Maricar. "Magdusa s'ya ‘no! She loves pretty boys ‘di ba? P’wes! Hindi n'ya makikilala sila James. At sisiguraduhin ko na wala s’yang ibang way to meet them, and to get close with them. Hahaha!" sabi nito with evil laugh. "Hay...Mukhang kailangan n'ya na talagang magbago,” napabuntong-hiningang sabi ni Maricar. "Tama! Para sa kanya rin naman ‘to, eh,” saad ni Zoe. "May point ka ‘dyan, sis. At sana nga magbago na s'ya,” sabi ni Maricar, hopefully. Magbago na nga kaya si Louise? Lalo na sa unexpected na pagkikita ng landas nila ng lalaki’ng ito? "Bad trip naman, oh! Bakit walang nagsabi sa'kin na cancelled ngayon ang activity sa Lab?” Gumising s’ya ng maaga at ini-handa ang mga ingredients na kailangan n'ya. Without knowing na hindi tuloy ang activity nila ngayong araw. Kaya naman bad trip na bad trip s'yang lumabas ng Lab. At ‘di n'ya napansin ang makakasalubong n'ya. "Oh no!" iyon na lang ang nasabi n'ya dahil tumapon ang dala-dalang ingredients ng nakabunggo n'ya. "Ow! Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daan? Tignan mo tuloy ang nangyari? Paano na ngayon ‘yan? Hindi na pwedeng gamitin ang mga ingredients na ‘yan!” tuloy-tuloy na sabi ng lalaking nakabunggo ni Louise. Kitang-kita sa mukha nito ang inis. Habang si Louise...natulala. "What? Tutunganga ka lang ‘dyan? Hindi ka man lang mag-so-sorry? Hindi mo man lang ako tutulungan na linisin ‘yang kinalat mo, ha?" masungit na sabi nito sa kanya. "Ha? Ah…eh…S-sorry..." ‘yun lang ang nasabi n'ya. "Tsk! Nevermind. I'll ask the janitor's help na lang para linisin, ‘to,” sabi ng lalaking nakabunggo ni Louise. She is about to speak nang may lalaking tumawag dito. "James!" "Why?" tanong ng lalaking nakabunggo ni Louise. "Pinapatawag tayo sa org pwede ka ba?" tanong ng bagong dating. "I guess. Wala naman na ang ingredients ko, kaya ‘di na ako makakapagluto," sagot ng binata. "Ano’ng nangyari?" tanong ng lalaki. "Don't mind it. Tayo na. Dadaan ako sa janitor para i-palinis, ‘to," aya nito sa kausap. "Okay,” sagot naman nito. At naiwan ang tulala pa rin na si Louise. Hanggang kinabukasan hindi pa rin nakaka-recover si Louise. "Ano ba! Naririndi na kami sa tili mo, ah!" singhal sa kanya ni Zoe. "Ang sungit naman nito. Kapag kayo kinikilig dyan, eh," reklamo ni Louise. "Excuse me? Hindi kami kasing tindi mo’ng kiligin, ‘no!" react ni Mimi. "Oo nga. Mababasag na eardrums namin sa tili mo, eh. To think na kahapon pa ‘yan, ha. ‘Di maka-get over?" sumbat ni Anna na busy na naman sa phone n'ya. "Busy na naman po si social media addict. Eh, sa ang gwapo n'ya eh. Sobra!" kinikilig pa rin s'ya sa tuwing mai-imagine n'ya ang mukha ng nakabunggo n'ya kahapon. "Kilig much? Eh, sabi mo nga sinungitan ka ‘di ba?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Mimi. "Sinungitan ka na, kinilig ka pa? You're crazy, Louise,” sabi ni Zoe na umiling. "Eh, sa ang gwapo n'ya nga, eh. And guess what, I know his name!” sigaw ni Louise na kinikilig pa rin. "Ay, ‘Te! ‘Di ba ngayon ‘yung continuation ng meeting ng org?" tanong ni Mimi. "Yeah, Mauna na kayo sa headquarters. Dadaan lang ako sa library,” sagot ni Zoe. "Sige. Mauna na kami doon, sis,” sabi naman ni Maricar. "Gano’n? Dedmahin ba ko?" nakasimangot na sabi ni Louise. "Pasensya naman, mamaya mo na lang ituloy ang kwento mo. We have to go na, eh." Tumayo na sa kinauupuan si Anna. Ganoon din sila Mimi, Maricar at Zoe. "See you na lang mamaya," paalam sa kanya ni Maricar. "Hindi n'yo ako isasama?" tanong ni Louise sa mga ito. "Temporary terminated ka, remember?" mataray na paalala sa kanya ni Zoe. "Naman, eh! Bawiin mo na kasi 'yon!" maktol ni Louise. "Magdusa ka! See you, guys except you," baling ni Zoe kay Louise at saka nauna ng umalis. "Haha! Walang kupas ang katarayan." natatawang sabi ni Mimi. "Poor Louise. Bye!" nang-aasar pa na kumaway si Anna. At naiwan na naman s’yang mag-isa sa tambayan nila. "Grabe! Ang bait n’yo talagang mga kaibigan. Kawawa naman ako. Pinag-kakaisahan nila ko. Hahanapin ko na nga lang prince charming ko." Kaya naman nagpunta s'ya sa Lab na nagbabakasakaling makikita n'ya doon ang lalaking nakabunggo n'ya kahapon. Pero siyempre bigo s'ya. Dahil kasalukuyang kasama ng mga kaibigan n'ya ang hinahanap n'ya. "Gano’n? Sayang naman ‘yung mga ingredients na binili mo," nanghihinayang na sabi ni Mimi sa kausap na si James. "Oo nga, Hindi tuloy namin natikman ‘yung iluluto mo dapat na pineapple crepe," nalungkot na tugon ni Anna na obvious na nagpapa-cute sa kaharap. "Okay lang ‘yun, girls. Pwede ko pa naman kayong ipagluto mamaya, eh,” nakangiting sabi ni James sa mga kasama. "’Yun naman pala, eh. Aasahan namin ‘yan bukas, ah,” sabi ni Maricar. "Yeah! Bukas dala ko na ang pineapple crepe, bake especially for you girls," nakangiti pa rin na sabi ni James. "Sige. Bukas na lang James kailangan na naming umalis. Huwag mo ring kalimutan ‘yung mga cookies para sa mga bata, ha,” bilin dito ni Zoe. "Yeah. Don't worry founder ready na ‘yun bago mag-weekend,” very cheerful pa rin na sabi ni James. "Salamat. Alis na kami,” paalam ni Zoe. "Bye, James!" duet nina Mimi at Anna. "Bye!" nakangiting kumaway pa ito sakanila. Nang makalayo na sila ay sabay-sabay na kinilig ang mga babae. "Grabe! Halata na pa-cute kayong dalawa kay James,” sita ni Maricar sa dalawa. "Oo nga, Don't tell me pareho n'yo s'yang type?" tanong naman ni Zoe. "Haha! Gano’n na nga, Ate Zoe," pag-amin naman ni Anna. "Para naman s'ya lang ang gwapo sa org. Gwapo rin naman sila Terence, ah,” sabi ni Maricar. "Tama si Maricar. Umayos nga kayong dalawa!” sita naman ni Zoe sa dalawa. "Ate Zoe, meron naman...may the best chick win, eh.” Sabay halakhak ni Mimi. Napailing na lang si Maricar at Zoe. "Mag-twin nga kayo. Mga baliw," pabirong sabi ni Maricar. "Wait, guys,” pukaw ni Zoe sa atensyon nila. Mukhang may na-realize. "Ano ‘yon, Ate Zoe?" tanong ni Anna. "Hindi kaya ‘yung tinutukoy ni Louise na nakabunggo n'ya sa Lab kahapon ay si James?" paliwanag ni Zoe sa mga kasama. Sa sinabi ni Zoe napa-isip ang tatlo. "Confirmed!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo. "Tignan mo nga naman ang pagkakataon," nakangiting sabi ni Zoe. "Naku, ano’ng meron sa evil smile na ‘yan sis?" tanong dito ni Maricar. "Mukhang may naisip ka na mas malalang punishment kay Louise, ah,” napapailing na sabi ni Mimi. "Kawawang Louise. Basta sa’kin si papa James, ha,” sabi ni Anna. "Hoy! Twin! hati tayo ‘di ba?" palag ni Mimi. "Mga lukaret talaga kayo,” natatawang sabi ni Maricar. Pero, ano kaya ang tumatakbo sa utak ni Zoe? Isa lang ang ibig sabihin ‘non, Louise must prepare herself against her friend 's evil plan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD