"Guys, alam n'yo ba? I found out na hrm student pala iyong prince charming ko?" excited na kwento ni Louise sa mga kaibigan nang magkita-kita sila kinabukasan.
"Prince charming namin 'yon 'no!" duet nina Mimi at Anna.
"Ano!?! Paano n'yo naman s'ya naging prince charming?" nagtatakang tanong n'ya sa dalawa.
"It just happen na member s'ya ng org. kaya nga close na s'ya sa dalawang 'yan, eh," with evil smile na sabi ni Zoe.
"Ano?!?" 'di s'ya makapaniwala sa narinig.
"Kung hindi mo kame inindyan 'nung Saturday nakilala mo na rin sana s'ya." sabi ni Maricar.
"Tama si Ate Maricar. Alam mo ba ang bait-bait n'ya," pagbibida ni Mimi.
"At pinagluto n'ya pa kame ng pineapple crepe. Gwapo na mabait pa!" kinikilig na sabi naman ni Anna.
"Tama 'yon! Kaya, may the best chick win ang peg n'yang dalawa. But knowing Anna baka s'ya ang manalo, 'di ba, bhe?" di nawawala sa mukha ni Zoe ang evil smile n'ya.
"Ha!Ha! Tama! Kaya galingan mo twin," sakay naman ni Anna sa pakulo ni Zoe.
"'Di ako patatalo, no! Mas close kaya kami ni Papa James," gatong pa ni Mimi.
Kaya naman 'di na nakapagpigil si Louise. "Hindiiiiiiiiiiiii!" sigaw n'ya.
"Anong nangyari sayo?" painosenteng tanong ni Maricar dito.
"Hindi pwedeng mangyari 'to! Kilala n'yo na s'ya? At itong dalawang 'to naunahan ako sa prince charming ko? Hindi ako papayag!" windang s'ya sa nalaman.
"That's what you get sa pagiging pasaway mo," pang-asar na sabi ni Zoe sa kanya.
"Bawiin mo na iyong termination na 'yon, please..." pag-mamakaawa n'ya kay Zoe.
"Neknek mo!" ayon lang ang sagot nito sa kanya.
Kaya naman iyong tatlo todo tawa.
"Ang sama n'yo talaga! Sa'kin s'ya 'wag n'yo s'yang lalandiin!" banta n'ya sa dalawa.
"Ano ka! Kami nauna sa kanya, no!" asik din ni Mimi sa kanya.
"At tsaka 'di ka naman makakalapit sa kanya kung wala ka sa org. 'di ba?" dagdag pang-aasar pa ni Anna.
"Tama. Kahit hrm student pa s'ya. 'Di mo pa rin s'ya magiging close," nakigatong na rin si Maricar.
"As if you have a guts. Sinungitan ka nga n'ya 'di ba?" lalo pa s'yang inasar ni Zoe.
"Pero sa amin mabait s'ya. 'Di ba twin?" sabay tawa ni Anna.
"Ha!Ha! tama. At sweet pa!" Mimi.
"Sige lang gan'yan kayo kasama sa'kin, ha," nakapout na reklamo ni Louise.
"Sa weekend pala kasama ulit natin s'ya, no?" parinig pa ni Maricar.
"Yap! May ibibigay nga raw s'ya sa ating cookies, eh. How sweet!" kinikilig pa na sabi ni Anna.
"Sama ko!"
"Sorry Louise you are not allowed to go with us dahil sa temporary termination mo," Si Zoe.
"Naman, eh! Sorry na kasi! Bawiin mo na 'yang termination na yan! please..." pagmamakaawa n'ya pa rin kay Zoe.
Na hindi naman natitinag. "That's you're punishment. Prove your self muna bago ko 'yon bawiin. I have to go guys may klase pa ko." Umalis na si Zoe at naiwan sila.
"Waaahhhh!!! Bakit ba ang tigas n'ya! 'Di n'yo ba ko tutulungan, ha? Convince her naman, oh," iyong tatlo naman ang binalingan n'ya.
"Ayaw ko nga! Agawan mo pa kami kay Papa James, eh," Mimi.
"Tama na iyong kami ni twin ang magkahati," Anna.
"Ha!Ha! Win Zoe's forgiven para makasinggit ka sa dalawang 'yan," payo ni Maricar sa kanya.
"Napakahirap naman 'non, eh! Waaaahhhh!!!!! Anong gagawin ko!" nasabunutan n'ya na lang ang sarili sa frustration.
Mukhang balak s'yang turturin ni Zoe. Kaya goodluck na lang sa kanya.
Dahil ramdam n'ya na ang binabalak ni Zoe. Sinubukan n'yang gumawa ng paraan para makipagkilala at mapalapit kay James.
Pero sa tuwing susubukan n'yang lumapit dito epic fail lagi ang nangyayari.
"Nakakainis naman, eh! Bakit ba lagi akong pumapalpak! " inis na sabi n'ya sa sarili.
Paano ba naman, una nag-iwan s'ya ng muffin na may note sa kitchen lab dahil alam n'ya na si James ang unang pumapasok doon tuwing Wednesday morning. Pero 'nung araw na 'yon iba ang naunang pumasok doon kaya kinain nila 'yung muffin at itinapon ang note with out reading it. Ang sama 'di ba?
Pangalawa, sinubukan n'yang magpakilala ng harapan. Pero dahil sa pagkataranta n'ya ng makita ito, natapunan n'ya ito ng dala n'yang shake na ibibigay n'ya sana sa binata. Kaya ayon nasungitan na naman s'ya ni James. Ang malas nya, no?
Parang ayaw yata ng tadhana na mapalapit s'ya sa prince charming n'ya.
"Waahhh!!! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kailangan ko na talagang makabalik sa org." desidido na s'ya.
Pero kailangan n'ya munang harapin si Zoe para makabalik sa Angel's Club.
"Are you willing to do everything to be able for you to come back?" naka-cross arms na tanong ni Zoe sa kaharap.
"Oo! Lahat-lahat! Promise hindi ako magrereklamo!" desididong sagot ni Louise.
Naglakas na s'ya ng loob na kausapin si Zoe. Mahirap na baka mapasakamay na ni Anna o Mimi ang prince charming n'ya.
At hindi n'ya papayagang mangyari 'yon. Kaya bahala na kung ano ang pagdadaanan n'ya sa mga kamay ni Zoe.
Knowing her siguradong pahihirapan n'ya ko ng husto bago n'ya ko pabalikin sa org. Gano'n kalupit ang founder ng Angel's Club.
Kaya nakakapagtakang naisipan n'yang itatag ang org na 'yon.
At ito na sasabihin n'ya na ang mga kundisyones n'ya. May inabot itong folder kay Louise.
"Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Louise.
"Nakasulat d'yan ang mga kondisyon para bawiin ko ang termination mo," sagot ni Zoe.
Binuklat n'ya ang folder at...
"First and the most important condition..."
Hindi n'ya na hinintay na basahin ko. S'ya na ang nagbasa para sa kin.
"From now on bawal ka ng um-absent at ma-late sa mga meeting, assembly, activity at mission ng org," seryoso si Zoe habang nagsasalita.
"Ahh...Okay," iyon na lang ang nasabi ni Louise.
"It means na hindi ka na pwedeng gumimik. Unless kami ang kasama mo," patuloy ni Zoe.
"What?!?" shocking 'yun for her.
"Second, dahil na-missed mo 'yung mission noong mga nakaraang linggo obligado ka na bumawi," Zoe.
"Okay," pag-sangayon n'ya na lang.
"Ikaw ang magluluto sa mga susunod na araw para sa mga member at sa mga bata sa orphanage," patuloy na explanation ni Zoe.
"Yakang-yaka ko 'yon!"
"Dapat lang. At tutulungan mo rin sila sa mga paper works," dagdag pa ni Zoe.
"Pati 'yon?" Louise.
"Ayaw mo?" Zoe.
"Sabi ko nga okay lang, eh." Napakamot na lang s'ya sa ulo.
"And you have to donate your allowance para sure na hindi ka makakagimik," Zoe.
"What!?!" 'di s'ya makapaniwala sa narinig.
"Siyempre magtitira ka ng pang-gastos mo," Zoe.
Ang lupet n'ya talaga...iyon na lang ang nasabi n'ya sa isip n'ya.
"And last but not the least..gumawa ka ng proposal plan para sa next fundraising event natin,"
Magre-react pa lang s'ya sa sinabi nito pero hindi s'ya hinayaang makapagsalita nito.
"And you have to pass it next week. So, Im giving you a week to think about it,"
"What!?!" nanlaki ang singkit n'yang mata sa narinig.
"Kapag hindi mo nagawa ang lahat ng ito officially terminated ka na talaga sa org,"
"Ha?!? Grabe naman ang lupit mo talaga...." frustrated na sabi n'ya.
"Sign it now. Pero pwede rin na hindi ka pumirma at ibig sabihin 'non tinatanggap mo na ang termination mo for good," sabay ngiti nito sa kanya.
Waaahhhh!!!!! Grabe lang!!! I saw that evil smile na naman.
At ang reaksyon ng tatlo nang sabihin n'ya sa mga ito ang mga kundisyones ni Zoe ay ito...
"Bwahahahahahaha!!!" wagas na halakhak lang naman.
"What a friend! Ang lupit n'yo talaga sakin, no?" nakasimangot na sabi n'ya sa mga ito.
"No doubt. Mukhang ayaw ka na yata talagang pabalikin ni Ate Zoe," pang-asar na sabi ni Anna.
"'Di na lang n'ya sinabi sayo, no? Nagpakahirap pa s'yang gumawa ng agreement na 'yon," dagdag pang-aasar pa ni Mimi.
"Grabe! Naisip n'ya talaga ang mga 'yon? Kawawa ka naman Louise," ang sabi naman ni Maricar.
"Grabe! salamat sa inyo, ha. Kino-comfort n'yo ba ako o dini-discourage? Ang babait n'yo talagang kaibigan," lukot na lukot na ang mukha n'ya sa pagsimangot.
"Pero Pumirma ka na 'di ba? Seryoso ka? Kaya mong gawin lahat 'yon?" tanong ni Maricar.
"Ate Maricar naman! Wala ka bang tiwala kay Louise? Pustahan tayo 1 week pa lang suko na 'yan," sabay tawa ni Mimi.
"Ako pusta ko one day pa lang suko na 'yan," mas malupit ang tawa ni Anna.
"Eh, kung ginugulpi ko kaya kayo, no? Ang sweet n'yo talagang kaibigan!" hindi pa rin maipinta ang mukha n'ya.
"Pero try to look at it in the positive way. May purpose si Zoe kaya n'ya ito ginagawa sayo," Si Maricar.
"Tama! Gawin mong motivation iyong pagpapahirap sayo ni Ate Zoe," Anna.
"Dapat ba akong ma-inspire d'yan sa sinasabi mo Anna?" Louise.
"You should be," sagot nito.
"Oo nga. Malay mo nang dahil doon mapalapit ka kay Papa James," Si Mimi.
"Hmmm... Mukhang may point kayo, ha. Thanks guys! Sisiguraduhin ko na matatameme si Zoe kapag natapos ko 'yong mga pinagagawa n'ya sa'kin," bigla s'yang nabuhayan ng fighting spirit.
"Basta 'yong pusta ko, ha. Kapag ako ang nanalo sa'kin na si James," Anna.
"Ipagdadasal ko na umabot s'ya ng one week para sa'kin si Papa James," Mimi.
"Walangya! Kala ko pa naman sincere kayong dalawa sa pagpapalakas ng loob ko!" biglang nawala ang ngiti n'ya dahil sa usapan ng dalawa.
"Kaya galingan mo para di makuha nyang dalawang iyan si James," natatawang sabi na lang ni Maricar.
Magawa n'ya nga kaya ang challenge ni Zoe for her?