“Welcome back Louise!!!” all say it in chorus.
“Thank you guys!” nakangiti namang sagot ni Louise sa mga ito.
“Namiss ka namin, girl,” Tamara said.
“Tama si Tamara kaya 'wag mo ng gagalitin si founder para hindi ka nasususpindi,” Si Ace isa sa varsity na member ng org.
“He..He… I learned my lesson na guys. 'Di na ako uulit. Takot ko lang kay Zoe,” Louise.
“O, takot mo lang kina Anna at Mimi?” sarcastic na sabi ni Zoe.
“Ha? Bakit kina Anna at Mimi instead of you, Zoe?” nagtatakang tanong ni Chleo Pep squad member.
“Don’t mind her! Nagbibiro lang s'ya!" inunahan n'ya na ito bago pa s'ya nito maibuko sa lahat na gusto n'ya si James.
“Siya lang yata ang nagbibiro na seryoro, no?” Max joked.
“Tama ka Max,” sang-ayon dito ni Ashley.
“Alam n'yo naman na unique ang founder natin 'di ba?” si Mimi.
“Ha!Ha! Twin, gusto mo ikaw ang sunod na masuspindi?” Si Anna.
“Ayoko, no! Peace tayo ate, ha. Nasaan nga pala si James?” Lilinga-linga sa paligid na tanong ni Mimi.
“May pinagawa sa kanya si Zoe.” Si Maricar ang sumagot.
Napatingin dito si Louise. “Sinadya mo 'yon, no?” bulong n'ya rito.
“Oo. Nandito ka kasi,” sabay ngiti ni Zoe sa kanya.
“I hate you!” Louise said na nagmamaktol.
“I love you too, Louise. Galingan mo, ha? Para ma-impress mo kami sa performance mo,” pa-sweet pa ang pagkakasabi ni Zoe sa kanya.
“Ang sweet mo talaga founder lalo na sa mga kaibigan mo,” puri rito ni Terence.
“Akala n'yo lang 'yon,” pabulong ulit na sabi ni Louise.
“Oo naman! At pinaka-sweet s'ya kay Louise. 'Di ba, Ate Zoe?” pang-asar na banat naman ni Mimi.
“Ha!Ha! Tama!” Si Anna na hindi mapigilan ang mapa-halakhak.
“Hindi pa s'ya kilala ng mga new member 'di ba?” Maricar asked.
“Oo nga pala. New members meet Louise Reyes. The huggable and loveable member of our club. Hrm student s'ya. At sa mga susunod na araw matitikman natin ang mga luto n'ya,” pakilala ni zoe sa kanya.
“Wow! Excited na kami na matikman ang luto mo!” Si Jared ang half Japanese na IT student.
At nagpakilala na rin ang iba pang new member sa kanya.
“Nice to meet you all!” all smile na sabi ni Louise.
“Sayang wala si James. Hindi mo tuloy s'ya nakilala,” parinig sa kanya ni Anna.
Nawala ang smile ni Louise sa narinig.
“Oo nga. Ano ba kasing pinagawa mo sa kanya, Ate Zoe?” tanong dito ni Mimi.
“Pinag-bake n'ya ng meryenda si James para sa ating lahat,” sagot ni Maricar. Alert ang secretary ng org. S'ya lagi ang sumasagot for Zoe.
"Wow! E, 'di pwede namin s'yang tulungan?” kumislap ang mga mata ni Mimi sa idea na iyon.
“Oo nga, no? Good idea, twin!” isa pa itong si Anna.
“Wait! Anong itutulong n'yong dalawa? Eh, hindi naman kayo marunong magluto. Founder, pwede ko ng simulan ang task ko?” naka-ngiting tanong ni Louise rito.
“Ayaw ni James ng may istorbo kapag nagb-bake s'ya. Kaya guys, back off!” pinandilatan ni Zoe ng maliit n'yang mga mata ang mga ito.
“Eh, sabi nga namin, eh. Stay put na lang tayo dito twin,” Si Mimi.
“He…He.. oo nga,” pagsang-ayon dito ni Anna.
“Hmp! Nakakainis naman,” pabulong na lang na sabi ni Louise.
“Okay, lets proceed sa meeting,” Si Maricar, as secretary s'ya ang katulong ni Zoe sa lahat. At si Louise starting that day kailangan n'ya nang iwasan ang paggimik at paggastos.
The question is, kayanin n'ya kaya? Lalo na kung maraming B.I at temptation sa paligid?
“Sorry guys hindi talaga ko pwede, eh. Marami kasi akong project na kailangan tapusin. Next time na lang,” pagdadahilan n'ya sa kausap n'ya sa phone. “Hay… nami-miss ko na sila, ha. Hanggang kailan ko kaya sila matitiis? Hindi ako pwedeng ma-tempt. Kaya ko 'to! Motivation Louise para ito sa prince charming mo,” cheer n'ya sa sarili n'ya. Ini-ignore n'ya na lang ang mga text ng mga nag-aaya sa kanya para 'wag s'yang ma-tempt na sumama sa mga ito. And so far kinakaya pa naman n'ya.
At ang pinakahihintay n'ya ay magaganap na. At ito ay ang makaharap si James.
“Kumpleto na tayo, sis. Pwede na nating simulan ang meeting," Maricar said.
“Nope. You’re wrong Maricar. Kulang pa tayo,” 'di tumitingin dito na sabi ni Zoe.
“Wala pa si Louise,” bulong ni Mimi.
“Oh, no!” nasabi na lang ni Anna.
“Baka naman may valid reason s'ya,” pagtatanggol dito ni Maricar. Nagulat silang lahat ng ngumiti si Zoe.
“Oo. Valid nga ang reason n'ya kaya s'ya late. Kasi inutusan ko s'yang mag-jogging sa quadrangle,” nakangiting sabi ni Zoe.
“Ha!?!” napanganga sila sa sinabi nito.
“Tinutulugan n'ya kasi iyong mga paper works na pinapagawa ko sa kanya. Kaya para magising s'ya pinag-jogging ko s'ya," parang wala lang na paliwanag ni Zoe.
“Good idea, Ate Zoe! Magigising na s'ya mababawasan pa ang mga fats n'ya,” Si Mimi.
“Nagsalita ang walang fats,” asar dito ni Jared.
“Tse! Baby fats lang ang akin, no!” asik dito ni Mimi.
“Hintayin lang natin s'ya sandali, ha.” Zoe.
“Okay, founder.” All in chorus.
“Oh, ayan na pala s'ya, eh.” napatingin silang lahat sa may pintuan ng headquarters ng Angel's Club nang sabihin iyon ni Max.
At nakita nila ang hingal na hingal at pawis na pawis na si Louise. At si Louise naman napahinto sa pagpasok ng makita n'ya si James. Wa, poise! Ang haggard mo! Iyon ang naiimagine n'yang iniisip ng mga kaibigan n'ya ng tumingin s'ya sa mga ito.
“Are you okay?” tanong sa kanya ni Ashley.
“I-I don’t think so,” parang gusto n'ya na lang umalis ulit.
“Bakit hindi ka muna pumunta sa wash room at nagpalit ng damit? Wala ka bang spare uniform?” tanong ni Maricar na sinalubong s'ya sa may pinto.
“Eh, sabi 'nung isa d'yan bawal ma-late, eh,” sabay tingin n'ya nang masama kay Zoe. Na sinuklian naman nito ng isang matamis na ngiti.
“Okay lang 'yan! Cute ka pa rin naman, eh. Maupo ka na,” sabay turo nito sa bakanteng upuan na katabi ni James.
“Oh no!" nasabi na lang ni Louise.
“Wait! You are the clumsy girl, right? Member ka rin dito?” James asked, na mukhang badvibes kay Louise.
“Clumsy girl?!?” nagtatakang tanong ng ibang member.
“K-kasi ilang beses ko na s'yang natatapunan ng kung anu-ano. By the way sorry...” sabay tingin n'ya sa mga kaibigan na para bang humihingi ng saklolo.
Si Mimi at Anna, sabay na umiwas ng tingin at kunwari may ginagawa. Mga bruha talaga! Nasabi n'ya na lang sa isip n'ya.
“Ah... kaya naman pala. Ikaw pala iyong tinutukoy ni James," Si Terence.
“Pagpasensyahan mo na s'ya James. May pagkamali-mali lang talaga iyang si Louise kung minsan,” Si zoe.
Pinagtatanggol n'ya ba ako o sinisiraan?
“Oo nga. Ito towel magpunas ka ng pawis. Ang dugyot mong tignan, oh,” inabutan s'ya ng towel ni Maricar. Isa pa 'to! Ang babait ng mga kaibigan n'ya, no? Well, gantihan lang naman sila actually. Sadyang si Louise lang ang kumokota ngayon.
“Sit down na. Let’s start the meeting na guy’s. By the way she is Louise, James. And please accompany her sa mga dapat gawin para sa pagkain ng club dahil doon ko s'ya ini-assign ngayon," paliwanag dito ni Zoe.
“Okay, founder. I’ll do that," sagot naman ni James.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Louise. Wow! You’re an angel zoe! Biglang nawala sa paningin ko ang mga sungay mo. Bigla s'yang sumaya. Ibig sabihin makakausap at makakasama n'ya si James sa kitchen.
But still hindi pa rin s'ya ligtas sa pagpapahirap ni Zoe.
itutuloy...