"What?! Baka naman pwedeng sa iba mo na lang i-pagawa 'yan. Hinihintay na ako ni James sa kitchen, eh," Louise.
"Wait a minute. First, sabi mo sa'kin lahat gagawin mo at hindi ka magrereklamo. Second, hindi ka naman hinihintay ni James, no! For your information kaya n'yang magluto kahit mag-isa lang s'ya. Feeler lang?" mahaba at pang-asar na litanya ni Zoe.
"Grabe ka talaga sa akin, no?" reklamo ni Louise na hindi na maipinta ang mukha.
"O, sige na nga maaawa na ko sayo. Punta ka na sa kitchen," sabi ni Zoe.
Nagliwanag bigla ang mukha n'ya sa narinig.
"Talaga?"
"In one condition," biglang dagdag ni Zoe.
Nawala bigla ang ngiti ni Louise.
"Ano na naman 'yon?" kinakabahang tanong n'ya.
"Pagluto mo ako ng leche plan," parang batang sabi ni Zoe.
"Ayon lang pala, eh. Fine! Makakaalis na ba ako?" tanong ni Louise.
"Yep! Sarapan mo, ha. Kung hindi you're dead," pagbabanta ni Zoe sa kaibigan.
"Grabe lang, ha. May kasama pang pagbabanta?" Louise said, sabay paikot ng mga mata.
"Sige na umalis ka na bago pa magbago ang isip ko," sabay irap naman dito ni Zoe.
"Talagang aalis na ko, no! Babush!" at mala-flash na nawala s'ya sa harapan ni Zoe. Baka magbago pa ang isip nito mahirap na.
"Sigurado ka ba na may patutunguhan itong ginagawa mo kay Louise?"
Napalingon sa nagsalita si Zoe. And it was Maricar. Kanina pa pala ito nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Oo naman. Kung wala atleast may natutunan s'ya. Kahit lumabas pa kong kontrabida sa kanya," seryosong sagot ni Zoe. "May leche plan tayo bukas." sabay ngiti nito.
"Hay naku. Gamitin ba ang authority mo para d'yan?" Iiling-iling na lang si Maricar.
"Naman! I love sweets, eh. Tapusin na natin 'to. Kawawa naman si Louise kung ipagagawa ko pa sa kanya 'to," Zoe.
"Wow! Awa? May gano'n ka pala, Sis?" pabirong sabi ni Maricar.
"Naman! Gusto mong wala?" tanong ni Zoe sa kaibigan.
"Siyempre ayoko, no! Baka pati ako madamay," biro ulit ni Maricar.
"Ha!Ha! Buti alam mo," natawang sabi ni Zoe.
At sinimulan na nilang asikasuhin ang mga paper works ng org nila.
Meanwhile sa kitchen lab...
"Hay...Grabe ang gwapo n'ya talaga kahit saang anggulo mo tignan," kinikilig na sambit ni Louise habang pinagmamasdan si James na abala sa pagluluto.
"Tatayo ka na lang ba d'yan? Baka gusto mong tumulong?" hindi tumitingin na sabi nito kay Louise. At halos tumalon ang puso n'ya ng marinig ang boses nito.
"A-ahm... O-kay. Pasensya na," lumapit si Louise rito pero bigla s'yang napahinto ng tumingin ito sa kanya.
"Ayoko ng clumsy sa kusina. Lahat ng ingredients mahalaga. Kaya ayoko ng may naaaksaya, maliwanag?" seryoso nitong sabi kay Louise.
"Maliwanag, chef!" pa-cute na sagot naman ni Louise.
"I'm James. Call me in my name, Miss..."
"I'm Louise!" mabilis na sagot ng dalaga.
"Okay. Kumilos ka na." Bumalik na ito sa ginagawa.
Ang suplado n'ya naman! Pero still ang gwapo n'ya pa rin.
"And one more thing."
Nagulat na naman s'ya ng magsalita ito. "A-Ano iyon?" nabubulol na tanong ni Louise.
"Ayoko ng iniistorbo ako kapag may ginagawa ako. Kaya, do your own thing," sabi ni James sa dalaga.
"S-Sige. Ano nga pa lang gagawin ko?" tanong ni Louise.
"Ikaw ang gumawa ng dessert," sagot naman ni James.
"Sige. Ako ng bahala sa dessert." Tumalikod na ulit ito at si Louise nangangarap na pinagmasdan muna ito bago kumilos.
Kung nakakatunaw lang ang tingin kanina pa tunaw si James sa mga titig ni Louise.
Everyday gano'n ang routine nilang dalawa sa kitchen. Walang pakialaman. Mag-uusap lang sila kapag may dapat itanong sa isat-isa.
"Bakit gano'n s'ya? Sa iba ang bait-bait n'ya tapos sa akin ang sungit-sungit n'ya," naka-pout na tanong ni Louise sa mga kasama habang nakatingin kay James na masayang nakikipag-usap sa ibang member ng org.
"Isa lang ang ibig sabihin no'n, ayaw n'ya sayo. Ha!Ha!" sabay halakhak ni Mimi.
"Um! Ang sama mo." Binatukan n'ya ito.
"Aray naman, 'Te! Ang sakit no'n, ha." reklamo ni Mimi habang nakahawak sa ulo niya.
"Baka dahil sa negative impression n'ya sayo noong mga unang pagkikita n'yo," Si Anna.
"Oo nga. Ayaw n'ya sa mga clumsy lalo na sa kusina," dagdag pa ni Maricar.
"O, baka naman masyado kang obvious na may gusto ka sa kanya," Si Zoe na bagong dating.
"Masyado ba akong obvious?" tanong n'ya sa mga kaharap.
"Hindi naman masyado. 'Yung tipong nauutal ka kapag kausap mo s'ya," Anna.
"Tapos halos matunaw s'ya sa titig mo," Mimi.
"At halos himatayin ka kapag tumingin s'ya sayo," dagdag pa ni Maricar.
"Hindi obvious, no?" pang-asar naman na tanong sa kanya ni Zoe.
"Kasi naman, eh! Iba talaga tama ko kay James, eh! Feeling ko siya na talaga." Pumapadyak na sabi ni Louise.
"Parang narinig na namin 'yan dati, ah," Maricar.
"Tama ka, Ate Maricar. Ilang beses na nga, eh," Si Mimi.
"Pero iba na talaga 'to, eh. This time s'ya na talaga," giit ni Louise sa mga kaibigan.
"Did he feel the same way ba? 'Di ba hindi naman? Kaya paano mo nasabi na s'ya na nga?" sarcastic na tanong ni Zoe.
"Alam mo, Zoe? kahit kailan kontrabida ka talaga, no? Suportahan n'yo na lang ako, okay?" Louise.
"Kontrabida your face! Bakit willing ka bang magbago for him?" sopla agad sa kanya ni Zoe.
"Oo naman! 'Di ba sinisimulan ko na nga ngayon?" hindi patatalo na sabi ni Louise.
"The question is mapangatawanan mo kaya?" tanong din ni Anna.
"Oo naman!" Louise.
"Kahit na posibleng masaktan ka lang? You are willing to take the risk?" tanong ni Maricar.
"O-oo," medyo alanganing sagot ni Louise.
"May doubt?" tanong ni Mimi.
"Basta! Gagawin ko ang lahat para mapalapit s'ya sa akin. At tutulungan n'yo ako na mangyari 'yon," eager na sabi ni Louise.
"Nek-nek mo!" Mimi.
"Mangisay ka muna," Zoe.
"Ha!Ha! Ang sama n'yong dalawa," natatawang react ni Anna sa sinabi ng dalawa.
"Mukhang pati sa kanila mahihirapan ka. Kaya dapat ihanda mo ang sarili mo," payo naman ni Maricar.
"Hmp! Ganyan 'yang mga 'yan, eh. Basta ako 'di ako padadala sa inyo," desidido na sabi ni Louise.
"Tignan natin kung hanggang kailan ka tatagal," hamon ni Zoe.
"Ipupusta ko ang cellphone ko?" Anna.
"Twin, ikaw makatagal ng walang cp?" tanong dito ni Mimi.
"Siyempre bibili ako ng spare!" sabay tawa nito.
"Sira ka talaga," natatawa na lang na sabi ni Louise.
Basta kahit ano ang sabihin ng mga baliw n'yang kaibigan para sa kanya si James na ang para sa kanya. Kaya naman ginawa n'ya ang makakaya n'ya para ma-impress ito lalo na in cooking.