"Mukhang nagustuhan ng mga bata ang pagkain na dala natin ngayon, ah," natutuwang sabi ni Jamilla.
"Oo nga. Obvious na nag-enjoy sila," sang-ayon naman ni Terence.
Katatapos lang nila sa outreach activity nila para sa mga bata sa kumbento na iyon.
At kasalukuyan silang nagpapahinga sa hardin ng kumbento.
"At mukhang pati kayo nag-enjoy, eh. Kamuntik ng maubusan sila sister at mother superior, eh," sabi ni Zoe na nakatingin kina Mimi.
"Uy! Ate Zoe, bakit sa akin ka nakatingin? Tinirahan kaya kita," depensa agad ni Mimi.
"Tinirahan n'yo ko ng lagay na 'yon, ha. 'Di umabot sa bituka ko, eh," reklamo ni Zoe.
"Ha!Ha! Lagot kayo kay founder. Ang takaw mo kasi Mimi, eh," sabi naman ni Jared na obviously favorite asarin si Mimi.
"Manyabang nito, ah! Ako na naman nakita mo!" asik ni Mimi sa binata.
"Naku! baka kayo magkatuluyan n'yan, ha," pabirong sabi ni Ashley.
"Naku! Wag naman. Baka maubos ang kayamanan ko sa takaw n'yan ni Mimi," biro pa ni Jared.
"As if namang papatol ako sayo, no!" nakasimangot na sabi dito ni Mimi.
"Tama na yan baka mag-kainlaban pa kayo n'yan este magkapikunan pala," pabiro rin na saway ni Maricar sa dalawa.
"Job well done ulit guys. Salamat sa masarap na pagkain, James," baling ni Zoe dito.
"Don't thank me founder. Hindi ako ang nagluto ng mga 'yon," naka-smile na sabi nito.
At ang reaksyon ng lahat...
"Hindi ikaw!?! E, sino?"
"It's Louise," sabay tingin nito kay Louise.
"Si Louise ang nagluto?!?"
"Teka nga bakit hindi kayo naniniwala na ako ang nagluto, ha?" kunot ang noong tanong sa lahat ni Louise.
"Siya ang nagluto. Kasi na-sprain ang kamay ko kaya hindi ako makakapagluto. Kaya nagprisinta s'ya na s'ya na lang daw," paliwanag pa ni James.
"Ah...Gano'n naman pala, eh," napapatangong sabi ni Max.
"Infairness kasing sarap ng luto ni James ang luto mo, ha," komento naman ni Shaira.
"Oo nga. Bagay ka nga sa assignment mo sa org," dagdag pa ni Ian.
"Salamat sa pag-appreciate n'yo guys," nahihiyang sabi ni Louise. Sa totoo lang naiilang s'ya.
"E, 'di may kapartner na pala sa kitchen si James," sabi ni Terence.
Eeeee!!!!!!!! I love that idea terence.
"'Wag masyadong kiligin. Baka maihi ka na n'yan. Konti lang okay? Magtira ka para bukas," bulong sa kanya ni Zoe.
"Tse! Kontrabida ka talaga!" bulong din dito ni Louise.
"Don't worry guys mukhang matagal pa namang ma-a-assign sa kitchen si Louise, eh," sabi ni Maricar.
"Tama! 'Di ba, Ate Zoe?" sabay senyas ni Anna kay Zoe.
"Pag-iisipan ko pa kung saan ko s'ya i-a-assign after ng punishment n'ya," nakangiting sabi ni Zoe.
No way! 'Wag mo kong ilalayo kay James ko!!!!!!
Sigaw ni Louise sa isip n'ya.
Kailangan n'ya yata ng mataimtim na dasal.
"For now let's go home na. Salamat ulit sa cooperation guys," Zoe.
"You're welcome founder," Si Jamilla.
Nang nasa parking lot na sila...
"Sumabay na kayo kay Jared para hindi na kayo magcommute," suggestion ni Max.
"Oo nga. Jared, sa kotse na ni Ian kami sasakay," Si Shaira.
"Iyon 'yon, eh. Hindi na tayo mahihirapang magcommute," Tuwang-tuwang sabi ni Mimi.
"Pumayag na ba ko na kasama ka? Baka ma-flat ang gulong ng kotse ko sayo, eh." Hinarangan nito si Mimi.
"What!?! Anong sinabi mo, ha!" asar na sabi ni mimi.
Natatawa na lang ang lahat sa dalawa.
"Baka type mo si Mimi kaya ginaganyan mo s'ya Jared," tukso ni Louise sa kanila.
"Ah! Gusto mong tuksuhin din kita?" banta sa kanya ni Mimi.
"Sabi ko nga umuwi na tayo, eh. Tigilan mo na s'ya, Jared," pasakay na rin ng kotse si Louise pero may pumigil din sa kanya.
"Kapag dalawa kayo ni Mimi na sumakay sa kotse ni Jared baka talagang maflat tire na s'ya," sabi ni Zoe na pumigil sa dalaga sa pagsakay sa kotse ni Jared.
"Ano!?!" duet nina Mimi at Louise.
Napalakas na tuloy ang tawa ng lahat.
"Ang sweet n'yo talagang maglambingan," naiiling na lang na sabi ni Ian.
"Oo nga. Kawawa naman 'yang dalawa," natatawang sabi ni Shaira.
"Okay lang 'yan. Sanay na 'yang dalawang 'yan," Si Maricar.
"Ha!Ha! Hindi lang halata. Bye, guys!" nauna ng pumasok sa kotse si Anna.
Nakakainis pati si James tumawa. Ang sama mo talaga Zoe.
Mina-murder na ni Louise sa isip n'ya si Zoe.
"Mauna na nga kami sa inyo. Ingat sa pagmamaneho, Jared," bilin dito ni Terence bago sumakay na rin ng kotse n'ya.
Nagpaalam na rin ang iba pa. At ang paalis na si James..
"James, wait! Pwede mo bang isabay si Louise?" Napanganga ang mga kaibigan n'ya sa sinabi ni Zoe.
"Uy! Kasya pa naman tayo, ah," kinakabahang sabi ni Louise.
"Ayokong masiksik pagod ako, eh. Tsaka tatlo na kami, oh. Doon ka na umangkas sa motor ni James." Pinagtulakan na s'ya ni Zoe.
"Oo nga naman. 'Wag ka nang makipagsiksikan sa amin dito." Sumakay na rin si Maricar.
"Uy! Mimi! Doon ka sa unahan kaming mga slim dito sa back seat," taboy rin dito ni Zoe.
"Ayoko ngang makatabi 'yang mayabang na 'yan, no!" reklamo nito.
"E, 'di maiwan ka na lang," Si Jared.
"Sabi ko nga sasakay na, eh," sabay irap nito kay Jared.
"Ang taray, ah. Let's go, Jared. Bye, Louise! James, ingat, ha." Sumakay na rin ng kotse si Zoe.
"Uy! 'Wag n'yo kong iwan!" Habol sa kanila ni Louise.
"Bye, Louise and James!" saka pinahururot na ni Jared ang kotse n'ya.
"Hoy! Sandali! Tama bang iwan nila ko?" Louise.
"Sakay na,"
Halos tumalon ang puso n'ya sa gulat ng tumabi sa kanya si James na nakasakay na sa motor nito.
"H- Ha!?"
"Aangkas ka ba sa'kin o gusto mong mag-commute mag-isa?" tanong nito.
"A-Aangkas! Kaya lang kaya mo bang mag-drive? 'Di ba na-sprain ang kamay mo?" nag-aalala n'yang tanong dito.
"Medyo okay na ang kamay ko. Kaya ko ng magmaneho. Salamat sa pagmasahe mo sa kamay ko kanina." Seryoso pero sincere na sabi nito.
"W-Wala 'yon." Kinakabahan pa rin na sabi ni Louise na todo ang kilig.
Nagpasalamat s'ya sa akin!!!! Eh, nag-enjoy nga ako sa paghawak sa malambot n'yang kamay. S'ya pa nagpasalamat. Dapat ako, eh.
Lumipad na naman ang utak n'ya.
"Sakay na." untag ni James sa dalaga.
"Ha!? O-Okay." Umangkas na s'ya sa motor nito.
"Kumapit ka."
"S-Sige." Ang lakas ng kabog ng dibdib n'ya lalo ng kumapit s'ya sa balikat ni James. Oh my! Heaven ito!
Pinaandar na ni James ang motor n'ya.
Wala s'yang kamalay-malay na pinagnanasahan s'ya ng kaangkas n'ya.
At ilang araw na hindi maka-move on sa pangyayari ng araw na iyon si Louise.