"Aaahhhh!!! Rinding-rindi na ko sayo! Isa pang kwento mo about that, ililitson na talaga kita!" bwisit na bwisit na sigaw ni Zoe kay Louise.
"Ayan ginagalit mo na naman si Ate Zoe," napatakip sa tengang sabi ni Anna.
"Ang sungit mo naman para kwine-kwento ko lang 'yung kilig moment ko with James, eh," naka-pout na sabi ni Louise na animo nagtatampo.
"Eh, paano naman kasi ilang beses mo na 'yan inulit-ulit i-kwento, no," Si Maricar.
"Oo nga. Noong isang linggo pa 'yan nangyari, no! Nabingi tuloy kami sa sigaw ni Ate Zoe," reklamo rin ni Mimi.
"Oo na po! Hindi ko na iku-kwento sa inyo. Pero kinikilig pa rin kasi ako until now, eh," nangingiti pa n'yang inaalala ang mga moment na iyon with James.
Naiikot na lang ng mga kasama n'ya ang mga mata nila.
"So, what now? Close na ba kayo ni James?" tanong ni Anna.
"Siguro naman, no! Halos araw-araw silang magkasama sa kitchen lab, eh," Si Mimi.
"Well, hindi ko masasabi na close na kami. Pero atleast kinakausap n'ya na ako ngayon at hindi n'ya na ako sinusungitan," nakangiting sabi ni Louise.
"At mukhang nag-eenjoy ka na rin sa parusa sayo ni Zoe," Si Maricar.
"Balak ko ngang hindi na baguhin 'yung mga task n'ya sa org, eh,"
Nanlaki ang mga mata ni Louise sa sinabi ni Zoe.
"Uy!'Wag naman! Maawa ka naman sa'kin. Hirap na hirap na ko, no! Kinakaya ko lang para kay James," Louise.
"Remember hindi mo nagawa iyong proposal plan para sa fundraising event? At bilang kapalit extended ang parusa mo," Zoe said with evil smile.
"Wahaha! Kawawang Louise," pang-aasar ni Mimi sa kanya.
"Sabi ko nga, eh," wala na s'yang palag.
"E, 'di wala pa pala tayong gagawin para sa fundraising event?" tanong ni Anna.
"Oo. Pwede rin na wag na tayong magfundraising," Zoe.
"'Wag na? paano iyong pondo sa mga event at project natin, Sis?" nagtatakang tanong ni Maricar kay Zoe.
"Ibigay n'yo na lang ang mga allowance n'yo tapos ibenta natin iyong kotse nina Jared at Ian," nakangiting sagot ni Zoe.
"Naku! Naloloka ka na naman Ate Zoe," Iiling-iling na sabi ni Louise.
"Kung may baliw rito hindi ako. Ikaw, no!" bwelta ni Zoe.
"Tama! Baliw kay James,"sabay tawa ni Anna.
"Aminado naman ako, no!" Louise.
"Ha!Ha! Malala ka na, 'Te," tawa rin ni Mimi.
"Seriously, anong balak mo?" tanong ulit ni Maricar kay Zoe.
"Wala akong maisip, eh. Kaya kayo na lang ang mag-isip, okay?" nakangiti nitong sabi sa tatlo.
"Langya 'yan pahihirapan mo na naman kami, eh," reklamo agad ni Louise.
"So, nagrereklamo ka? Gusto mong ilipat kita sa paper works ng org instead na sa kitchen?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Zoe.
"Sabi ko nga yakang-yaka naming mag-isip, eh. Diba guys?" baling ni Louise sa tatlo.
"Ha? Anong natin? Damay mo pa kami. Kayang-kaya mo na 'yon!" Anna.
"Tama si Anna. Kaya mo na 'yon," sakay naman ni Maricar sa sinabi ni Anna.
"Ang sama n'yo talaga sa'kin!" maktol ni Louise.
"Uy!No exception. I-announce n'yo sa lahat na mag-isip din sila ng proposal para sa fundraising event," Si Zoe.
"Iyon naman pala, eh. Akala ko naman tayo lang ang magb-brainstorming sa pag-iisip, eh," na-relieve na sabi ni Louise.
"Announce mo na, Bhest," baling ni Anna kay Maricar.
"Ako naman ngayon ang pinagtutulakan n'yo," reklamo naman ni Maricar.
"Do it, Sis. For sure naman kapag si Louise ang inutusan mo mauutal 'yan sa kaba dahil kay James. Kapag si Mimi naman puro kalokohan kaya baka hindi nila paniwalaan. At kapag si Anna baka hindi makapag-concentrate ang boys," mahabang litanya ni Zoe saka umalis.
"Ha!Ha! May point si Ate Zoe. Kaya bhest, aja!" cheer pa ni Anna for Maricar.
"Pero sama kami siyempre para makasilay," Si Mimi.
"Sisilay ka kay Jared?" pang-asar na tanong ni Louise kay Mimi.
"Mukha mo! Kay papa James kami sisilay, no!" ganti nito.
"Akin 'yon, eh!" Napapadyak na react ni Louise.
"Hindi mo s'ya pag-aari, no! Kaya share tayo. Ha!Ha!" sabay tawa ni Anna.
"Mga sira talaga kayo. Tayo na nga! Baka malagot tayo roon sa founder nating..." ibinitin ni Maricar ang huling sasabihin.
"May sungay?" sabay-sabay na sabi ng tatlo sabay tawa.
"Kayo may sabi n'yan hindi ako, ha. Kapag nalaman n'ya 'yan lagot kayo," pananakot ni Maricar sa tatlo.
"Joke lang 'yon siyempre love natin iyon, eh," sabay bawi ni Anna.
"At takot lang nating magka-punishment," dagdag pa ni Mimi.
"Si Louise lang naman ang hindi takot maparusahan, eh," sabi naman ni Maricar.
"Hindi na ngayon, no! Takot ko lang malayo kay James," mabilis na sabi ni Louise.
"Ilang linggo ka ng hindi gumigimik, ah. Hanggang kailan ka kaya makakatiis," Si Anna.
"Siyempre si James ang motivation ko, eh," kinikilig pa na sabi ni Louise.
"Sus! Hindi ka rin makakatiis!" Mimi.
"Wag ka nga, Mimi!" asik dito ni Louise.
"Tayo na nga," aya ni Maricar sa tatlo.
Makatanggi pa nga kaya sa temptation si Louise?
Ilang araw ng nagbi-brainstorming ang org nila para sa fundraising event nila para sa project this year. And sadly, wala pang pumapasa sa proposal na pinapasa nila sa founder nilang si Zoe.
"Hay... grabe talaga! Malapit na akong masiraan ng bait. Anong kakaibang pakulo ba ang gusto n'ya? Ang dami na naming pinasa sa kanya pero wala pa rin s'yang nagugustuhan! Sumasabay pa s'ya sa dami ng projects at quizzes. Plus malapit na din ang midterm exams," napasabunot na lang si Louise sa sarili dahil sa frustration.
Super stress na s'ya dagdag pa ang mga issue sa bahay nila. Kaya naman bumigay na s'ya sa temptation.
"Ngayon na lang naman ako ulit sasama sa kanila. Tsaka 'di naman ako magtatagal para hindi nila malaman." Ready to go na s'ya sa paggimik.
Some one texted her para gumimik at go naman s'ya kaagad para makapag-release ng stress.
At nasundan pa ng ilang beses ang paggimik ulit ni Louise.
Noong una nama-manage n'ya pa ang time n'ya at energy. Kaya hindi nahahalata ng mga kaibigan n'ya.
Pero isang kapalpakan ang magpapahamak sa kanya.
"Sorry guys tinanghali ako ng gising pinuyat kasi ako ng pamangkin ko, eh," Alibi ni Louise nang late na s'yang dumating sa assembly ng org.
"You're dead now, Louise," bulong sa kanya ni Anna.
Kaya bigla s'yang kinabahan.
"Get ready sa pagsabog ni Ate Zoe," dagdag pa ni Mimi.
Lalo s'yang kinabahan.
My gawd! Anong ginawa ko?
Nasabi na lang sa isip n'ya ni Louise.
"Maricar, show the pictures," seryoso ang expression na utos ni Zoe.
"Yes, founder." May hinanap sa computer si Maricar at ipinakita sa screen ng projector.
Ano bang meron? Bakit ganito ang mga tao dito ngayon? Strange.
Kausap pa rin ni Louise sa sarili.
Seryoso kasi ang lahat walang nagbibiro.
At ang ekspresyon ng mukha ni Zoe na kinatatakutan n'ya. Ito iyon, eh.
At yung picture na sinasabi nito...
"What?!?" nanlaki ang mga mata ni Louise sa nakita sa screen. Picture ko 'yan, eh. Sa bar lang naman. "T-teka saan galing ang mga 'yan?" kabado n'yang tanong.
"You betray us. You cheated on our deal," seryoso pa rin si Zoe pero hindi sumisigaw.
At 'yung ibang member including Maricar, Anna and Mimi tahimik lang silang lahat. Walang nagsasalita.
"P-pwedeng mag-explain?" nauutal na sabi ni Louise.
"Explain what Louise? Those pictures are enough evidence," Si Zoe ulit.
"P-Pero hindi ko alam 'yan. Saan n'yo ba nakuha 'yan?" gusto n'ya ng maglaho sa mga oras na iyon. Buking na kasi s'ya.
"Bukas-bukas din kasi ng sss account," Si Mimi.
"You mean sa sss ko 'yan galing?" nagtatakang tanong ni Louise.
"Show her, Maricar," utos ni Zoe rito.
"Okay." And secretary Maricar show her the sss account of her lang naman.
She's dead na talaga. May nag-tag sa kanya ng mga pictures nila sa bar kagabi.
"Mukhang nag-enjoy ka kagabi. Hindi mo man lang kami inaya," biro ni Anna.
"He...He...Sorry..." 'yon lang ang nasabi ni Louise.
"I don't want to show this sa ibang member para hindi ka mapahiya. Kaya lang naisip ko, they have the right to know para alam nila kung bakit ka mawawala sa org," hindi lang s'ya ang nagulat sa sinabi ni Zoe.
Kitang-kita n'ya rin ang pagkagulat sa mukha nang iba pa na member ng org.
"Okay lang kasi kung isang beses mo lang na niloko si Zoe. Kaya lang nalaman namin na ilang beses ka nang gumimik. Hindi lang namin nahalata," malungkot na sabi ni Maricar.
"Sorry talaga. Stress lang kasi ako this past few days dahil sa midterm and etc. Alam n'yo naman na iyong paggimik ang outlet ko para makapag-release ng stress 'di ba?" nakayukong sabi ni Louise.
"And do you think enough reason iyon to betray me? May deal tayo Louise. Pinagbigyan na kita noong hindi mo nagawa iyong proposal.'Yung paper works hindi ko na inasa sayo kahit kasama iyon sa punishment. Kasi na-realize ko that's too much. Deal is a deal, Louise. You disappoint us. Kasi akala namin you're okay na. Akala namin hindi ka na babalik sa dati. Pero tignan mo late ka na naman ngayon. At ang mas masakit nagsinungaling ka sa amin. Niloko mo ako. And I guess, hindi ko dapat ipagkatiwala iyong fundraising event sayo. And I guess, wala na kong magagawa kundi i-terminate ka." Zoe.
Napa-angat ng tingin ang lahat at tulad ni Louise shock din sila.
"Z-zoe..." Louise.
"Change for the better, Louise. Sa ibang org ka na lang sumali dahil hindi ko i-to-tolerate sa org ko ang misbehaviour ng isang member. Maricar, proceed." Saka umalis si Zoe.
"Louise, hindi kami galit sayo. Naiintindihan ka namin. Pero alam mo naman ang rules ng org 'di ba?" console ni Maricar sa kanya.
"And besides you know Zoe very well dahil kaibigan ninyo s'ya. You disappoint her," Si Jamilla.
Naiiyak na si Louise pero pinipigilan lang n'ya.
"Ikaw naman kasi, 'Te! Hindi ka nag-iingat ayan nahuli ka tuloy. Si Ate Zoe pa ang unang nakakita no'ng pictures na 'yon," Si Mimi.
"Okay lang 'yan! Gimik na lang tayo gusto mo? Ha!Ha!" sabay tawa ni Anna. She's trying na pagaanin ang atmosphere sa headquarters.
"Lukaret!" natatawang react ni Maricar.
"Wiw! Ngayon ko lang nakita si Zoe na gano'n, ah," Si Max.
"Oo nga, eh. Nakakatakot. Paano na ngayon 'yan? Sino na ang maghahandle sa fundraising event?" tanong ni Shaira.
"Oo nga. Tsaka paano 'yan terminated ka na, Louise? Magbabago pa ba ang isip no'n ni ate founder?" worried din na tanong ni Jared.
"I don't think so. Binigyan na n'ya ng chance si Louise, eh," Si Anna.
"Maybe we can change her mind?" Si Terence.
"Malabo 'yon. Hindi s'ya nagtaas ng boses ibig sabihin puno na s'ya," Si Maricar.
"Excuse me, Secretary. I have to go," pagkasabi no'n ay umalis na si James.
"Saan naman kaya pupunta 'yon?" nagtatakang tanong ni Ian.
At nagulat silang lahat ng biglang umiyak ng malakas si Louise.
"Hala! Naano ka,'Te?" exagge na react ni Mimi.
"Nakakainis! Nakakahiya ako! Ginalit ko na naman si Zoe. Mas gusto ko pa na sigawan n'ya ko kesa gano'n s'ya, eh. Kasi ibig sabihin no'n sobrang na-dissapoint ko s'ya. Anong gagawin ko ngayon?" nasabi n'ya 'yon habang umaatunggal s'ya ng iyak.
"Ang cute mo namang umiyak, Ate Louise," nakangiting sabi ni Jared.
"Anong cute ro'n? Parang kinakatay na biik," walang prenong sabi ni Mimi.
"Mimi!" sita dito ni Maricar.
"Ay, Sorry naman, 'Te. Joke lang, ha. Baka lalo kang umiyak, eh," sabay hug ni Mimi kay Louise.
"'Wag ka ng umiyak baka bumaha dito ng luha mo. Hayaan na lang muna natin na lumamig ang init ng ulo no'n ni Ate Zoe," pagc-comfort naman dito ni Anna.
"Oo nga. It's either pahirapan ka ulit n'ya o paglutuin ka n'ya ng fave dessert n'ya," dagdag pa ni Mimi.
Tumahan naman si Louise.
Pero, no where to be found ang drama ni Zoe.
Kaya kahit gusto n'ya itong makausap ng sila lang wala s'yang magagawa kundi hintayin ang right timing.
Terminated na nga ba s'ya sa Angel's Club for good?
Paano na sila ng prince charming n'ya?
Kung kailan nagiging close na sila saka pa s'ya mawawala sa org.
Pero may ikakagulat sila.