CECIL Hindi na kami pumasok ni Jonas kinabukasan dahil mag-aattend kami sa kasal nina Kuya Apollo at Althea. Ginising ko ng maaga si Jonas para yayain siyang pumunta sa unit ng kuya niya. Gusto ko sanang dalawin muna si Althea bago ang kasal para kamustahin ang kalagayan niya. “Tanghali pa naman sila pupunta sa venue kaya dadalawin ko muna at kakamustahin,” paliwanag ko kay Jonas nang tanungin niya kung bakit gusto kong pumunta sa unit ni Kuya Apollo. Bumangon siya at tumango kahit inaantok pa kaya ngumiti ako at dinampian ng halik ang mga labi niya. Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo. “Dahil masunurin kang boyfriend,” nakangising paliwanag ko. Kinagat niya ang ibabang labi at saka hinila ang braso ko para paupuin sa kandungan niya. Nakiliti ako nang halikan niya ang leeg ko.

