CECIL Galit na galit ang Daddy ni Althea sa nangyari pero nang nalaman na si Kuya Apollo ang nakabuntis sa anak niya ay wala na itong nagawa kung hindi ang pumayag na ipakasal ang anak nito. Bukas ng gabi na agad ang kasal nila at private wedding ang mangyayari sa isa sa mga properties ng mga Cordova. Hawak ni Jonas ang kamay ko nang pumasok kami sa opisina kaya nagtatanong ang tingin ng mga ka-team ko. “K-kami na ulit!” Mariin pero mahinang sambit ko kay Thea pero hindi niya napigilan ang kilig! “Kayo na ulit?! Oh, my God! Congratulations, Bossing! Sana may team dinner ulit!” Nagtawanan sina Alex at Kuya Chito nang nangantyaw si Thea. Si Jonas ay hindi man lang nagdalawang isip na pumayag sa pangangantyaw nila! Nakangising tiningnan niya ako kaya nag-init ang mga pisngi at binawi ang

