CECIL Tahimik na tahimik si Jonas habang nasa byahe kami pauwi. Nagkataon pa na naipit kami sa traffic kaya sobrang awkward sa loob ng sasakyan niya! Tumikhim ako at saka kinuha ang phone ko para abalahin ang sarili. Mukhang wala rin naman siyang balak na makipag usap sa akin kaya mabuti pang mag focus na lang ako sa cellphone ko kesa naman ma-bored ako dito! Nang sa wakas ay lumuwag ang kalsada ay nagpatuloy sa pagmamaneho si Jonas. Nag focus ako sa social media ko at agad na nakita sa newsfeed ko ang post ng isa sa mga naging ex-boyfriend ko. Kasama niya sa picture sina Kross, Jonas at Orla! Nanliit ang mga mata ko at saka napatingin sa gawi ni Jonas na busy sa pagmamaneho. Mukhang latest lang ang picture pero ayaw kong kausapin siya kaya binasa ko na lang ang nakasulat sa caption ng

