CECIL Jonas was so upset, he didn’t try talking to me again after what happened in the detention room! Ito na yata ang pinakamatagal namin na naging tampuhan pero masasabi ko na sobrang satisfying ang makita siyang naiirita noong pinili kong sumabay kay Kross pauwi kesa sa kanya! Sinong hindi maiinis na hindi ako sumabay sa kanya kung bike ang sasakyan ni Kross samantalang kay Jonas ay kotse! Sa sobrang inis ko sa kanya noong araw na yon ay mas pinili ko pang umangkas sa bike ni Kross kesa ang maging komportable sa loob ng sasakyan niya! Mag-iisang linggo na yata na hindi kami nag-uusap ng kaming dalawa lang. Kapag sa school ay kinakausap niya lang ako kung kailangan at mukhang napipilitan pa! “Jonas, dumaan ka daw sa opisina ni Sir Roque sa Admin Building mamaya bago ka umuwi.” May p

