CECIL “Jo! Wait lang!” Sumusubok akong habulin si Jonas pero masyado siyang matangkad kaya malalaki rin ang mga hakbang niya. Mabilis din siyang maglakad kaya halos tumakbo na ako para lang maabutan siya! “Jo!” Sadyang binilisan ko ang takbo para mauna ako sa kanya. Humarang agad ako sa harapan niya at saka pinigilan ang dibdib niya. Humihingal na tiningala ko siya at nakita ang seryosong seryoso niyang mga mata na nakatingin sa akin. “Magpapaliwanag ako,” agad na sambit ko matapos mahabol ang hininga. Hindi siya nagsalita pero hindi naman sumubok na mag walkout ulit kaya nagsimula akong magpaliwanag. “Marion was trying to insult Kross back there,” simula ko. “I was just trying to comfort him. Nung nagbreak kami ni Marion ay nandoon din siya. And somehow, what Kross said that day gave

