CECIL Kasalukuyang nasa paborito ni Jonas na men’s salon kami at excited na excited ako habang naghihintay na matapos gupitan si Kross. I always like Jonas’ style! At dito siya palaging nagpapagupit kaya siguradong maganda ang magiging kakalabasan sa gagawin nila sa buhok ni Kross! Magagaling ang mga stylist nila dito at karamihan sa mga clients nila ay mga model at mga artista! “Don’t you think you are looking at him too often?” Napalingon ako nang narinig ang reklamo ni Jonas. Tumawa ako dahil salubong na naman ang mga kilay niya habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin. “Ano ka ba, Jo? Excited lang ako sa kakalabasan ng gagawin nila kay Kross! Alam mo naman na palagi kong nagugustuhan ang gupit mo!” Nakangising paliwanag ko pero mas lalo lang nagsalubong ang mga kilay niya at bum

