CECIL “Ano nang balak mo ngayon?” Dahil nandito kami ngayon sa hospital para magbantay kay Aunty Suzy ay hindi tuloy ako makatulog kaya kinausap ko na lang ng kinausap si Kross. “Balak saan?” tanong niya nang lingunin ako. “Yung tungkol sa arranged marriage ninyo ni Orla,” sagot ko. “Ngayong nalaman na natin ang totoo, hindi ka na pipilitin ni Aunty Suzy na gawin ang hindi mo gusto. Tsaka siguradong hindi siya papayag na gamitin ka pa nina Mommy at Daddy,” pagpapatuloy ko. Tumahimik siya at mukhang hindi alam kung paanong sasagutin ang tanong ko. “‘Wag mo nang sagutin kung ayaw mo,” agad na bawi ko at saka nagkibit balikat at tumitig sa kisame. “Kung tatalikuran ko yung arrange marriage, si Orla naman ang mamomoroblema sa Daddy niya.” Kumunot ang noo ko at muling nilingon siya. “Do

