CECIL Kinakabahan ako habang inilalapit ni Jonas ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung seryoso siya sa gagawing pagpapatulog sa akin dito! Paano naman sina Orla at Kross?! Malapit na malapit na ang mukha ni Jonas pero agad na iniwas ko ang mukha ko. Kumunot ang noo niya at muling inilapit ang mukha sa akin pero iniwas ko ulit! “Jonas—” “Isang kiss lang,” sambit niya at muling inilapit ang mukha sa akin. Hahayaan ko na sana siyang halikan ako pero napatigil siya sa gagawing paghalik dahil sa sunod-sunod at malakas na katok sa pinto! Nakatinginan kaming dalawa. “Don't mind that,” sambit niya at muling inilapit ang mukha sa akin pero mas lumakas ang katok kaya nakakagulat! “Jonas, baka si Kross na yan,” sambit ko at saka bahagyang tinulak ang dibdib niya. Baka isipin ni Kross ay k

