CECIL Isang oras na ang lumipas simula noong umalis si Jonas dito sa opisina pero hindi pa rin siya bumabalik kaya tumayo na ako para tingnan si Sir Rick sa department nila! “Nag-OB?” Kunot noong tanong ko sa isang ka-department ni Sir Rick na nagsabi na nakalagay daw sa employee log nito na naka-out na ito kahit na sobrang aga pa! “Saan po pumunta?” Usisa ko pa. “Hindi ko alam kung saan. Kapag Official Business ang remarks sa log book, nakadepende yan sa project na hawak ng engineer,” sagot nito. Tumango lang ako at saka bumalik na sa opisina. Napasinghap ako nang nandoon na ulit si Jonas at prenteng nakaupo na sa pwesto niya! “Ayan na pala si Cecil, Bossing!” Sabay-sabay silang napatingin sa akin nang pumasok ako. Nag-angat ng tingin sa akin si Jonas at kunot noong nagtanong. “Wher

