CECIL Tapos na kaming kumain ni Jonas nang bumalik sina Kross at Orla dito sa loob at mukhang tapos na silang mag-usap. Sinundan ko sila ng tingin at agad na nag-usisa dahil pareho silang tahimik at mukhang wala na namang may balak na magkusa na magkwento! “Anong napag-usapan ninyong dalawa?” “Cecil and I are getting back together…” Sabay pa kaming nagsalita ni Jonas kaya hindi makapaniwala na napatingin ako sa kanya! “Anong sinasabi mo dyan?” Tinaasan ko siya ng kilay pero tumaas lang din ang kilay niya! “Gusto ko lang malaman nila para wala nang kumakatok sa pinto ng kwarto kapag naka-locked na!” Mariin na mariin na sambit niya habang nakatingin ng diretso kay Kross! Parang gusto ko nang mapasapo sa noo dahil sa ginagawa niya! Wala talagang hiya sa katawan si Jonas kahit kailan!

