CECIL Hindi natuloy ang lakad namin ni Kross dahil tumawag siya sa akin at sinabing naghanda ng dinner si Mommy dahil sa pagbabalik niya galing sa training. Syempre ay dapat na unahin niya yon dahil ineexpect na ang pag-uwi niya dito sa Pilipinas. “Parang ako yung kinakabahan dahil dyan sa dinner na hinanda ni Mommy para sayo, Kross.” Pigil na pigil ko ang ngisi nang narinig ko ang pagtutol niya sa kabilang linya. “Cecil, tumigil ka sa pagsasalita ng ganyan. Don't you know how powerful words are?” Hindi ko na napigilan na tumawa. Kahit na sa phone ko lang siya kausap ay naiimagine ko ang kaba niya dahil sa mga sinasabi ko! “Come to think of it, Kross…” Pagpapatuloy ko. “23 ka na pero wala pa ring ginagawa sila Mommy—” “Goddammit, Cecil! Stop! Alam ko na kung anong sasabihin mo.” Ma

