CECIL Kahit na nakakapagod ay walang mapaglagyan ang saya ko nang natapos ang isang linggo na bakasyon namin sa Romblon. Nagkasundo pa kaming apat na babalik pa sa Cresta De Gallo. Pero kaming dalawa ni Jonas ay may sarili ng plano para sa pagbalik sa Romblon. Ngiting-ngiti ako kahit na kulang na kulang ang tulog ko sa haba ng biyahe namin pabalik sa Manila. Sa tuwing nakikita ko ang engagement ring na binigay sa akin ni Jonas ay automatic na napapangiti ako. The happiness I am feeling right now feels surreal. Yung tipo ng saya na nakakatakot at nakakakaba dahil may kung ano sa isip mo na bigla ka na lang mapapaisip na baka ito na ang huling beses na magiging masaya ka ng lubos. Siguro ay dahil masyadong komplikado ang relasyon ko sa mga magulang ko kaya hindi ko pa nararanasan ang gan

