CECIL Parehong tahimik sina Kross at Jonas habang itinatayo ang mga tent na gagamitin namin. Nagkatinginan kami ni Orla at pasimpleng nagsisihan dahil sa nangyari. “Kung hindi ka pumayag sa invitation nung dalawa ay hindi naman ako papayag na maglaro ng volleyball!” Nakairap na paninisi ko sa kanya. Nandito kami sa beach kiosk na katamtaman lang ang laki na kasama sa nirentahan ni Jonas. Nauna itong itayo kaya dito kami pumwesto ni Orla dahil ayaw naming maka istorbo sa ginagawa ng dalawa. Hindi siya pinapansin ni Kross at ako naman ay pinapansin ni Jonas pero sobrang obvious ang pagsusungit dahil nagselos sa mga kaibigan ni Kuya Apollo! “So, you are blaming me now, huh?” Nakataas ang kilay na sambit niya habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko rin siya ng kilay. “Sino pa bang dapat na

