Nakakatakot Magselos

2212 Words

CECIL Alas tres pa lang ng umaga ay nakahanda na kaming umalis sa hotel para sumakay sa ferry. Maaga kaming natulog kagabi para hindi mapuyat dahil hindi gano’n kadali ang pumunta sa Cresta De Gallo. Mahaba-haba ang biyahe papunta doon at ilang transfer ang kailangan para makarating sa isla. Bago kami matulog ay sinabi sa akin ni Jonas kung gaano ka-komplikado ang pumunta sa isla na gusto kong puntahan. Akala siguro niya ay magrereklamo ako. Syempre ay kahit gusto kong magreklamo ay wala naman akong magagawa dahil ako ang nakaisip na pumunta kami sa Cresta De Gallo! Bumuntonghininga si Jonas kaya napatingin ako sa kanya at bumagal sa pag nguya. Nakasakay na kami sa ferry nang nakaramdam ako ng gutom kaya kinain ko ang binili niyang steamed buns. “Why do you like steamed buns so much wh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD