CECIL “There is no choice to be made. It’s always Jonas…” Habang pauwi sa bahay ay parang mababaliw ako sa kakaisip sa mga pinagsasabi ko kay Marion! “Bakit ko ba kailangang sabihin yon sa kanya?” Halos sabunutan ko na ang sarili ko. Tama naman ang sinabi ko na kung papapiliin niya ako ay si Jonas talaga ang pipiliin ko. Pero bakit ba kailangan ko pang ipamukha sa kanya ang bagay na yon? We are together, for f**k’s sake! Boyfriend ko siya! Ano na lang ang iisipin niya dahil sa sinabi ko? Na boyfriend ko na siya pero si Jonas pa rin ang pipiliin ko kung sakaling papiliin niya ako?! “Do you really have to rub the truth in his face, Cecil? Nasisiraan ka na ba ng bait?!” Puro sermon ang inabot ng sarili ko sa akin hanggang sa nakauwi ako sa bahay. Dire-diretso ako sa kwarto at saka naisi

