JONAS Kanina pa ako tingin nang tingin sa wristwatch na suot ko. I am already in front of Cecil’s house. Sinadya kong ‘wag magdala ng sasakyan ngayon dahil gusto ko siyang makasama ng mas matagal habang papasok kami sa school. Napangiti ako nang natanaw na lumabas na si Cecil sa bahay nila. But she was busy talking to someone over the phone. Nakasimangot din siya kaya iniisip ko kung sinong kausap niya. “No need, Marion. I can go to school alone…” Malapit na si Cecil sa gate kaya narinig ko na ang boses niya habang may kausap sa phone. Tumaas ang kilay ko. Mukhang tutuparin ni Marion ang sinabi niya na siya na ang susundo at maghahatid kay Cecil sa school araw-araw. Let’s just see if Cecil would prefer to go to school with you, bastard. Umayos ako ng tayo at saka inabangan si Cecil n

