Your Legs

1426 Words

CECIL “Huh? Bakit ka pa magpapalit, Ces? Ang ganda nga ng suot mo oh! Lakas maka-beauty queen ng dating!” Halatang-halata sa mga mata at sa reaksyon ng kaklase namin na si Bea na gandang-ganda siya sa akin dahil dito sa dress na suot ko! Mas lalo lang tuloy akong naiinis dahil kailangan kong palitan itong suot ko dahil siguradong hindi papayag si Jonas na hindi ko siya sundin! “Ang ganda ko ‘di ba? Ang kaso lang ay may kasama tayong KJ kaya kailangan kong magpalit!” Nakaismid na bulalas ko. Tumaas ang kilay ni Bea habang nakatingin sa akin. “Sinong KJ ba ang sinasabi mo, Ces?” Kunot ang noo na tanong niya. Napangiwi ako habang nakatingin sa litong-lito niyang mga mata. Syempre ay hindi naman niya alam kung gaano ka-strikto si Jonas pagdating sa akin. Tanging ang matalik na kaibigan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD