Stressing Me Out

1304 Words
CECIL Para akong kinikiliti habang nakatitig kay Jonas na salubong na salubong ang makapal at itim na itim na kilay habang nagmamaneho. Kakatapos niya lang akong sermunan nang sermonan dahil muntik na kaming mabangga. Masyado kasi siyang naka-focus sa mga dibdib ko kaya hindi siguro nakapag concentrate sa pagmamaneho! Bakit ba parang kasalanan ko pa na tumitig siya sa boobs ko at mukhang gandang-ganda siya sa akin ngayon? Yumuko ako at sinilip ang dibdib ko. Kahit ako ay biglang nanibago sa nakita ko. Hindi ko akalain na lalaki talaga ang boobs ko sa push-up bra na niregalo sa akin ng pinsan kong si Althea! Halos pareho lang kasi kaming cup A pero si Althea ay masyadong insecure sa size ng dibdib niya kaya siya ang nakaisip na subukan naming gumamit ng push-up bra. Well, in my case, I don’t really mind the size of my breast. Feeling ko ay kaya ko namang daanin na lang sa ganda ang kinulang sa size na dibdib ko! Nakanguso ako habang gumagalaw at sinusubukang alugin ang dibdib ko. Hindi ako makatulog kagabi kaya wala akong ginawa kundi ang umisip ng paraan kung paano akong mapapansin ni Marion. I ended up looking through my closet and found this magical push-up bra and ta-da! Lumuwang ang ngisi ko habang nakasilip sa sarili kong dibdib. Malaki talagang tingnan! No wonder, kahit si Jonas na nananahimik ay distracted nang makita ‘tong boobs ko! Parang nagkaroon ako ng pwet ng baby sa dibdib! Hindi ko tuloy mapigilang mapa bungisngis. Iniisip ko pa lang na makikita ako ni Marion na ganito ay parang gusto ko nang kiligin sa magiging reaksyon niya! “f**k, Cecil! I told you to stop doing that to your breasts!” Muling saway na naman ni Jonas sa akin. Nang lingunin ko siya ay nakatingin pa rin naman siya sa daan at mukhang pinipilit nang mag-concentrate sa pagmamaneho kaya mas lalo akong natawa! Halatang pikon na pikon na siya sa akin dahil namumula na ang dulo ng mga tenga! Nakangising tinitigan ko siya. Paanong hindi maiinis at mamumula ang tenga niya ay hinipan ko pa nang hinipan kanina?! “Inaano ka ba ng boobs ko?” Natatawang tanong ko habang nakatitig pa rin sa kanya na halatang naiinis na naman dahil humihigpit na ang kapit sa manibela! Napangisi ako at mas lalo pa siyang ininis! Sobrang sarap pa namang inisin ni Jonas Mijares! Gustong-gusto ko kapag iritado siya dahil pulang-pula ang mga labi! Hindi niya kasi ako kayang saktan kaya sa gigil niya ay kinakagat na lang niya ng kinakagat ang lips niya kaya namumula! “Pagdating natin mamaya sa bahay nila Bea, humiram ka ng t-shirt sa kanya at palitan mo yang suot mo,” mariing bilin niya kaya napaayos ako ng upo at saka tinaasan siya ng kilay. “Why? What’s wrong with my dress? ‘Wag ka ngang KJ dyan, Jo!” Nakairap na reklamo ko at saka humalukipkip at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ako nagpuyat kagabi sa kakahanap ng dress na isusuot ngayon para lang palitan ko ng t-shirt! No way! Muling napairap ako. Tumahimik na si Jonas kaya kunot ang noo na nilingon ko siya at pinanliitan ng mga mata. Kapag tahimik siya ay mas nakakatakot dahil siguradong seryoso na siya! “I am not going to change this dress!” Mariing giit ko pero hindi pa rin siya nagsalita kaya napasinghap ako at tuluyang umayos na ng upo habang nakatingin pa rin sa kanya. Seryosong seryoso siya at nakafocus lang ang tingin sa daan kaya ilang beses na napamura ako sa isip. Shìt! He is fūcking serious! Oh, my gosh! Hell, no! Hindi siya pwedeng maging seryoso sa sinabi niyang gusto niyang palitan ko itong suot kong dress! “Hell, no! No, no, no! Hindi ako magpapalit!” Tuloy-tuloy na giit ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Kulang na lang ay mag papadyak na ako dito sa inis dahil alam kong seryoso siya sa gustong mangyari! And knowing Jonas Mijares, hindi siya magpapapigil kapag sinabi na niya kung ano ang gusto niya! He can definetely make a way to get what he wants! At palagi niyang nagagawa at nakukuha ang gusto niya lalo na kung seryoso siya! “Ayoko! Ayoko! Ayoko!” Malakas at halos magwala na ako dahil sa inis! Pero alam kong kahit na anong gawin ko dito, kahit na maglupasay pa ako sa harapan niya ay hindi na magbabago ang isip niya! He was determined to make me change my clothes! Shìt! Bakit ko pa kasi pinainit ang ulo niya? Mas mahirap tuloy siyang utuin ngayon! Huminga ako ng malalim at saka sumubok na maging mahinahon para makausap siya ng maayos. Kung magmamatigas ako ay mas lalo lang na iinit ang ulo niya at hindi siya papayag na hindi ko palitan ang dress na suot ko! “Jo…” Hindi siya lumingon sa akin. Tahimik pa rin at nakafocus lang ang buong pansin sa pagmamaneho kaya mas ginalingan ko pa ang panunuyo. “You know what? You are getting more handsome,” sambit ko. Sinadya kong maging seryoso ang boses at hindi ako ngumingiti para hindi niya isipin na nambobola ako! Hindi pa rin kumikibo si Jonas. Napapatingin na ako sa daan at mas lalo akong napapamura dahil malapit na kami sa bahay nila Bea! Mas lalo tuloy akong hindi mapakali dahil hindi ko pa nakukumbinsi si Jonas na hayaan na lang akong isuot itong dress ko habang ginagawa namin ang group activity! “Hey, Jo… Look at me…” Muling subok kong kunin ang atensyon niya pero hindi pa rin talaga siya lumingon! Kapag ganito ay wala akong magagawa kundi sundin ang gusto niya dahil siguradong magkakatampuhan kami! Pero ayaw kong sumuko hangga’t hindi pa kami nakakarating sa bahay nila Bea! “Jo, please…” pakiusap ko. Nang sa wakas ay lumingon siya sa akin ay halos tumalon ang puso ko nang salubungin ang titig niya! Shìt ka, Jonas Mijares! Aware akong best friend kita pero gwapo ka talagang letse ka! Kaya ‘wag mo akong tingnan ng ganyan! Baka gamitin ko yung karapatan k bilang bespren mo! BFF PREMIUM pa naman ‘yon kaya pwede ang kiss! “What?” tanong niya kaya mas lalo akong napamura. Tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas ng bintana at nakitang nasa harapan na kami ng gate ng bahay nila Bea! “Seryoso nga ako, Jo. Mas lalo kang gumagwapo. Ano bang sikreto mo?” Seryosong tanong ko. No hint of pambobola or whatsoever! Gumalaw na siya para kalasin ang seatbelt kaya nagpatuloy ako. “Gwapo mo!” Sambit ko at saka pinisil ang baba niya. Tumingin siya sa akin at ilang sandali pang tumitig ng seryoso. Bigla akong natigilan. Parang nakaramdam ako ng kung anong kilabot dahil sa titig niya! Shìt! “Thank you,” sambit niya lang at saka umangat ang kamay at marahang pinisil ang baba ko at saka umambang bababa na sa sasakyan pero pinigilan ko siya. “Wait! Bakit ka nga gumagwapo? Anong sikreto mo?” Pangungulit ko pa para tuluyang makalimutan niya ang tungkol sa dress ko! “Ikaw,” sagot niya. Tumaas ang kilay ko dahil sa pagkalito sa naging sagot niya. “Anong ako? Ako ang sikreto mo kaya ka gumagwapo?!” Hindi makapaniwalang bulalas ko. “You are stressing me out,” sagot niya at saka hindi na nagpapigil sa pagbabasa sa sasakyan. “Wait, Jo–” Pero bago pa siya tuluyang makababa ay muling nagbilin sa akin. “Change that dress. Kung hindi ka magpapalit ay hindi ako tutulong sa paggawa ng group project. I will just sit there and watch you all struggle while doing it. Medyo mahirap pa naman ang gagawin natin.” Malakas na napamura ako nang tumalikod na si Jonas dahil alam kong hindi ko na mababago ang isip niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD