Hindi Mo Mapigilang Tingnan

1445 Words
JONAS “What is their plan now, Zeus? Are they going to tell their daughter the truth?” Kanina pa nag uusap sina Mommy at Daddy at wala silang binabanggit na pangalan kung sino ang laman ng usapan nila. But they both seem worried. Lalong-lalo na si Mommy na halatang-halata ang pag-aalala sa kung sino man ang pinag-uusapan nila. “I told you not to talk about it here, Eula…” Mariing saway ni Daddy sa kanya at saka pasimpleng tiningnan kaming magkapatid na parehong nandito sa living room. Sa tingin ko ay wala namang may pakialam sa amin kung sino ang pinag-uusapan nilang dalawa. Kuya Apollo, the eldest, is busy playing NBA 2K. Ako naman ay naghihintay sa pagdating ni Cecil dahil may group project kami. Ang dalawa pa naming kapatid na babae ay parehong nasa Australia at mukhang wala nang balak na umuwi dito sa Pilipinas dahil simula’t sapul ay doon na nila gustong tumira lalo na at nandoon ang buong pamilya ni Daddy. One of my sisters is specializing cardiology while the other is focusing on oncology. Ako na bunso at si Kuya Apollo ay parehong nasa engineering ang interes. He is a software developer like my Dad. Ako naman ay nasa real estate ang interes kagaya ni Mommy kaya civil engineering ang course na napili ko. “The fùck?” Mariing napamura ako nang napatingin sa phone ko at nakita na mag aalas nueve na ng umaga pero wala pa dito si Cecil. Ang usapan namin ay alas otso ng umaga ay nandito na siya dahil may kailangan pa kaming bilhin bago pumunta sa bahay ng kaklase namin para doon gawin ang group project. “Are you cursing at me?” Inalis ni Kuya Apollo ang suot na headset at saka lumingon sa akin. Kumunot ang noo ko at saka umiling sa kanya. Magsasalita na sana ako pero hindi ko na nagawa dahil sa wakas ay dumating na si Cecil. “Jo!” Malakas na tawag niya at saka dahan-dahan ang ginawang paglalakad palapit dito sa living room. Kumunot ang noo ko nang makita ang itsura niya. Nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok at straight na straight. Mukhang galing pa siya sa salon dahil kahit na hindi gaanong halata ay mukhang may suot na makeup. Goddammit! She looks so different today! Ano na naman bang nakain ng babaeng ito at bigla na lang nagpaganda? “Cecil?” Tuluyang inalis ni Kuya Apollo ang suot na headset at saka tumayo para salubungin si Cecil. Kitang-kita ko ang ginawa niyang paghagod ng tingin sa kabuuan ni Cecil kaya naglakad na ako palapit sa gawi nila. “Yes, Kuya Apollo, it’s me! Hi!” Ngiting-ngiti na bati niya kay kuya at saka humawak sa buhok at saka hinawi sa likuran. Kumunot ang noo ko nang bumaba ang tingin sa dibdib niya. What the hell am I seeing? A cleavage? The f**k! Paanong magkakaroon ng cleavage si Cecil? Her breasts aren’t even that big! “Damn, girl! You are hot!” Kuya Apollo exclaimed. Hindi na ako nag aksaya ng oras at nagmamadaling hinila na ang braso ni Cecil para makalabas na kami. I even heard her chuckle! Mukhang tuwang-tuwa sa ginawang pagpuri ni Kuya Apollo sa kanya! “Did you hear that, Jo? Your brother finds me hot! Oh, my gosh! Kinikilig ako! The former Mr. Wesley University–Apollo Mijares, finds me hot! I can’t believe it!” She looks like she’s on cloud nine just because my brother praised her! Kumunot ang noo ko at hindi nagsalita. Kuya Apollo isn’t the type who would just randomly praise any woman. Kapag pinuri niya ay siguradong maganda sa paningin niya at totoo naman na maganda talaga si Cecil ngayon lalo na at sobrang bihira ko lang siya na makita na nakasuot ng dress kagaya ngayon. Nang lumingon ako kay Cecil ay nakatingin na siya agad sa akin at nakangisi ng nakakaloko. “Bakit ang tahimik mo dyan? Gandang-ganda ka rin sa akin? Hindi ka makapagsalita kasi masyadong maingay yang utak mo sa kakapuri sa ganda ko?” Ngiting-ngiti na sambit niya. I sneered at her confidence. “Just get in the car before I start scolding you. Did you even check the time, huh? Isang oras kang late sa oras na pinag usapan natin, Cecil…” mariing sermon ko habang pinagbubuksan siya ng pinto ng sasakyan. Ngumuso lang siya at mukhang walang balak na pansinin ang ginagawa kong mga sermon sa kanya. “Syempre dumaan pa ‘ko sa salon para magpaayos!” Katwiran niya at saka nilagay ang dalawang palad sa gilid ng panga na para bang sinasalo ang mukha at pinapakita sa akin. “Worth it naman ‘di ba? Ang ganda-ganda ko today!” Tuloy-tuloy na kumurap kurap pa siya at nagpa-cute sa harapan ko kaya nakasimangot na sinarado ko na ang pinto sa gilid niya at saka umikot sa kabila. “Why the hell did you even bother to dress up today? Gagawa lang tayo ng group project, Cecil. You look like you are going to a party,” mariing komento ko at saka in-start ang sasakyan. “Marion’s place is in front of Bea’s house. Baka lang naman maligaw siya sa bahay nila Bea mamaya tapos makita niya ako,” ngiting-ngiti na sagot niya. Nanliit ang mga mata ko at agad na tiningnan siya ng mariin. “I clearly warned you to stop hitting on him, Cecil!” Mariin na mariin na paalala ko. Mataas ang pangarap ni Marion at siguradong kapag nalaman ni Marion na may gusto sa kanya si Cecil ay gagamitin niya lang si Cecil at ang pamilya nito para maabot ang pangarap niya. “You are not even close to his ideal type. Kilala mo naman kung sino ang naging ex-girlfriend no’n–” “Of course, kilala ko!” Bulalas niya at saka tumingin sa akin at humalukipkip. “Talino lang naman ang lamang ng Orla Salvatierra na ‘yon sa akin ah! Bukod doon ay wala na, Jonas!” bulalas niya. Halatang napikon siya sa ginawa kong pagbanggit sa ex-girlfriend ni Marion kaya tumahimik na at hindi na ako pinansin. Pero hindi ko talaga maiwasan na pansinin ang ayos niya ngayon lalong-lalo na at sa tuwing mapapadaan kami sa rough road ay napapalingon ako at napapatingin sa dibdib niya. Sa muling paglingon ko ay nahuli niya ang titig ko kaya mataray na tinaasan ako ng kilay. “What are you looking at?” Kumunot ang noo ko pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Oo na, Jo! Mas matalino na si Orla Salvatierra sa akin! Crush mo nga ‘yon ‘di ba? Kasi mahilig ka sa matalino!” Gigil na bulalas niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil kung papansinin ko ay baka mas tumagal lang ang iringan namin dahil parati na mainit ang ulo niya pagdating kay Orla. “What the hell did you do to your breasts, Cecil? Did you push them up to look bigger?” Kunot ang noo na usisa ko. Yumuko siya at saka sinilip ang dibdib niya bago nilingon ako. “And why the hell are you looking at my breasts, Jonas Mijares?” bulalas niya at saka tumitig sa akin. Hindi tuloy ako makasagot. Hindi ko rin alam kung bakit ako tumitingin sa dibdib niya! f**k it! Tuluyang napamura ako sa gulat nang ihagis niya sa kandungan ko ang tumbler ko. Kunot ang noong nilingon ko siya pero nakataas lang ang kilay niya sa akin. “Drink some water! Mukhang uhaw na uhaw ka kaya kanina ka pa lunok nang lunok dyan!” bulalas niya at saka ngumisi ng nakakaloko sa akin. She looked like she was teasing me! Kinagat niya pa ang ibabang labi at saka parang nang aakit na pinagpatong ang mga hita! Nang nagtagal ang titig ko sa kanya ay umayos pa siya ng upo at saka humawak sa dibdib at saka lumiyad ng todo at ipinakita pa sa akin. She even pushed her breasts up to show them off to me! “Hindi mo mapigilang tingnan ‘to, huh? Mukha na ba ‘kong masarap, Jonas?” Pilyang sambit niya at saka inalog alog pa ang mga dibdib at yumuko para ipasilip sa akin! Iniwas ko agad ang tingin sa mga dibdib niya. “What the hell are you doing, Cecil?!” Mariing bulalas ko at saka nag preno nang makitang malapit nang dumikit ng todo ang harapan ng sasakyan ko sa likuran ng sasakyan na nasa harapan namin! Nagmura ako pero si Cecil ay halos mapayuko na sa kakatawa dahil sa ginawa kong biglaang pagpreno! I bit my lower lip and massaged the bridge of my nose because of frustration!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD