Crush

1783 Words
CECIL Halos isang linggo akong hindi kinausap nina Mommy at Daddy dahil sa naging kasalanan ko noong nakaraan. Sa totoo lang ay sanay na ako na ganito nila ako kung itrato pagkatapos sermonan at disiplinahin. Siguro ay emosyonal lang ako noong nakaraan dahil sa period ko kaya naapektuhan ang emosyon ko. But that thing is just normal to me, to be honest. Besides, this is how my parents raised me. At mukhang hindi na magbabago ang paraan nang pagpapalaki nila sa akin kahit pa tumanda ako at tumuntong sa tamang edad. Binaba ko ang notebook na hawak ko at saka kinusot kusot ang mga mata. Kanina pa ako nakatitig sa notebook ko para kabisaduhin ang mga sagot na nilagay ni Jonas para sa mga posibleng itanong sa amin mamaya sa quiz. Pero sa halip na makabisado ko ang mga sagot ay sumakit lang ang mga mata ko. Nilinga ko ang tingin sa paligid ng classroom namin. Sobrang tahimik din ang mga kaklase ko at mukhang seryoso sa pagrereview ang iba. Hindi ako sanay. Mas sanay ako na nagsisigawan sila at nag-uusap ng kung anu-ano na malayo sa pinag-aaralan namin. Bored na bored tuloy ako dahil masyadong peaceful ang paligid. Napatingin ako sa katabi kong si Cambria. Kahit siya ay abalang-abala sa pagrereview at mukhang seryosong-seryoso sa pag-aaral. Nagkibit balikat ako. Seryoso naman talaga siya sa pag-aaral at masikap kahit na halos magka-level lang ang mga utak namin. Masasabi kong lamang si Cambria sa akin dahil kahit mahina rin ang utak niya sa academics ay masipag naman siyang mag-review. Samantalang ako ay kakabisaduhin na lang ang sagot ay kina katamaran pa. “Cam,” tawag ko sa kanya nang hindi ko na kayanin ang boredom. Tumingin naman siya sa akin sa nagtatanong na mga mata. “Bakit?” tanong niya. “Wala bang mag-aaway ngayon?” tanong ko at saka muling nilinga ang paligid. Sobrang tahimik talaga kaya nakakaantok. “Sino ba naman ang gugustuhin na mag-away ngayon? Alalahanin mong mahirap ang quiz mamaya. Ayokong mag retake kaya gagalingan ko agad mamaya!” sambit niya at saka nagpatuloy sa pagrereview pero kinulit ko ulit kaya muling napatingin sa akin. “Ano na naman?” tanong niya. “Hindi ba at nakikipag balikan sayo yung ex mo?” usisa ko. Naalala ko na kakabreak lang nila ng ex niya at mahal na mahal ni Cam ang lalaking ‘yon kaya posible pa ang comeback lalo na at alam ko kung gaano siya karupok pagdating sa mga lalaki. “Ano ka ba naman, Ces? Nag-aaral ako dito. ‘Wag mo ngang ipaalala sa akin ang lalaking ‘yon—” “Eh kung makipagbalikan ka na kaya ngayon? Diba mahal mo pa? Sagutin mo na ulit,” sulsol ko. Kumunot ang noo niya. “At bakit ko naman gagawin yon?” tanong niya. “Dahil bored ako,” diretsong sagot ko. Napangiwi siya at saka pinulot ang notebook ko at saka inilapit sa akin. “Mag-review ka d'yan! Ang swerte mo nga at hindi ka na napuyat sa paggawa ng reviewer dahil ginawan ka na ni Jonas!” bulalas niya at saka muling hinarap ang pagrereview. Kinalabit ko siya para kulitin pero tinalikuran niya ako at tinakpan ang mga tenga. Bumuntonghininga ako at saka tumayo bago tiningnan ang mga kaklase namin n busy pa rin sa pagrereview. Pumalakpak ako para kunin ang atensyon nilang lahat. Agad naman silang tumingin sa akin kaya napangisi ako. “Hindi daw matutuloy yung quiz mamaya,” sambit ko habang nakatingin ng seryoso sa kanilang lahat. Nagsimulang mag ingay ang buong klase. Ang iba ay tuwang-tuwa at nag-cecelebrate na kaagad dahil hindi matutuloy ang quiz. Ang iba naman ay halatang nalilito kung maniniwala ba sa akin o ano. “Talaga, Ces?” tanong ng isa sa pinaka maingay naming kaklase. “Oo,” simpleng sagot ko. Tuwang-tuwa na napasuntok siya sa ere at tumayo para makipagdaldalan sa iba pa naming kaklase. “Totoo ba, Cecil? Totoong hindi matutuloy ang quiz mamaya?” May isa ulit na nagtanong kaya tumango lang ako. Si Cam ay nakatingin sa akin pero halatang hindi naniniwala. “Sinong nagsabi na hindi matutuloy ang quiz mamaya, Cecil?” “Oo nga! Sinong nagsabi? Si Jonas ba?” “Malamang kay Jonas galing dahil bestfriend ni Cecil si Pres!” “Talaga ba, Ces? Wala talagang quiz mamaya?” Tuloy-tuloy pa rin sila sa pagtatanong kaya humalukipkip ako at hinarap sila. “Wala. Kaya ‘wag na kayong mag-review. Hindi naman bagay sa inyo,” sambit ko. Muling nag ingay ang buong klase kaya napangisi ako habang nakatingin sa kanilang lahat na tuwang-tuwa at nag-cecelebrate na dahil sa ibinalita ko. “Anong ginagawa n'yo?” Natigil sa pag-iingay ang mga kaklase namin nang dumating si Jonas. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. Seryoso at pormal ang mukha niya. Palagi namang pormal si Jonas kapag dito sa school kaya madalas ay napagkakamalan siyang suplado at mayabang dahil mukhang isnabero at walang pakialam sa iba. Nang gumawi ang tingin niya sa akin ay mas kumunot pa ang noo niya bago binalingan ang mga kaklase namin na nagsisimula nang magtanong at mag-usisa sa kanya tungkol sa quiz namin mamaya. “Masaya lang kami dahil hindi matutuloy ang quiz mamaya, Pres! Dapat kaninang umaga mo pa sinabi para hindi na kami nag review!” “Oo nga, Pres! Mag uuwian na rin naman kaya pwede nang mag-ingay!” Tuloy-tuloy pa rin ang mga kaklase namin sa pag-iingay pero si Jonas ay nagtatakang napatingin sa akin. Patay malisya na nagkibit lang ako ng balikat at saka umupo sa pwesto ko. “At sino namang nagsabi na hindi matutuloy ang quiz mamaya?” pormal na usisa ni Jonas. “Si Cecil!” Halos sabay-sabay nilang sagot kaya muling napatingin si Jonas sa akin. Ngumisi ako at saka nag-peace sign sa kanya. Mabagal na napapikit siya nang mariin at nagtitimping kinagat ang ibabang labi bago binalingan ang mga kaklase namin. “Walang sinabi si Sir na hindi matutuloy ang quiz! Kapag hindi galing sa kanya o sa akin ang announcement ay ‘wag kayong basta-basta maniniwala!” mariing sermon niya sa mga kaklase namin. Muli silang nag-ingay at dismayado na bumalik sa pagrereview. Ngiting-ngiti ako dahil sa gulo na ginawa ko pero si Jonas ay mukhang hindi natuwa kaya hinila ang braso ko para kausapin sa labas. Nakangusong sumunod ako sa kanya dahil inaasahan ko nang sesermonan niya ako dahil sa panloloko ko sa mga kaklase namin. “Why are you causing trouble this time?” Mariin na simula niya nang nasa labas na kami ng classroom. Ngumuso ako at hindi nagsalita kaya nagpatuloy siya. “What is it?” muling tanong niya at tuluyang hinarap na ako. “Gutom ka ba? Inaantok ka ba? Did someone piss you off? What, Cecil?!” Mariin pero kontrolado niya pa rin ang lakas ng boses niya. Nagkibit balikat ako bago sumagot. “I'm just bored.” Tumitig siya sa akin at medyo nagtagal kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “What?” tanong ko. Kapag ganitong nagtatagal ang titig niya sa akin ay alam kong marami siyang iniisip o kaya ay nag aalangan siya kung sasabihin niya sa akin ang isang bagay. “You are just bored?” ulit niya sa sinabi ko. Tumango ako at nagkibit balikat. “Yeah. Masyado kasing tahimik ang klase kaya binigyan ko sila ng dahilan para mag-ingay,” tinatamad na sagot ko. He laughed but I know that it's not because he is pleased with what I said. Nang salubungin ko ang tingin niya ay nanliliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. “So, bored ka lang kaya sinagot mo yung isang pumoporma sayo?” tanong niya. Kumunot ang noo ko at nagtatakang napatingin sa kanya. “How did you know about that?” Namimilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Kaninang umaga ko lang sinagot ang isang manliligaw ko dahil isang linggo na akong walang nakaka harutan. “For crying out loud, Cecil! Isang linggo pa lang kayong break nung huling ex mo!” Gigil na sermon niya. Nagkibit balikat ako at agad na dumipensa. “Mabuti nga at umabot pa ng isang linggo bago ko siya pinalitan. Ang tagal ko ng single—” “Matagal? The fùck are you saying?!” bulalas niya na halatang hindi sang ayon sa sinabi ko. Bumuntonghininga ako at saka tumingin ulit sa kanya. “Anong gagawin ko? Magkikita pa naman kami mamaya—” “Saan?” agad na usisa niya. “Sa condo niya—” “Don’t you dare, Cecil Cordova!” iritadong pigil niya. Tumawa ako. “‘Wag kang mag-alala, Jo. Hanggang make out lang naman kami. I won't sleep with him—” “The fùck, Cecil!” mas mariing bulalas niya kaya mas lalo akong natawa. Masyado kasing conservative si Jonas kaya nakakatawa siyang galitin pagdating sa ganitong bagay. “Joke lang. Hindi ako pupunta sa condo niya. Tsaka hanggang French kiss lang ang ibibigay ko sa kanya—” “French kiss?” kunot noong tanong niya. Tumango ako. “Oo. Yung kiss na may kasamang dila,” sagot ko. Nagmura siya kaya tumawa ulit ako. “Bakit? Masarap kaya ‘yon. Try mo kayang makipag French kiss sa susunod na maging girlfriend mo—” “Shut the fùck up, Cecil!” mariing saway niya sa akin at naglakad na pabalik sa classroom kaya agad na sinundan ko at kinulit. “Try mo rin kasi, Jo. Masarap yon—” “Fùck! No!” bulalas niya. Mas lalo akong nagpigil ng tawa at saka humarang sa daan niya. “Gusto mo turuan kita?” nakangising alok ko. “Turuan ng alin?!” mariing tanong niya. “Ng French kiss,” sagot ko at saka humakbang para abutin ang mga labi niya. Nagmura siya at gigil na hinawakan ang magkabilang braso ko para ilihis ako sa dadaanan niya at nagsimula nang maglakad ulit. “Free tutorial sa akin, Jo! Walang bayad basta ikaw!” pangungulit ko pa pero narinig kong mas lalo siyang nagmura kaya bumungisngis ako at ngiting-ngiti na sinundan siya ng tingin. Natigil lang ang pag sunod ko ng tingin kay Jonas nang naramdaman kong may nakatingin sa akin. Nilinga ko ang paligid at dumako ang tingin ko sa kabilang building. Agad kong nahuli ang lalaking nakatitig sa akin. Tumaas ang kilay ko nang makilala siya. Yung lalaking nakasama ko sa detention room noong nakaraan. ‘Wag niyang sabihin na crush niya ako? Nakatitig pa rin siya sa akin kahit na nahuli ko na ang titig niya. Hindi na ako nagdalawang isip na ikutan siya ng mga mata at saka tumalikod na para muling pumasok sa classroom namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD