CECIL Nang pumasok ako sa opisina ay nagtayuan agad ang mga ka-team ko at sumalubong sa akin pwera lang kay Kuya Chito. “Ces!” Mariin pero kontrolado ang boses ni Thea kaya kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila ni Alex. “Bakit ang hina ng boses mo, Thea? Hindi ako sanay,” komento ko. Siniko niya si Alex kaya si Alex ang nagsalita at nagsabi sa akin kung bakit sila nananahimik. “Pumunta si Boss Jonas dito kanina, Cecil,” alanganing sambit niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang big deal pa sa kanila ang pagpunta ni Jonas dito! “Ano naman kung pumunta siya dito? Hindi ba at dapat lang na naman na pumunta siya dito dahil siya ang nakatoka sa team natin?” Kunot noo pa rin na sambit ko. Nagkatinginan sila. “Mukhang wala sa mood kanina eh! Nakakatakot! Gwapo nga pero nakaka

