CECIL As I was expecting, my debut didn’t feel like a personal celebration. It felt more like a grand business event for the Cordovas. Kung wala ang presensya ng mga classmates ko na masayang nakadalo sa 18th birthday ko ay iisipin ko na hindi talaga ang birthday ko ang cinelebrate kundi ang merging ng kumpanya ng mga Salvatierra, kumpanya nila Jonas at ng kumpanya namin. The celebration was grand even though it was held in a private resort. Masaya at naging maganda naman ang kinalabasan ng program pero sa after-party na talaga ako tuluyang nag-enjoy dahil kasama ko ang mga kaklase ko. “Ibig sabihin ay magiging business partners na yung parents mo tsaka parents ni Orla, Ces?” Siniko ako ni Cam at saka bumulong. Kanina ko pa nakikita sa isang table ang pamilya ni Orla kasama ang ilan pa

