CECIL Isang umaga ng weekend ay nagising ako na abalang abala ang mga helpers namin dito sa bahay. Kahit si Yaya Puring ay tumutulong sa paglilinis sa buong bahay kaya binilisan ko ang pagbaba sa hagdan para magtanong sa kanya kung anong meron. “Anong balita doon sa landscaper na kilala mo, Bambie? Anong oras daw makakarating dito?” May kausap si Yaya Puring na isang helper kaya hindi muna ako nagsalita at hinintay na matapos silang mag-usap. “Kakatawag lang po sa akin. Mamayang hapon daw po sila pupunta para mag-ayos sa garden.” Tumango lang si Yaya Puring at napatingin sa akin. “Gising ka na pala, Cecil. Dito ka ba kakain ng umagahan o doon kila Jonas?” tanong niya. “Tulog pa po si Jonas, Yaya. Pero baka po dito na kami kumain mamaya. Hinihintay ko lang po siyang magising,” sagot k

