Hindi Na Virgin

1847 Words
CECIL’S POV “Do you like me?” Kung ibang babae lang siguro ang tatanungin ng ganito ng lalaking crush na crush nila ay baka nahimatay na sa sobrang kaba. Pero hindi naman ako basta-basta na babae lang. Ako si Cecil Cordova, ang isa sa mga babaeng pinapantasya ng mga estudyanteng lalaki dito sa Wesley University. “Yes, Marion. I like you. Do you like me, too?” diretsong sagot ko at saka ngumiti ng sobrang tamis sa kanya. Syempre ay hindi na nagawang humindi pa ni Marion Buenaobra sa akin. Ako na ito eh. Si Cecil Cordova na ‘to! Bakit niya pa ako tatanggihan ‘di ba? Ngumiti si Marion at saka humakbang palapit sa akin. Habang palapit siya nang palapit sa akin ay mas lalong nagiging malinaw sa paningin ko ang mukha niya. He is smiling brightly at me, flashing his white and perfect set of teeth. He looks like a prince walking towards me. Ang gwapo talaga! Bagay na bagay kami lalo na at mukha akong prinsesa sa suot kong evening dress. “Hindi lang yata kita gusto, Cecil. Parang ma…. na yata kita…” sambit niya. Kumunot ang noo ko dahil parang biglang humina ang boses ni Marion. Pero syempre ay hindi ko pinahalata na parang bigla akong nabingi kaya hindi ko narinig ang “magic word” na gustong-gusto kong marinig mula sa kanya. “What did you say, Marion?” Ngiting-ngiti pa rin na tanong ko. Nakatayo na siya sa harapan ko at sobrang lapit na ng mga mukha namin. “Ang sabi ko, parang ma…. na yata kita, Cecil…” muling ulit niya sa sinabi pero hindi talaga malinaw sa pandinig ko ang parte na gusto kong marinig kaya kumunot ang noo ko at muling pinaulit sa kanya. “What?” nakangiti pa rin tanong ko. Ngumisi si Marion at saka natatawang tinusok ang dulo ng ilong ko. “Ang sabi ko, ma…. na yata kita, Cecil. Do you really have to make me repeat everything I say?” natatawang sambit niya. Kahit na sobrang gusto ko nang sumimangot at magreklamo ay pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla na lang akong nabibingi sa tuwing sasabihin na niya ang magic word na gusto kong marinig kanina pa. Inip na inip na ako at ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito pagkatapos ay bigla na lang akong mabibingi? Oh, no! Hindi pwede! “Masyado lang kasing masarap sa pandinig yung sinabi mo kaya gusto kong ulit-ulitin mo,” nakangising palusot ko. “Ano na nga ulit ‘yon?” muling subok ko pa sa kanya na ipaulit ang sinabi niya. Tumawa siya at saka nagsimulang ibuka ang bibig kaya wala akong pinalampas na pagkakataon at tinitigan ng sobra ang pagbuka ng bibig niya, nagbabakasakali na marinig ko na nang malinaw ang sinasabi niya. “Alright. Let me repeat it again. Makinig kang mabuti, Cecil,” sambit ni Marion kaya sunod-sunod na tumango ako habang titig na titig sa mga labi niya. “Yes, Marion. Say it again. I’m listening…” sambit ko at saka muling ngumiti ng matamis sa kanya. “Cecil Cordova…” simula niya. Mas lalo akong napangiti. Kilig na kilig na ako sa ginawa niya pa lang na pagbanggit sa buong pangalan ko. “Yes, Marion Buenaobra? Say it!” naiinip na utos ko na. Muling ngumiti siya at saka binuka ang bibig. “Sa tingin ko ay hindi lang kita gusto, Cecil. Maha…. na kita…” nakangiting sambit niya. Tuluyan na akong napasimangot at hindi na nakapagpigil na hawakan ang mukha niya. “What?” tanong ko. Daig pa namin ni Marion ang nag-uusap sa cellphone na bigla na lang nawalan ng signal kaya naging putol-putol ang salita hanggang sa hindi na nagkarinigan! “Mah…..” “Mah…. Mahuhulog na….” Mas lalong kumunot ang noo ko nang biglang nag-iba ang sinasabi ni Marion. Hindi ko na maintindihan kung saan na papunta ang usapan namin kaya para matapos na ay tatapusin ko na lang ang usapan namin sa isang halik! Humigpit ang hawak ko sa mukha niya at pumikit para halikan siya. Tutal ay nagpalitan na rin lang kami ng ‘I like you’ ay dapat na tapusin namin ito sa isang matamis na halik. Ngumuso ako at mas dinikit pa ang mukha sa kanya pero hindi pa man lumalapat ang mga labi ko sa mga labi ni Marion ay narinig ko na siyang nagmura kaya agad na napadilat ako at nagtatakang tiningnan kung bakit siya nagmumura. Marunong bang magmura si Marion Buenaobra?! “f**k, Cecil! Are you damn losing your mind?!” Ilang beses pa akong napakurap nang sa halip na mukha ni Marion ang makita ko sa harapan ko ay mukha ng bestfriend kong si Jonas Mijares ang bumungad sa akin! Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na halos magkadikit na ang mga labi namin. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita na nasa ibabaw niya ako at magkapatong kaming dalawa! Sa tindi ng nararamdaman kong gulat ay agad na bumitaw ako sa pagkakahawak sa mukha ni Jonas pero dahil halos magkadikit na ang mga mukha namin ay tuluyang nagkadikit ang mga labi namin! Lord naman! Hindi po magandang biro ito sa umaga! Napamura si Jonas at hinawakan ang bewang ko kaya agad na napakislot ako at naglikot ng sobra dahil sobrang lakas ng kiliti ko sa bewang! “Na–Nakikiliti ako!” mariing reklamo ko habang hinahawi ang kamay ni Jonas na nasa bewang ko pero hindi ako mapakali dahil sa nararamdamang kiliti kaya sobrang napadikit pa rin ako sa katawan niya habang nananatili kaming magkapatong dahil ayaw niyang bitawan ang bewang ko. “‘Wag kang malikot para–” Hindi na natapos ni Jonas ang kung anong sinasabi nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. “Ces, gising ka na daw ba–” Napatigil sa pagsasalita ang pinsan kong si Althea. Kitang-kita ko ang agarang pamimilog ng mga mata niya nang makita kami ni Jonas na magkapatong dito sa kama! “Thea! Hindi–” Bago ko pa matapos ang gagawin ko sanang pagpapaliwanag ay agad na tumalikod na siya at tumakbo palayo! Napasinghap ako at mariing napamura at napasapo sa noo. I’m doomed! May lihim na gusto ang pinsan kong si Althea kay Jonas at kailan lang niya sinabi sa akin! Bago ko pa tuluyang ma-proseso ang mga nangyari ay gumalaw na si Jonas at sa isang iglap lang ay nagkapalit na kami ng posisyon. Nasa ibabaw ko na siya ngayon at nanliliit ang mga mata habang nakatingin sa akin. “Do you like Marion?” tanong niya. Halatang sinisita niya ako base sa paraan ng pagtatanong niya sa akin! Syempre ay wala na akong kawala ngayon dahil si Jonas Mijares na itong nakahuli sa akin kaya bakit ko pa ba itatanggi?! “Yes!” agad na sagot ko at saka sinalubong ang titig niya. “Can you help me get closer to him? You are friends and it’s going to be easy for you to–” Hindi ko na natapos ang pagsasalita dahil agad na nagmura siya at gigil na kinagat ang ibabang labi! “Tutulungan kitang magustuhan ng kahit na sinong lalaking magustuhan mo pero hindi pagdating kay Marion,” mariing sambit niya. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. “And why is that? Bakit kapag kay Marion ay hindi pwede?!” agad na reklamo ko. “Dahil ayaw ko, Cecil…” mariing sagot niya. Napasinghap ako at agad na namilog ang mga mata. Alam kong kapag ayaw niya ay hindi talaga siya mapipilit! “Do I still have to fūcking explain myself?” mas mariin at mukhang iritado na dagdag niya pa. Inis na tinulak ko ang dibdib niya para umalis na siya sa ibabaw ko. Kailangan kong sundan at kausapin ang pinsan kong si Althea para makapag paliwanag sa kanya tungkol sa nakita niya. Siguradong nagmumukmok na ‘yon sa kwarto at umiiyak! “Alis na dyan!” singhal ko pero bumaba ang mukha niya kaya napatigil ako sa pagsasalita. “You damn attempted to kiss me, Cecil. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na–” “Na hindi kita dapat hinahalikan dahil hindi tayo talo?” agad na dugtong ko sa sinasabi niya. Kagat ang ibabang labi na hinila ko ang buhok niya kaya umangal siya agad at nagmura. “That kiss wasn’t meant for you, Jonas! Para kay Marion ‘yon dahil napanaginipan ko siya!” bulalas ko at agad na sumimangot nang maalala na hindi niya ako tutulungan na mapalapit kay Marion! At syempre ay kung ayaw ni Jonas sa isang lalaki ay ayaw ko na rin! Ganun din naman ako sa kanya. Kapag ayaw ko ang isang babae ay hindi na niya sinusubukan pang ligawan! “Just forget about your feelings for him. Hindi siya bagay sayo,” mariing sambit niya at saka gumalaw para bumaba sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nakababa na siya sa kama at muling tumingin sa akin. “Get up and get ready,” sambit niya. Tumaas ang kilay ko. “Why? Are we going somewhere?” hindi na nakapagpigil na tanong ko. Gumalaw siya at saka may kung anong dinukot sa bulsa. May kung anong hinagis siya sa harapan ko kaya kunot ang noong napatingin ako doon. “What is this–oh, my gosh!” bulalas ko at saka namimilog ang mga mata na pinulot ang isang key fob na halatang bagong-bago pa! Hindi makapaniwala na tinitigan ko ang key fob na hawak ko at saka muling nag angat ng tingin kay Jonas. “Did you finally get your own car?” excited na excited na tanong ko. Ngumisi siya at nagkibit balikat lang kaya napatili ako at agad na bumaba sa kama para sugurin siya ng yakap! “Finally, Jo! Hindi na natin kailangang itakas ang sasakyan ng Kuya Apollo mo!” natatawang bulalas ko habang nakasabit sa kanya. Agad na nagreklamo siya nang mapahawak sa mga hita ko. “Ang kapal ng balahibo–” Hindi na niya natapos ang gagawing pagpansin sa mga balahibo ko sa binti dahil agad na binatukan ko na. “Sana maging mabalahibo ang mapapangasawa mo para buti nga sayo!” bulalas ko at saka inis na tinusok ang tiyan niya pero nahawi niya ang kamay ko kaya inulit ko ulit hanggang sa hindi tumatama ang daliri ko sa tiyan niya. Malakas ang kiliti niya sa tiyan kaya doon ko siya parating hinahawakan para asarin! Sa kakahawi niya sa kamay ko ay sa halip na sa tiyan ay sa gitna ng shorts niya tumama ang kamay ko! “f**k! Cecil!” malakas na bulalas niya. “Opps! Sorry!” natatawang bulalas ko at agad na tumakbo palayo sa kanya! Napatitig pa ako sa kamay ko at saka agad na natulala nang may na-realized. “Hindi ka na virgin…” nanliliit ang mga mata na sita ko habang nakatitig sa kamay ko na nahawakan ang ano ni Jonas at saka nakangising nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD