“Ces…”
Napalingon si Cecil sa lalaking nagsalita mula sa likuran niya. Agad na bumaba ang tingin niya sa kamay nito na may hawak-hawak na isang bouquet ng magarbong pulang rosas. Sa arrangement pa lang ng bulaklak ay masasabi na niyang mamahalin iyon. Pero hindi sa halaga ng dala nitong bulaklak nakatuon ang atensyon ni Cecil. It’s the fact that the guy in front of her is one of the most popular guys on their campus.
Si Dylan Alcantara, ang isa sa pinakasikat, mayaman at pinaka lapitin ng mga babae sa Wesley University kung saan siya kasalukuyang nag-aaral sa kursong Civil Engineering. Freshman siya at si Dylan naman ay senior na niya.
Maraming nagsasabi na hindi raw kahit kailan nagbigay ng bulaklak sa kahit na sinong babae si Dylan. Hindi raw kasi nito kailangang manligaw dahil mga babae na ang kusang lumalapit dito. But everything changed when she and her best friend entered this school.
Ang dating hindi nanliligaw ng babae na si Dylan Alcantara ay naging interesado sa kanya dahil simula noong nagsimula ang pasukan ay na echapwera na ito dahil nakuha ng bestfriend niyang si Jonas Mijares ang pansin ng mga babae sa Wesley University.
High school pa lang ay kilalang-kilala na silang dalawa ni Jonas. They are quite popular in school because of the influence of their family. Bukod doon ay likas na matalino at gwapo ang bestfriend niya. Samantalang siya ay maganda pero hindi matalino kagaya ni Jonas.
Naglakad si Dylan palapit sa kanya at saka nakangiting inabot sa kanya ang bulaklak na dala nito.
“Flowers for you,” confident na sambit pa nito. Gwapo sana ito at matalino kagaya ng bestfriend niya pero ang ugali nito ang hindi niya kahit kailan magagawang magustuhan.
Inabot ni Cecil ang flowers na binibigay ni Dylan at saka inamoy. Sinadya niyang pasayadin sa dulo ng ilong niya ang isa sa mga roses. Nagsimula siyang bumilang sa isip.
One, two, three… Sneeze!
Ilang beses niyang pinractice iyon at natuwa siya dahil hindi na siya nahirapan dahil kusang bumahin siya nang madikit ang ilong sa bulaklak.
“It’s a sign,” sambit niya at saka inilayo sa mukha ang bouquet na hawak.
“A sign of what?” kunot ang noo na tanong naman ni Dylan. Nag angat ng tingin si Cecil sa lalaki at saka diretsong sinagot ang tanong nito.
“Na bakla ka,” walang kakurap-kurap na sagot niya. Bumakas ang gulat sa mukha nito. Muntik na siyang mapangisi pero pinigilan niya ang sarili. Sa dami ng babaeng naghahabol at nagkakainteres kay Dylan ay walang kahit na sinong mag-iisip na pusong babae ito.
Ilang sandali pang tumitig sa kanya si Dylan bago ito tumawa. “I guess all the boys on this campus are right about their impression on you, Cecil…”
Halatang natatawa at aliw na aliw ito sa kanya kahit na hindi naman siya nagpapatawa o kaya naman ay nagbibiro.
“What impression?” tanong niya.
“That your humor is on another level. Mukhang totoo nga dahil napatawa mo ako,” natatawa pa rin na sagot nito. Tumaas ang kilay niya.
“But I wasn’t kidding when I said you are a gay, Dylan…” diretsong sambit niya. Natigil sa pagtawa si Dylan bago sumeryoso ng tayo.
“And what made you think that I am a gay?” Halatang nasaktan ang ego nito dahil sa sinabi niya. Pero wala siyang balak na tumigil. Gusto naman talaga niyang pasakitan ito dahil sa pinakalat nitong balita tungkol sa bestfriend niyang si Jonas Mijares.
“Dahil bukod sa tsismoso ka na ay fake news peddler ka pa,” prangkang sagot niya. Kumunot ang noo ni Dylan.
“What did you say?” tanong pa nito kahit na malinaw naman ang sinabi niya.
“Are you deaf?”
Bumakas ang gigil sa mukha nito pero hindi niya ito hinayaan na makapagsalita pa.
“Pinagkakalat mong bakla si Jonas pero ikaw ang totoong bakla dahil hindi gawain ng totoong lalaki ang ma-insecure sa kapwa lalaki,” diretsong sambit niya at saka walang pag aalinlangan na hinagis sa harapan nito ang bouquet na binigay nito sa kanya. Tumalikod siya pero pakiramdam niya ay hindi pa siya satisfied dahil sa ginawa ni Dylan na pang iinsulto sa bestfriend niya. Muling humarap siya kay Dylan at saka nagpatuloy sa pagsasalita.
“Jonas Mijares is not a gay,” muling sambit niya. “Have you seen his dìck? The size is closer to my arm. Kayang-kaya kang sapakin kapag hindi ka tumigil sa pagpapakalat ng fake news!” pagpapatuloy niya pa at pinakita kay Dylan ang kanang braso bago umirap at nagpatuloy sa paglalakad palayo.
Kung aasa lang siya kay Jonas na linisin ang sariling pangalan nito ay baka mamuti na ang buhok niya sa kakahintay dahil walang pakialam ang bestfriend niya sa kung ano mang kumakalat na tsismis tungkol dito. Mas mahalaga pa kay Jonas ang makaidlip sa tuwing may vacant hour sila!
Pagdating nga niya sa classroom nila ay naabutan niya si Jonas na nakayuko at halatang natutulog sa upuan nito. Hindi nito alintana ang mga kaklase nilang babae na pasimpleng kinukuhanan ito ng picture habang natutulog, na hindi magawa ng mga ito kapag gising si Jonas dahil siguradong magiging candidate sa pagpunta sa detention room dahil si Jonas ang kasalukuyang president ng classroom nila at isa sa mga members ng student council!
“Ayan na si Cecil! Lagot kayo!” Agad na pananakot ng matalik niyang kaibigan na si Cambria. Nagmamadaling lumabas sa classroom ang mga kaklase nilang may crush kay Jonas.
“Sila lang ‘yon, Ces. Hindi ako kasali!” Nagtulakan pa ang mga ito sa paglabas pero hindi niya pinansin at nagpatuloy sa pagpasok sa loob. Tumabi siya kay Cam na agad na nag-usisa tungkol sa ginawa niyang pakikipagkita kay Dylan.
“What happened, Ces? Nagkita kayo ni Dylan?” usisa agad nito. Tumango siya at tumaas ang kilay bago kinwento kay Cam ang mga nangyari.
“Uy! Totoo ba ‘yon?” siniko siko pa siya nito matapos niyang magkwento.
“Alin?”
“Na ganyan kalaki sa braso mo yung ano ni Jonas? Nakita mo na?” Halos bulong lang na usisa nito. Awang ang bibig na hinampas niya ang braso nito.
“How the hell would I know his size?” bulalas niya. Kahit naman siya ay hindi niya alam kung bakit sa dinami rami ng pwedeng sabihin ay iyon ang napili niya para ipagtanggol si Jonas!
“Shìt! Akala ko ay totoo na! Parang ako yung naawa sa magiging girlfriend ni Jonas if ever na totoo,” naiiling na komento pa ni Cam. Magsasalita pa sana si Cecil pero agad na natigil nang may lalaking pumasok sa classroom nila. Tuloy-tuloy na naglakad ito palapit sa gawi ni Jonas at agad na ginising ang bestfriend niya.
Kagat ang ibabang labi na napatingin si Cecil sa katabi niyang si Cam na pasimpleng pinipiga ang hita niya dahil alam nito na crush na crush niya ang lalaking kakapasok lang sa classroom nila.
It’s Marion Buenaobra, an Accountancy student in Wesley University. Ang lalaking isang taon na niyang pinapangarap na maging boyfriend pero tila hindi siya nito napapansin kahit na abot kamay lang naman niya ito dahil close ito sa bestfriend niyang si Jonas.
“Bakit kaya hindi ka na lang magpatulong kay Jonas para mapansin ka ni Marion?” mahinang bulong ni Cam. Sa totoo lang ay inip na inip na siya sa paghihintay na mapansin ni Marion. Naka ilang palit na siya ng boyfriend kahit kakasimula pa lang ng pasukan. Pagdating kay Marion ay para siyang hangin na hindi nito napapansin!
“Should I consider doing that?” wala sa sariling pagsang ayon niya sa suggestion ni Cam. Supportive ang bestfriend niyang si Jonas sa lovelife niya kaya sigurado siyang tutulungan siya nito kung magsasabi siya na gustong-gusto niya si Marion!
She smirked at the scenario that’s started to unfold in her mind. Siya at si Marion na masayang naglalakad at magkahawak kamay habang ang bestfriend niyang si Jonas ay nasa likuran nila at nakasuporta sa relasyon nila!
Natigil ang pag-iimagine ni Cecil nang may notebook na tumakip sa mukha niya. Agad na nahulog ang notebook sa harapan niya at tiningala si Jonas na salubong ang mga kilay habang nakatingin sa kanya. Halatang kakagising lang nito nang magsalita.
“I wrote down the possible questions for the quiz in Calculus later. Just memorize the answer. ‘Wag mo nang piliting intindihin pa dahil baka maubos lang ang oras mo,” paalala nito.
“Thanks, Jo. You’re the best–”
Natigilan si Cecil nang makita na nasa likuran ni Jonas si Marion at nakatingin sa kanya. Matalino pa naman si Marion sa Math kaya agad na tumayo siya at binalik kay Jonas ang notebook nito.
“Hey! I really don’t need this! Nakalimutan mo na ba? Favorite ko na ang Calculus!” pagsisinungaling niya at saka ngumiti pa kay Marion. Nakatingin lang ito sa kanya at walang kangiti-ngiti kaya muling binalik niya kay Jonas ang notebook nito.
“Favorite mo? May lagnat ka ba–ouch!” Hindi na naituloy ni Jonas ang pangangantyaw sa kanya dahil kinurot na niya ito sa tagiliran. Ngumisi siya at saka kinuha ang bag bago taas noong nagpaalam sa mga ito.
“Sa library lang ako. I need to research on something,” sambit niya na kay Cam nakatingin pero sinadya niyang lakasan ang boses para umabot na rin sa pandinig ni Marion.
I heard he likes smart girls? Pwes, willing akong magpaka smart para sa kanya! Sigaw ng isip ni Cecil bago taas noong lumabas sa classroom para tumungo sa library kahit na wala naman siyang nagagawa kapag pumupunta sila ni Jonas doon kundi ang matulog lang!